Chapter 18 : Gift

64 5 2
                                    

  Katatapos lamang kumain ni Jane kaya umakyat na siya sa itaas. Nadaanan niya ang kaniyang kapatid sa kwarto nito na tutok na tutok sa computer at hindi pa ito kumain.

"James, itigil mo muna 'yan. Kumain kana." aniya at bahagyang pumasok sa kwarto ng kapatid. Mukha itong walang narinig at nagpatuloy parin sa paglalaro.

"James!" mabilis na pinatay ng kapatid niya ang PC dahil sa bahagyang pagtaas ng kaniyang boses.

"Opo, ate. Sorry po." nakayuko nitong tugon saka patakbong binaba ang hagdanan.  Napailing nalang siya dahil mukhang natakot pa ata niya ang kaniyang kapatid.

Pumasok siya sa loob ng kwarto ng kaniyang kapatid para ayusin ang mga kalat nito. Kung saan-saan na naman kasi nito nilagay ang mga maruruming damit. Dumapo ang tingin niya sa litrato na nakapwesto sa side table.  Litrato nilang dalawa iyun at katabi nito ay ang ginuhit ng kapatid na tsokolate. Kinuha niya ang litrato nilang dalawa at tiningnan itong maigi. Napangiti na lamang siya.

Pagkatapos nilinis ang kwarto ay pumasok narin siya sakaniyang kwarto. Agad siyang nahiga sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

Tinanong niya ang sarili kung bakit may mga taong kayang gumawa ng masama. Hindi ba sila nako-konsensiya?

Sinagot rin ng sarili niyang isipan ang kaniyang katanungan.

Kaya sila nakagawa ng masama dahil may pinaglalaban sila. May pinagdaanan at nasaktan. Dala ng poot, galit at inggit kaya nakagawa ng masama ang isang tao.

Muling nanumbalik sakaniyang isipan ang pagkamatay ng kanilang principal at ni Rebecca Go. Mukhang na out of topic na ito at parang kinalimutan na lamang nang hindi nakamit ang hustisya.

Napahinga siya ng malalim at tumagilid ng higa. Kita mula sa nakabukas na bintana ng kaniyang kwarto ang malaking buwan at nakapaligid nito ang mga kumikinang na bituin. Napangiti siya ng mapait nang may maalalang eksena mula sakaniyang nakaraan.

"I love you, Jake."
"I love you more, Jane."

Nabalik siya sa realidad pagkarinig ng tunog ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa side table at sinagot ang tawag.

"Hi Jane! Naistorbo ba kita?" bungad ni Laurynn.

"Hindi naman Laurds. Wala rin naman akong ginawa." aniya at umupo sa kama saka pinaglaruan ang kaniyang buhok. "Ba't ka pala napatawag?"

"Ah, oo! 'Yun may sasabihin ako."

"Ano 'yun?"

"Nakita mo na ba ang laman ng paperbag na binigay ni Don Rosewell kanina?" nangunot ang kaniyang noo at napatingin sa paperbag na nasa loob ng cabinet niyang bahagyang nakabukas.

"Hindi pa eh. Bakit?" aniya at inipit ang cellphone sa pagitan ng kaniyang ulo at balikat sabay kuha sa paperbag na nasa cabinet.

"Ay sayang!  Basta buksan mo na 'yun. Ang akin ang ganda nung laman." bahagya niyang binuksan ang paperbag at sinilip ang laman nun.  Para iyong album.

"Ano laman ng sa'yo?" tanong niya kay Laurynn.

"Isa siyang libro na about mystery. Basta ang ganda niya!" tiningnan niyang muli ang laman nung paperbag. Naisip niya na kung libro iyon, edi masaya. May madagdag na naman sa bookshelf niya. Pero kung album para saan at bakit?

"Jane, andiyan ka pa?"

"Ah, oo. Tiningnan ko lang ang laman ng paperbag."

"Talaga?! Ano laman?"

"Hindi ko pa tuluyang nakita eh. Sasabihin ko nalang bukas."

"Sige.Dalhin mo ah?"

"Okay."

Pagkatapos nilang mag-usap ay pinatay na niya ang tawag. Nilagay niya muna sa side table ang cellphone bago kinuha ang laman ng paperbag.

"Album nga," aniya at nagsimulang buklatin ang mga pahina.

Agad niya itong nabitawan dahilan nang pagbagsak nito sa sahig.

Hinihingal siyang hinawakan ang kaniyang dibdib. Para siyang magnanakaw na hinahabol ng mga pulis base sa paraan ng kaniyang paghingal.

Nakakatakot. Nakakakilabot.

Lumunok siya ng laway at humugot ng sapat na lakas bago pinulot ang album na nahulog sa sahig. Muli niyang tiningnan ang mga litrato doon. Ganun padin ang kilabot na kaniyang naramdaman.

Mga larawan iyon ng mga namatay na tao, duguang classroom na may maraming bangkay. Sa tingin niya'y iba-iba ang taon na pinagmulan ng mga litrato. Meron pa kasing black and white photo.

Patuloy lamang siya sa pagbuklat hanggang dumating siya sa pinakahuling pahina. Nangunot ang noo niya at nailapit ang mukha sa papel na nakadikit sa sa huling pahina ng album.

There's no portal of exit,
No time to quit.
Save thy souls,
But sacrifice yours.
Pack your things right now,
The past will hunt you down.

Hindi na niya alam ang kaniyang naramdaman. Kinilabutan siya at bigla na lang nanlamig ang kaniyang kamay. Napamaang ang kaniyang bibig at patuloy sa pagkabog nang malakas ang kaniyang dibdib.

"A-ano 'to?" halos hindi na siya makapagsalita ng maayos. Binasa niya ito nang paulit-ulit at ganun parin ang kaniyang naramdaman.

"Si Don Rosewell." bigla niyang nasambit. Iyon ang nag-iisang tao na pumasok sa isip niya. Si Don lang ang makasagot kung bakit ganito ang regalo niya.

Kinuha niya mula sa pagkadikit ang maliit na papel at nilagay ito sa pagitan ng mga pahina ng kaniyang notebook.

Kinabukasan, bago pumasok sa silid ay dumeretso muna siya sa opisina ng may-ari. Napag-alaman niyang isang linggo ang pananatili ng may-ari sa kanilang paaralan, kaya nasisiguro niyang narito pa iyon.

Kaunti nalang ang distansya ng pinto at ng kaniyang kamay. Akmang kakatok ngunit biglang nagbago ang isip niya.

"Kailangan kong gumawa ng plano." nag-isip siya ng sasabihin at kakatok na sana.

"What are you doing there, Ms. Del Valle?"  nabigla siya nang malaman na alam ng Don ang apelyido niya, pero mabilis din siyang naka-bawi.

"Pwede ko po ba kayong maka-usap, Don?"

"Ok, come in." ang may-ari na ang nagbukas ng pinto para sakanilang dalawa.

"What is it about?" anito at nilagay sa mesa ang itim niyang sling bag.

"Tungkol po sa regalo na binigay niyo kahapon, Don."

"Oh, how about it?"

"Bakit niyo po ako binigyan ng album, Don?"  aniya at kinuha ang album sa loob ng kaniyang bag.

Nagunot naman ang noo ni Don Rosewell.

"What album? I didn't gave one."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"As far as I know, ang laman lahat ng paperbags are mystery books that came from U.S."

Naningkit ang mata niya at nagtaka.

"Pero bakit po ito ang laman ng regalo ko?"

"I don't know. Maybe…" nilagay ng principal ang dalawa niyang palad sa ibabaw ng mesa at tiningnan si Jane sa mata.

"Someone changed it."

ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon