Ch 25: Fight

26 8 0
                                    

Densuki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Densuki

Malamig na tubig ang bumihos sa buo kong katawan habang naka pikit ang mga mata ko. Iginilid ang bangs na nabuo dahil sa patak ng tubig. Ng mabasa ang buo kong katawan ay agad akong napaisip sa nga salitang binitawan ni Samuel.

"Enjoy life i guess?" Kung sabagay siya mismo nag tataka, ako din. Pero soryoso, ayoko na makipag usap kay Jhayson, hindi naman ako galit sa kanya, malaki padin ang pag mamahal at pasasalamat ko sa kanya.

Pero kaylangan ko na yung pigilan, at kaylangan ko nang kumilos para sa sarili ko. Wala na akong mga magulang at wala na din akong kasama, ayokong maging pabigat sa sarili kong mga problema.

Kumuwa ako ng shampoo at kinusot ang buhok ko, muli kong napansin ang kulay pulang parang dugo na bumabakat saking kamay, dahil nawawala ang epekto ng dye. Hindi na bago sakin na kada aalisin ko ang dye na ito ay babalik at babalik sa ala-ala ko ang araw na unang beses kong sinubukan na mag laslas.

Bangungot sa totoo lang, pero ngayon, satingin ko isa siyang gabay. Lalo na kanina, muntik ko nanamang magawa, pero siya padin ang nag ligtas sakin. Padalwang beses na.

Naka tingin sa bagong set ng kotsilyo, dahil sa biglaang pag kawala ng ginagamit ko sa kusina, sinaksak ko ang braso ko, pero bigla nalang siyang lumitaw ng parang kabote. Hindi makapaniwala sa kung anong nakita niya, natulala siya habang ako ay napataklob ng bibig habang humihinga ng malalim, nag pipigil sumigaw sa sakit ng naratamdaman ko. Agad siyang tumakbo papunta sa durabox ko at nag hanap ng malinis na panyo upang mapigilan ang pag durugo. Tumawag siya ng ambulansya at dinala ako sa hospital. Siya ang nag bayad ng lahat, galing sa kanyang ipon na nakuwa niya sa kanyang pag sisideline sa isang maliit na karinderya malapit sa kanilang bahay.

Trauma sa mga mata at isipan ko na makita ang sarili kong mga kamay na punong puno ng dugo at ang matalas na kusilyong muntik na pumatay sakin.

Bakat padin sa braso ko ang mga peklat ng naka raan, pilit kong tinatakloban ang mga bakas ng nakaraan, lalo na't ngayon gusto ko nang tumingin sa kinabukasan ko.

Nang matapos akong maligo ay agad akong nag tuyo ng katawan, nag tapis at nag bihis. Ng makapag bihis ako ay agad kong napansin ang cellphone ni Samuel. Naiwanan niya yun sa sofa ko, baka nalaglag ng hindi niya napapansin o naiwanan niya talaga. Kung sabagay, nakatulog ako dahil sa pagod, at siguro binantayan niya ako kagaya ng ginawa ni... Jhayson.

Naalala ko din ang iniwan niyang pera sa ibabaw ng ref ko. Total kaylangan niya ang cellphone niya, kaylangan kong maibalik agad to sa kanya, nag mamadali kong binalot ang niluto niyang manok at kanin.

Total papunta na ako doon ay doon ko nalang din kakainin sa kanila. Binulsa ko ang perang pamasahe at ang kanyang cellphone at nilock ang kwarto ko. Bumaba ako ng apartment nag abang ng tricycle sa tapat.

A Lonely Man, Saved a Dying AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon