"Third Lost"

1K 32 3
                                    

Third Lost

Gabi na at tulog na si Annie. Magkasama kami ni Annie sa kwarto. Tumayo ako at pinuntahan si Yaya sa ibaba. Pinaakyat ko siya sa kwarto namin ni Annie. Pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Elmo. Kakatok na sana ako ng biglang dumating si Manang Fe.

"Julie."

Napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat kasi ako sakanya.

"Manang? Hindi pa ho ba kayo matutulog? Gabi na po."

"Ganito lang talaga ako. Maya maya at matutulog na ko."

"Ahh. Ganun po ba."

Ngumiti siya sakin. "Puntahan mo siya sa ibaba. Nandun siya."

"Po?"

"Pupuntahan mo si Elmo diba? Nasa ibaba siya. Sa may duyan."

Sinunod ko ang sinabi niya. Pumunta ako dun at nakita ko si Elmo na nakahiga sa may duyan. May hawak siyang gitara at tumutugtog.

"Hey handsome."

Tumigil siya at ngumiti sakin. Lumapit siya sakin at kinuha ang kamay ko. Pinaupo niya ko sa tabi niya.

"Tulog na si Annie?"

Tumango naman ako. "Oo. Tulog na siya. Napagod sa kakapasyal."

"Masyadong masayahin yung batang yun. Punong puno ng energy."

Natawa naman ako. "Oo nga eh."

Tumahimik kaming pareho. Kinapa kapa niya ulit ang gitara niya. Tinititigan ko lang siya habang nag gigitara. Naisip ko yung pag-uusap namin kanina. Kita ko ang galit sa mata niya habang nagkukwento ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumigil siya.

"Oh? Bakit?"

Gusto ko siyang halikan kaya ginawa ko ang nararamdaman ko. Hinalikan ko siya.

"Moe.."

Yumuko siya. Ilang segundo din yun bago siya tumingala sakin ulit.

"Mahal kita, Julie. Wala akong pakialam sa nakaraan mo."

Nginitian ko siya. "Alam ko naman yun, Moe."

Nahiga kami sa duyan at pinanuod ang libo libong bituin sa langit. Ramdam namin ang lamig pero konti lang kasi may dala namang kumot dito si Elmo.

"Sinong katext mo?"

"Si Yaya. Sabi ko dun na siya matulog sa kwarto niyo para may kasama si Annie."

"So dito tayo matutulog?"

Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

"Oo naman. Maganda nga eh."

"Oo na. Kapag ako hinanap ni Annie.."

"Hindi yan. Sa sobrang nakakapagod na araw? Sure akong tulog na tulog yun hanggang bukas."

Sinandal ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ipinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang pagtibok ng puso niya. Napangiti ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"WAAAAAG!"

Pilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko. Hinatak niya ko. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Ang alam ko lang nahihilo na ko.

"Parang awa mo na..tama naaa.."

Mas hinila pa niya ko. Naramdaman ko nalang ang isang tela na ibinalot sa aking mata. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. Hiniga niya ko sa isang malambot na kama.

"Nagmamakaawa ako! Pakawalan mo na ko!!"

Umupo ako pero naramdaman ko ang pagpatong niya sakin. Ano bang nagawa kong kasalanan para maranasan ko ito? Wala naman akong ginagawa. Pinapabayaan na ba ako ng Panginoon? Bakit niya hahayaang mangyari sakin ito?

"WAAAG!"

Napasigaw ako ng marinig ko ang pagpunit ng damit ko. Akmang huhubarin niya ang bra ko ng biglang naramadaman ko ang pagkawala niya sa ibabaw ko. Napatigil ako ng makarinig ako ng sigawa.

"WAG!"

"WALA KANG PAKIALAM!"

"IBIGAY MO SIYA SAKIN!"

"GAGO KA BA? AKIN ANG BABAENG ITO!"

May nagtatanggol na ba sakin? Pero bakit ko naririnig na ibibigay ako sakanya? Magkasabwat ba sila? Pagpapasahan ba nila ako? Hindi ko na alam ang nangyari dahil umepekto na ang gamot. Nakatulog na ko.

"Julie? Hon? Wake up."

Unti unti kong iminulat ang aking mata. Nakita ko ang dalawang pares ng magaganda at nag-aalalang mga mata. Naramdaman ko din na basa ang pisngi ko pati na din ang gilid ng mata ko.

"Hon? Nananaginip ka."

Nakatingin lang ako sakanya. Sa taong dahilan kung bakit ako masaya.

"Hon.."

Niyakap ko siya. Itinago ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Shh. Wag ka ng umiyak. Panaginip lang yun."

"Gusto ko ng makalimutan yun. Gustong gusto ko ng kalimutan."

Kumalas siya sa yakap ko. Tiningnan niya ako sa aking mata.

"Hon, ako ng bahala. Ipapahanap ko siya."

Hindi ko na siya sinagot at niyakap nalang siya. Naniniwala ako kay Elmo. Natulog nalang kami ulit.

"Mommy? Dada?"

Nagising kami kay Annie na nasa ibabaw namin ni Elmo. Natawa kami sa itsura niya kasi may kagat kagat siyang waffles.

"Good morning anak. Nag b-breakfast ka na?"

Tumango naman siya. "Yes Mommy."

"Kiss mo nga si Dada baby ko."

Hinalikan niya si Elmo.

"Wow! Ang sarap naman! Chocolate!"

Natawa naman si Annie. "Sarap Dada?"

Tumango si Elmo. Umupo siya at inayos ang sarili niya. Kinarga niya si Annie at ibinaba. Nilahad niya ang kamay niya sakin. Kinuha ko yun at bumangon na sa duyan.

"Mommy? Dada? Bakit dito kayo nag sleep? You don't like to sleep inside?"

"Uhm. Nag watch kami ng stars kagabi eh."

"Really Dada?"

Tumango si Elmo. "Oo baby. Hayaan mo mamaya sasama ka namin."

Nagtatalon naman siya. Tinawanan namin siya kasi ang sarap sarap niyang panuorin.

"Elmo."

Napatingin kami ni Elmo sa may pinto.

"Mom?"

Tumingin ako sa babaeng nasa pinto. Alam kong alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Elmo at sa naging kalagayan ko. Hindi ko pa siya nakikilala. Ngayon palang. Nagulat ako ng ngumiti siya sakin.

"Hi Julie Anne."

Nahihiyang ngumiti din ako sakanya.

"Good morning po."

Nilagay ni Elmo ang kamay niya sa bewang ko.

"Hi Mom."

"MOM!"

Nakarinig kami ng sigaw. Maya maya pa may lumabas at tumabi sa Mommy ni Elmo. Tumingin siya sa amin. Halos mapanganga ako ng makita ko siya. Halos mag flashback lahat lahat sakin. Lahat ng sakit at pangbababoy. Ngumiti siya ng nakakaloko sakin. Gusto ko siyang patayin. Gusto kong pumatay..

"Hi." Sabi niya.

At siya ang uunahin ko.

To be continued..

The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon