One

19.3K 70 6
                                    

Borrowed Heaven

L A D Y L O V E 8 8 ' s

original story

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.         

A/N: This is my very first story in wattpad. And yeah, I know this is not that special. Sorry to disappoint you guys, pero uunahan ko na kayo. Bear with me, hindi pa kasi naeedit to. Grammatical errors and Typo errors are everywhere. So, pagtiyagaan nalang po. Thank you!

This story has no prologue. SORRY >3<

 ONE

Hannah

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Manong, sa tabi nalang po!" nagmamadali kong sambit sa driver ng tricycle na sinasakyan ko. Putek, late na naman ako. Tsk. Nagbayad na ako at dali-daling pumasok sa loob ng university na pinapasukan ko.

Tuloy tuloy akong pumasok sa main gate. Wala akong pakeelam kung sino man ang mabangga ko, basta ang alam ko ay late na ako. Mayayari na naman ako sa prof ko pag nagkataon. Nakakatatlong late na ako sa kanya at konting konti nalang ay id-drop na niya ako. Siyempre hindi naman ako makakapayag dun. Major ko kaya ang subject na yun, at gusto ko na din makagraduate nuh! Hay nako, bahala na nga lang si batman sa idadahilan ko kung bakit na naman ako nalate. 

Teka, bakit nga ba ako na-late? Amp, naalala ko na naman yung nangyari kanina sa may crossing habang nakasakay ako ng jeep. May isang itim na sasakyan ang nakaharang sa daan kaya sobrang traffic, hindi ko alam kung bakit pero narinig kong nag uusap yung mga kasabay kong pasahero sa jeep kanina...

*flashback*

"Kuya, ano po ba ang nangyari at nakaharang yang kotse sa gitna at hindi pa din umaandar?" tanong ng aling may dala-dalang bayong. Mukhang galing ata sa palengke. 

"Ay, may dalawang lalaki ang nagkasagutan. Nabangga daw kasi nung isang jeep yung bumper ng sasakyan nung isang lalaki, pinaaalegro kaso ayaw naman nung driver ng jeep. Kaya ayun, napahaba ang usapan!" sagot naman nung driver ng jeep na sinasakyan ko. Kagagaling lang ata dun sa may nagkakagulo. Nakiusyoso at nakitsismis na din. 

Paksyet, paano na ako niyan! Is it the end of the world for me? Nah! Tumigil ka na nga Hannah. Gumawa ka na ng paraan habang may 15 minutes ka pang natitira. Malayo-layo pa naman din dito ang eskwelang pinapasukan ko. 

Dali-dali akong bumaba at lakas loob na nilakad ang kahabaan ng traffic. Buti nalang at mag-aalas-otso palang at hindi pa gaanong tirik ang sikat ng araw. At yes, natunton ko din ang mga taong nag-cause ng kay haba-habang traffic. Madadaanan ko pa pala ang mga mokong na ito. Una kong nakita ang jeep na nakadikit nga naman sa bumper ng isang itim na toyota vios. Malaki din ang damage kaya siguro nag aalboroto tong may ari. Sunod akong napatingin sa mamang nagsisisigaw sa isang lalaking halos ka-edad ko lang na kaharap nito. Ito sigurong dalawang to ang nabangga at nakabangga.

Naagaw ang atensyon ko sa lalaking kausap nung mama, nakakunot ang noo nito sa kaharap niya ngunit hindi pa din naitatanggi ang pagiging maamo ng mukha nito. Kahit nakasimangot pa ito, nagwapuhan ako sakanya ah, infairness. Nagulat nalang ako ng biglang nagsapakan ang dalawa. Unang sumuntok si Mr. Pogi pero agad naman na gumanti si mamang driver ng jeep. Nagkagulo ang mga tao pero siyempre, naalala ko na male-late na pala ako kaya pinabayaan ko na lang sila dun at naglakad na ako patawid ng crossing. Dun na ako sumakay ng tricycle papuntang university. 

Borrowed HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon