expectations

19 4 5
                                    

expectations

It's official.

Grupo na kaming tatlo nila Margarette at Anna. Pansin ko nitong mga nakaraang araw, kami na ang magkakasamang kumain ng lunch at maglakad palabas ng gate kapag uwian. 'Yung tipong 'di ko na sila kailangang pakiramdaman kung gusto ba nila sumama.

Ngayon nga, himalang si Anna pa ang mismong nag-aya at kusang lumapit sa amin. Madalas kasi ite-text ko pa siya para tanungin kung gusto niya bang sumabay kumain sa amin ni Margarette at Da.

Kung may reklamo man si Hanna, (napansin ko kasing sinundan niya ng tingin si Anna nung palapit ito sa amin) hindi naman niya ipinahalata. Bumaling lang siya ng tingin kay Matthew at Sean and the two doesn't seem to mind Anna.

Grabe lang, 'di ba? Samantalang ako paminsan 'di pinapatulog nung mga alaala noon na nilalayuan ako ng mga nagiging kaibigan ko. Anyway, masaya akong nagiging komportable na kami sa isa't isa.

Sa cafeteria kami kakain, pero 'di namin kasama si Da. Nakapangako siya kay Gerald na sasamahan ito. Kung ano ang gagawin nila, hindi ko na itinanong. Kakain at maglalaro siguro ng chess pagkatapos.

Medyo maraming estudyante sa cafeteria pagdating namin. At ang unang nahagip ng mata ko ay sina Wilhelm at Eli, nagkukuwentuhan. Syempre hanggang tingin lang ako.

Nang makaupo kami sa aming paboritong pwesto, bitbit ang aming mga pagkain, nagsimula ang aming usapan nang magsabi si Anna na badtrip siya ngayon. Medyo nasorpresa nga ako. For the first time, narinig ko siyang magsabi na naba-badtrip siya. Kaya naman kung ano-anong advice na ang naiisip kong ibigay sa kaniya. Oh 'di ba, baliw lang. Wala pa nga 'yung sitwasyon, nag-iisip na agad ng advice.

"Naiinis ako kay Sean at Matthew," malungkot niyang sabi. Wow. And now for the first time, narinig ko naman siyang magsabi na naiinis siya sa isang tao.

"Anong nangyari?" tanong ko, ang buong atensyon ay nasa kaniya lang.

"Kanina nung nagsasagot tayo ng activity book sa English, sabi ni Sean, napapansin daw niya na kayo na ang bago kong sinasamahan..." Tumingin siya sa'kin tapos kay Margarette bago ulit nagpatuloy. "He sounds so condescending and I hate it. I told him that Eli and I are neighbors tapos ang sagot niya ba naman ay 'di ko tinatanong kung paano kayo naging close."

Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ang naging tugon ni Sean sa kaniya. Kahit mahinhin ang boses ni Anna, ramdam ko pa rin ang inis na may halong lungkot habang sinasabi niya ito. It's as if she wants to cry.

"Ang nakakatawa pa, tinanong niya ako kung bakit ko raw kayo sinasamahan. I didn't give him an answer. I just focused on my book and let him give up asking," dagdag ni Anna.

Si Margarette naman ay salubong na ang dalawang kilay. "What's his problem? Alam mo naging kagrupo ko na rin 'yang si Sean and I never really like him. 'Yung totoo, kakausapin ka lang niya kapag may napansin siya sa'yo tapos ang pangit pa ng tono ng pananalita niya."

"Totoo. 'Di ko nga alam kung paano natatagalan 'yon ni Hanna at Matthew," inis na sabi ni Anna. "I really don't feel well today tapos sasabayan pa niya. Panira ng araw e."

"Alam mo, Anna, tama lang na 'di ka nag-explain sa kaniya. Feeling ba niya pagmamay-ari ka niya para pagbawalan kang makipagkaibigan sa iba?" medyo inis kong sabi. Hindi ko rin maiwasang manggigil habang ini-imagine ang mukha ni Sean na sinasabi 'yon kay Anna e.

Like dude, anong kasalanan sa'yo ng tao? Naiintindihan ko kung ayaw niya sa tao, pero hindi kung paano niya itrato, e wala namang ginagawang masama sa kaniya.

"Now, don't worry about it too much." Tinapik ko siya sa balikat. Sa wakas, ngumiti na rin siya. "Basta magsabi ka lang kung kailangan mo ng back up."

ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon