Disclaimer: This is my Short Film Screenplay script. Copy right infringement and plagiarism are strictly forbidden.
Liz POV
Disyembre na noong panahong iyon at gipit pa rin ako kung kailan malapit na ang Pasko. Dinalaw ko ang Tiyahin ko para sana mangutang muli tulad sa iba rin naming kamag-anak. Kumatok ako sa pintuan ng bahay nila.
Liz: Tao po, tao po... Tita Chang? Si Liz po ito.
Pinagbuksan ako ng Tiyahin ko.
Chang: Liz? Kumusta na? Halika pasok ka, buti napadalaw ka kung kailan last month of the year na.
Liz: Ah Tita... Oo nga po, December na po pero didiretsahin ko na po kayo ngayon.
Chang: Bakit? Anong meron?
Liz: Gipit po kasi kami ngayon, paano na? Baka wala rin kaming maihanda sa Noche Buena lalo nagkasakit ang Asawa ko at naka-confine pa ngayon.
Chang: Eh 'di ibig sahihin mangungutang ka?
Liz: Ganun na nga po, pwede po bang makadilehensya sa inyo?
Chang: Hmmm? (Nag-iisip kaya itinuro sa sariling noo ang hintuturo)
Chang: No need, tuturuan kita ng bagong diskarte.
Liz: Po? Paano?
Chang: May number ka ba ng kapatid ko? Tawagan ko pa kaya siya.
Liz: Ah nandito po. (Sabay abot ng basic phone)Mars POV
Namalengke ako, manaka-nakang titingin ako sa phone para silipin ang market list, at pati text ni Chang na kapatid ko. Magtatanong sa mga tindero sa palengke, susuriin kung sariwa ang produkto bago bilhin at pati na ang pagkukumpara ng mga presyo. Sa hindi kalaunan, nakumpleto rin ang mga bilihin.
Nasa kalsada naglalakad ako nang biglaang tumawag si Chang sa kanya. Huminto ako katabi ng puno upang sagutin ang tawag.
Mars: Bakit ka atat Ate Chang? Papunta na nga ako diyan sa inyo.
Sa kabilang linya ay nagsalita din si Chang na nasa kusina at naghahanda ng mga gamit. Naka-loud speaker ang Cellphone niya.
Chang: Ang tagal mo kase Sis, pakidalian naman oh. Kompleto na ba ang 12 sangkap?
Mars: Siyempre kinompleto ko talaga ang nasa listahan.
Chang: Good job Sis! Ayaw kong pumalpak tayo para sa magiging paninda ni Liz.
Mars: Oh siya, ibaba ko na ito dahil nasa daan pa ako at ang dami ko talagang bitbit pero malapit na ako diyan Ate Chang.Chang POV
Tinuturuan ko sa paghihiwa ng karot si Liz. Pabilog ang nagawa niya at sinita ko siya.
Chang: Hindi ganyan ang paghiwa! Sabi ko ay Julienne cut nga eh, ang ginawa mo pangmenudo iyan eh?
Liz: Po? Ano ba ang Julienne cut? Paano po ba talaga iyon Tita Chang?Kinuha ko ang kutsilyo at karot para ilarawan ang Julienne Cut.
Chang: Ganito ang Julienne cut, medyo itsurang tooth pick ang paghiwa sa karot.
Hinati ang karot at saka pa-strip ang paghiwa pagkatapos ay ilalagay rin sa tasa para sukatin.
Liz: Ah ganyan pala yun Tita. Haha hindi ko kase alam eh.
Chang: Ayan ah, ikaw na tumapos at sukatin sa 3/4 cup.Itinuloy ni Liz ang paghiwa ng karot sa Julienne cut at nakumpleto ang 3/4 cup na sukat. Samantala, binubudburan naman ni Mars ng pinaghalong harina at asin ang isda. Siya naman ang nagsalita noong isinalang na sa pagprito ang isda sa mainit na mantika.
Mars POV
Nagbubudbud pa ako ng susunod na piprituhing isda nang ako ay nagtanong kay Chang. Nagbabalat naman siya ng bawang at sibuyas. Si Liz naman ay mga bell pepper na ang hinihiwa ng Julienne cut at susukatin din sa tasa.
Mars: Bakit ba parang ang dami ng iniutos mo sa akin kanina Ate?
Chang: Madami ba iyon? Kaunti pa nga lang iyon eh.
Mars: Nakita niyo namang ang dami kong bitbit kanina?
Liz: Eh Nay, bakit hindi po kayo sumakay ng tricycle?
Mars: Malapit lang kase eh mula palengke kaya nilakad ko na lang.
Chang: Alam niyo ba kung ano ang meaning nun?
Liz: Ng alin?
Chang: Ng bilang ng sangkap pero hindi pa rin yun marami ah.
Mars: Eh ano nga?
Chang: Eh di 12 days of Christmas kaya nga labindalawa eh.
Mars: Ganun? Parang Escabeche lang, ordinaryong ulam lang iyon para padamihin pa ang mga sangkap.
Chang: Hindi iyan basta ulam Sis, Maya Maya Escabeche iyan na ikabubuhay ng pamangkin ko hanggang sa maka-ipon siya ng pang-Noche Buena nila.
Liz: Maya Maya Escabeche po ba talaga Ito? Eh bakit wala akong nakitang luya? Pati asukal ay wala din?Medyo itataas ni Liz ang dalawang mangkok ng sangkap.
Liz: Tingnan niyo mga ito Nay, may Escabeche bang ganito lang ang sangkap? Karot at matabang sili lang? Pero walang luya!
Inilabas ni Chang ang espesyal na produkto para sa Maya Maya Escabeche.
Chang: No need kung mayroon naman nitong UFC Sweet Chili Sauce. Aba eh mas maanghang pa iyan sa luya.
Kinuha naman ni Liz ang Liquid Measuring Cup para sukatin ang suka pagkatapos ay inilagay din sa isa pang mangkok ang sangkap.
Liz: Paano naman ang pampatamis Tita? Eh wala ding asukal?
May inilabas muli si Chang at bote naman ang pinaglagyan.
Chang: Akin na nga iyan Liz. (Kukunin ang Liquid Measuring Cup at ibubuhos ang nasa bote)
Mars: Ano na naman iyan Ate? (Napataas pa ng kilay sa kanyang reaksyon)
Liz: Oo nga Tita, tinunaw na asukal po ba iyan o yung Caramel iyang sinusukat niyo?
Chang: Hindi ah, ano ba kayo? Hindi niyo ba alam tawag diyan? Isa pang secret ingredient ang honey. Walang epek sa isdang Maya Maya ang pampatamis kung asukal lang dahil hihigupin lang ng harina.
Liz: Ganun pala iyon? Andami ko nang natutunan sa inyo Tita.
Mars: Marunong ka naman palang mang-imbento ng recipe, bakit hindi mo ginawang negosyo? Eh dati kang Abroad Ate Chang.
Chang: Walang malaking puhunan at mahal ang upa sa pwesto. Si Liz na lang ang mag-online selling nito kaya nga tinuturuan ko siya ng sample.Liz POV
Inaayos na ni Inay Mars ang mga pritong isda para itabi muna. Sunod ay may konting mantika pa para sa pagluto ng sarsa at ako ang nagbuhos ng mixture. Igigisa ni Tita Chang ang mixture hanggang sa tuluyang naging sarsa.
Chang: Ibalik mo na iyang pritong isda dito para ihalo.. Okey na toh.
Pagkatapos ay inilipat na sa may plato ang Maya Maya Escabeche. Titikman ni Liz ang niluto nila at namangha siya.
Liz: Ang sarap po nito Tita Chang, kahit maanghang ay malinamnam pa rin.
Si Mars naman ang sumunod na tumikim.
Chang: Oh ano Sis. Mars? May masasabi ka pa rin ba?
Mars: Pwede na, sana maraming bumili nito at pumatok sa mga tao.Inilipat sa styrofoam ang Escabeche at bumati ako ng pasasalamat. Yung nasa serving plate naman na kalahati ay nakabukod upang maulam namin sa tanghalian.
Liz: Thanks po talaga Tita Chang.. At Advance Merry Christmas na din sa ating lahat.
Chang: Always welcome, huwag ka na mangutang kung kanino at magnegosyo ka na lang.
Liz: Okey lang po, may bagong natutunan naman ako at ito iyon.
Mars: Tama na iyang mga drama niyo, nakakagutom na kaya kumain na tayo.Naghain na kami ng kanin sa mga plato namin.
~ THE END ~
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES COLLECTION
RandomThis is the compilation of my One Shot Short Stories through the years in different genre. Part 1 - Romantic Comedy Fiction Part 2 - Logical Dramatic Reality Based Part 3 - Suspense Reality Based Part 4 - Suspense Romantic Fiction Part 5 - Suspense...