Yvan's POV
HINDI ko alam kung pupuntahan ko ba siya dun or hihintayin nalang ang balita kay Tita HB. Ayoko naman kasing makaabala pa duon, baka ako pa ang sisihin dahil ako ang huli niyang nakasama.
Pero.. parang may mali talaga eh. Kanina hindi naman siya mukhang may narara--
(Phone ring)
Naputol ako sa pag-iisip ng mag ring na naman ang telepono nila.
Sino na naman kaya 'tong tumatawag na 'to?
"He--"
"Bakit nasa hospital ang anak ko!!?" Sigaw ng nasa kabilang linya. I think si Tito Zeke 'to.
"A-ah.. e-eh.. hindi ko rin po alam Tito Z-zeke.." Nauutal na sagot ko.
"Sino ba 'to? Yvan?!" Pagalit na sabi pa ni Tito.
"O-opo, ako nga po." Sagot ko.
"Okay, ang Tita HB mo ba pumunta ng hospital?"
Buti naman at nahimasmasan na si Tito. Para na akong aatakihin sa nerbyos dito eh.
"Kakaalis-alis lang po."
"Sige, paki puntahan na lang siya duon. Sabihin mo na baka mamaya pa ako makapunta kasi urgent ang mga meeting ko ngayon. Paki bantayan na lang din ang mag-ina ko ha, Yvan. Aasahan kita. Ge."
At binabaan na niya ako.
Hay nako, naatasan pang mag bantay. Kaya eto no choice kung 'di pumunta ng hospital.
Teka, cellphone ko ba 'yung nag ri-ring? Pag tingin ko sa cellphone ko ay may unregistered number na tumatawag. Sino naman kaya 'to?
"Hello?"
"Ahh, Yvan? Tita HB mo 'to. Pwede ka bang pumunta sa room ni Friz? Paki-kuha naman siya ng ilang damit niya tapos dalhin mo dito sa antipolo med. Sige, asahan kita ah?"
"Ahh, sige po ti--"
Okay.. binabaan na naman ako. Psh.
Ano ba talagang nangyayari ngayon? Gawin daw ba akong utusan?
Asan ba ang kwarto ng babaeng 'yun dito? Eh.. ang laki-laki ng mansyon na 'to? Aish!
"Psst! Manang!" Tawag ko sa katulong nila.
Lumapit naman siya sa'kin. "Yes sir? Ano pong kailangan niyo?"
"Ahm. Si Friz po kasi ay nasa hospital nga--"
"Anoooooo? Nasa hospital si ma'am Friz? Bakit?! Alam na ba 'to nila sir Zeke at ma'am-- asdkafdi."
Hindi ko na siya pinatapos pang mag salita kasi nag hi-hysterical na eh.
"Opo. Alam na po nila. Actually, nandun na ngayon si Tita. Binabantayan na si Friz." Paliwanag ko sabay tanggal ng kamay ko sa bibig niya.
Nakita ko naman na kumalma na siya. "Ganun po ba? Pero bakit niyo po pala ako tinawag?" Tanong niya.
"Ayun nga po. Magpapasama sana ako sa inyo kung nasaan ang kwarto ni Friz. Pinapakuha kasi ako ni Tita HB ng ilang damit ni Friz upang dalhin dun." Sagot ko.
"Ahh. Ayun pala. Tara po, sundan niyo lang ako." Sabi niya at nag simula ng mag lakad.
Hindi na ako sumagot at sinundan nalang siya.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa loob ng kwarto ni Friz.
"Sige po Sir, maiwan ko na po."
"Sige po, salamat." Sagot ko.
Nag-bow muna siya sa'kin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at na-amazed. It was a nice room. Napaka linis at black and white lang ang makikita mo dito.
Nang makita ko kung nasaan ang closet ni Friz ay agad akong tumungo roon. Syempre para kumuha ng mga damit.
Habang kumukuha ako ng damit ay naisip kong...
KUKUHA RIN AKO NG UNDIES?
Bakit ba hindi ko 'yun naisip? Syete naman oh! Hayss!
Hindi ko nalang pinansin pa at kumuha nalang ako ng dapat kunin. Bahala na, inutusan lang naman ako eh.
Nakakuha na ako ng mga damit. Ang problema ko naman ay.. saan ko naman 'to ilalagay!?
Enebenemenyen! Puro nalang problema! Tss.
Inilibot ko ulit ang mata ko upang mag hanap ng pwedeng maging lagayan.
May nakita ako sa may gilid ng kama niya na parang mini bag. Agad ko itong nilapitan at kinuha at isa-isang inilagay ang mga damit.
Nung isang damit nalang ang ilalagay ko ay parang may bumara sa paglalagyan ko.
Pag tingin ko kung ano 'yung bumara ay isang maliit na notebook ito at may nakasulat na "My Wish List" at dahil na-curious ako ay binuklat ko ito.
Itutuloy..