Aizel's pov
"Bro! Grabe ka sa future wife mo!" asar nila sakin.
"Dapat lang sa kanya yun" saad ko sabay inom ng beer. Nandito kami ngayon sa bar na pag mamay ari na Gabriel ang kaibigan ko.
"Matindi ka tol! Paano pa kaya pag kinasal na kayo" sambit ni Jack.
"Hindi ko gusto ikasal sa babaeng yun. Napaka tanga"
"Pero tol. Ang ganda ng mapapangasawa mo ah. Pag di mo na talaga kayang pakisamahan, akin na lang. Ang ganda kasi pre eh!" sambit ni Miguel na ikinakulo ng dugo ko.
"Woah, woah tol! Chill ka lang!" sigaw nilang tatlo ng hawakan ko sa kwelyo si Miguel.
"Akin lang si Addilyn, Miguel! Walang pwedeng mang agaw sa mapapangasawa ko kundi, ako mismo ang tatapos sa buhay niya" pag babanta ko at umalis dun.
Addilyn's pov
Lumipas ang ilang araw at weekends na. Mag isa ako ngayon dito sa condo ko nag luluto ng may biglang tumawag sa landline.
"Hello?"
"Ma'am, may bisita po kayo. Paakyatin ko na po ba?" baka sila mom yun.
"Sige po kuya" saad ko at binaba ang telepono tsaka bumalik sa kusina dahil masusunog ang niluluto ko. Natapos ko na ang niluluto ko at saktong may nag doorbell. Hindi ko na nahubad ang apron ko at dumeretso na sa main door at binuksan ito.
"A-Aizel? A-anong g-ginagawa mo d-dito?" nanginginig kong tanong.
"I'm just visiting my future wife" napaatras ako ng maamoy ko ang alak sa kanya.
"A-aizel you're drunk. Y-you should go home" Grabe ah. Tanghaling tapat nag lasing tong lalaking toh.
Hindi siya nakinig sakin at pumasok sa condo ko at sinara ang pinto. Dederetso sana ako sa kusina para kumuha ng tubig ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at tinulak kaya napasandal ako sa pinto. Hinarang niya ang mag kabila niyang braso sa gilid ng mukha ko at palapit ng palapit ang mukha niya sakin.
"A-aizel... W-what are you doing?" nanginginig kong tanong pero hindi siya sumagot.
Lumapit ang mukha niya sa leeg ko at inamoy amoy naman ito. Medyo nakikiliti ako kaya hindi ko mapigilan ang mapa ungol.
"A-aizel..."
"You smell wonderful, Lyn" bulong niya sa tenga ko.
"A-aizel, p-please s-stop. L-lasing kana" pag pipigil ko sa kanya ng hinalik halikan niya ang leeg ko ngunit hindi siya nakinig.
"Aizel!" sigaw ko at tinulak siya dahilan para mapaatras siya.
Inangat niya ang ulo niya at kita ko ang galit at dissapointment sa mga mata niya.
"I'll get you soon, baby. And no one will ever have you" madiin niya sambit bago umalis sa unit ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya. What the heck is he trying to do?! Is he going to rape me?! Ikakasal pa nga lang kami, dudumihan na niya agad ako?! Oh my freaking gosh!
Tinanggal ko na lang yun sa isip ko at inenjoy ang weekend ko.
*Few days later*
Another school day! Naligo nako at kumain ng breakfast tsaka dumeretso sa university.
Habang nag lalakad ako sa hallway ay may biglang bumangga mula sa likod ko dahilan para mabitawan ko ang mga hawak ko.
Lumuhod ako para isa isang pulutin ang mga gamit ko ng may biglang lumuhod sa harap ko at inangat ang baba ko.
"Sa susunod kasi, wag kang haharang harang sa daan ko. Gets mo?" matalim niya akong tinignan bago ako iniwan dun.
Pagkarating ko sa classroom ay dumeretso nako sa upuan ko na hindi siya tinitignan. Uupo na sana ako ng may biglang humila sa upuan ko kaya napaupo ako sa sahig and once again, napahiya ako sa maraming tao.
"Addilyn!" sigaw nila Aiden at Shane na kakarating lang at nilapitan ako.
"Are you ok?!" nag aalala nilang tanong at tinulungan akong tumayo.
"Tol, nakakailan kana ah!" sigaw ni Aiden kay Aizel.
"Bakit? Lalaban ka?!" madiing sambit ni Aizel at kinwelyuhan si Aiden.
"Aiden tama na yan!" pag aawat namin ni Shane sa kanya.
Binitawan siya ni Aizel sabay tingin sakin ng masama.
Oh dear. Lord please help me to stop this upcoming wedding!
*Few days later*
Matagumpay na natapos ang kasal namin at kasalukuyan kaming nasa reception which is dito sa bahay na regalo ng mga magulang namin samin.
And, about dun sa "you may kiss the bride" thingy. We didn't kiss. I won't give my first kiss to that bastard! Ughh!
Today I am officially not single anymore. I am married with a freaking bastard! No one in our school knows about it and I want to keep it that way.
Natapos na ang party at nagsi uwian na ang mga bisita kaya dumeretso nako sa kwarto ko. Don't expect na matutulog kami sa iisang kwarto. No way!
Naligo nako at matutulog na dahil may pasok pa ako bukas.
*The next day*
Maaga akong nagising at naligo, nag bihis ng uniform at lumabas na ng kwarto. Pagka baba ko ay hindi ko siya nadatnan dun kaya nag luto nako ng breakfast. We don't have any maids and it's just the two of us in this house.
Natapos nakong kumain at nilagay ko na sa lababo ang pinag kainan ko ng bumaba siya.
"Mauuna nako. May pagkain diyan. Eat if you want" saad ko at hindi ko siya tinignan hanggang sa makalabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko.
Aizel's pov
Grabe yung babaeng yun! Ni hindi man lang ako tinignan at derederetsong lumabas ng bahay! Wow!
Dumeretso na lang ako sa kusina at nag breakfast na. I admit it, masarap ang luto niya. Natapos akong kumain at iniwan sa lababo ang mga hugasin. She'll just clean it later. Kinuha ko na ang bag at susi ng kotse ko tsaka lumabas ng bahay.
*Few minutes later*
Nakarating ako sa university at pinark ko na ang kotse ko sa parking lot tsaka bumaba. Habang nag lalakad ako ay nakita ko si Addilyn kasama si Aiden at parang masaya sila. Bigla namang kumulo ang dugo ko ng makita silang mag kasama. No one have the rights to be with Addilyn! Ako lang dapat!
"Yow bro!" tawag sakin ni Gab pero di ko sila pinansin.
"Tol, tulala ka?" tanong ni Michael at tinignan nila ang tinitignan ko kanina pa.
"Nag seselos ka noh" biglang sabat ni Jack at sinamaan ko siya ng tingin.
"Shut the fvck up" madiin kong sambit.
Agad akong lumapit sa kanila at tinisod ko naman si Addilyn.
"Addi!" sigaw ni Aiden at tinulungan niyang tumayo si Addilyn.
"Ano ba problema mo Aizel?!" sigaw niya sakin.
"Ikaw!" sambit ko at sinapak siya sa mukha.
"Aiden!" sigaw ni Addilyn at lumapit kay Aiden.
Addilyn's pov
Nandito kami ngayon sa clinic at ginagamot ng nurse ang pumutok na labi ni Aiden dahil sa suntok ni Aizel.
"Aiden, sorry talaga" saad ko.
"Bakit naman?"
"Alam mo namang ako ang pinag t-tripan ni Aizel diba. Nadamay kapa dahil sakin" saad ko habang nakayuko.
"Ok lang yun. Suntukin na niya ako't lahat. Wag ka lang masasaktan" sambit niya at medyo kinilig naman ako dun.
Mamaya kakausapin ko yung lalaking yun. Ano bang problema niya?! Bat niya sinapak si Aiden?!
To be continued
BINABASA MO ANG
Married to a Possessive Bad Boy ✔
General FictionCOMPLETED STORY on Dreame I'm a weak girl, until a bad boy came and change my life - Addi Addilyn Trixie Farren is an 18 years old college student. She is also married to her husband named Aizel Kenji Zmith a 19 years old college student. They are...