We took a lot of pictures on that trip. I I posted a picture on my Instagram. May hint na kasama siya but I didn't mind dahil alam kong hindi naman nila maiisip na si Felip 'yun.
Josh and Kuya Stell commented on that pictures. Simpleng mga heart emoji lang ang inilagay nila.
Everything's fine not until I discovered that Yuan transfered to my school. Nagkaroon ng gossips about the two of us. Of course Felip is kind of furious about that pero I admit that I am using that opportunity para pagtakpan ang kung anumang mayroon sa aming dalawa ni Felip. Alam kong mali, and I take responsibility of my action.
For the past weeks, I became busy again with my international shoots na kinukuha ko kapag weekends. Because I am now on my legal age, hindi na kailangan ng approval ng parents ko though they are still doing it out of respect to my mother. Bilang ang araw kaming magkita ni Felip because he's busy too. Minsan inaabot na kami ng madaling araw sa labas or minsan naman sa bahay na lang.
"Kung ganito kaganda ang manghuhuli sa akin hindi na ako tatakbo." Yuan commented. Naghiyawan ang mga schoolamates namin na shipper daw naming dalawa. Nasa gate kasi ako ngayon to take records for latecomers and to assign them for their punishment and unfortunately kasali si Yuan. This past days madalas siyang ma-late at madalas ring magmadali kapag labasan. It's actually a good thing for me dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanya.
"Quiet! Fall in line!" I said at kakamot kamot naman silang sumunod.
"Sungit Madame!" Yuan commented again kaya nagtawanan ang mga schoolmates namin na nakikinig.
Yuan is friendly kaya kahit dalawang linggo pa lang siya dito sa university ay marami na ang nakakakilala sa kanya.
After the flag ceremony ay nagkaroon na announcement na magkakaroon daw ng meeting ang mga seniors which is us kaya sa auditorium kami dumiretso.
"I'm excited!" Yen commented on my side.
As expected, the meeting was all about promenade na gaganapin sa 14th ng February which is two weeks away from now. I'm sure we'll use that two weeks for preparation.
"You'll be half day for the whole two weeks. Academics sa umaga at practice sa hapon." panimula nang overall adviser ng grade 12. Actually aware naman kaming lahat na ganito ang magiging set up. For formality na lang siguro.
"Half an hour every subjects everyday. We'll be needing the weekends especially to those who will participate the special performances." she added.
Wala naman akong sinalihan so I guess I won't mind. Hindi ko na naintindihan ang buong meeting dahil busy ako sa pakikipag-usap kina Kiarah about our plans. We have a lot of events coming.
"You may now leave, ipatatawag ko na lang mamaya ang mga napiling kasali." as soon as our adviser said that, isa-isa kaming nagtayuan para umalis.
"I'm excited. Ano kayang kulay ng isusuot ko? Bagay kaya sa akin ang red?" natutuwang sambit ni Yen sa gilid ko.
"Nagpagawa na tayo ng gown diba? Last year pa?" natatawang sagot ko sa kanya. Mukha naman siyang natauhan.
Every year nagpapagawa talaga kami ng gown para in case na may sudden event hindi na namin kailangang bumili.
Gusto talaga ng parents namin na special ang mga gowns namin. Pwede ko namang gamitin yung gown na ginamit ko sa debut pero ayaw akong payagan ni Mommy, kaya may tatlo pang gown na bago and yung isa doon ay ipinagawa nila para dito sa prom dahil alam nilang senior na nga kami ni Yen.
"Oo nga pala. Pero still nae-excite pa rin ako sa design. Ano kayang kulay?" tanong niya. Yes that's true, madalas talaga may nakahanda na kaming gown pero sina Mom ang nagpapa-design.
"Siguro itanong natin kina Mommy kung pwede na tingnan this weekend para maayos na ang adjustments." I said and smiled. We are walking upstairs when someone came from behind put his arms around my shoulders. It was Yuan.
"Sasali kayo?" he asked and Yen answered kaya nagkwentuhan lang silang dalawa about sa prom.
Buong umaga, usapang prom lang ang naririnig ko. It's not that wala akong interest about that event, pero I hate them fussing about that.
"Excuse po!" hiyaw ng isang babae mula sa STEM. Natuon ang atensyon namin sa kanya lalo na nang sabihin niyang ipinapatawag na daw ang mga kasali.
"Ceyenne Clarion, Yuan Clarke, President Natasha!" napalingon ako nang binanggit niya ang pangalan ko. What now?
I look around, Kiara's with us too together with the public relations officer at Grade 12 representative. Sinong magbabantay sa event kung isinali nila kaming student council.
"Malamang kasali tayo sa cotillion!" na-eexcite na sambit ni Yen. Cotillion my ass.
Pagkarating sa loob ng auditorium ay nasa isang daan na estudyante na ang naroroon. May ilang nagmula sa ibang grade pero karamihan ay nasa Grade 12 din.
"Ma'am, I don't think it's a good idea to include me on that special performances. I am the President of the SSC and I have a lot of responsibility to do too-"
"May mga magbabantay na. Hindi kailangang SSC ang gumalaw. Nandoon kayo para mag-enjoy." she said at saka tumalikod. Nice!
"Ano daw?" takang tanong ni Yen nang makita niya akong nakabusangot na naglalakad palapit sa kanya.
"Ayaw nilang i-pull off ako." naiinis na sambit ko.
"Okay lang yan, magaling ka namang sumayaw." Yuan commented so I just smiled at him kahit hindi pa naman sigurado na sa cotillion ako ilalagay though I have this feeling na ganu'n na nga.
I am usually cool with school activities but knowing I have a lot of work to do, I can't just easily be happy. Napairap na lang ako nang tinawag ako para sa cotillion.
"Should I have to throw a party? Pres is getting annoyed for the first time." Kiara joked so everyone laugh.
Pinagpartner partner kami. "Clarion, Dimacuha!" It was Yen and a handsome guy from General Academic Strand 1. Yen smiled widely. May boyfriend ka pa ng lagay na yan.
"Williams and Clarke!" it was me and Yuan. Tahimik kaming pumunta sa unahan.
"Since kayo ang magkakapartner para sa cotillion, I suggest na kayo na rin ang maging partners ng isa't-isa for the whole night para hindi hassle!" a teacher on the back yelled. If Felip was here, I am damn sure that he's really going to pull me away from Yuan.
"Anong kulay ng susuotin mo?" tanong ni Yuan so I looked away at nagkunwaring may hinahanap kahit wala naman talaga.
"Nat, are you avoiding me?" he asked. Hindi ako nagsalit. He held my arms forcing me to look at him when a guy called me. Agad kong hinila ang kamay ko para dumiretso sa unahan kung nasaan ang lalaki.
"An intermission number with our special guest." he said and gave the line up. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pangalan ng mga guest.
"Nakausap ko na yung iba at napagkasunduan namin na huwag na huwag niyong sasabihin kung sino-sino ang makakasama natin dito. We wanted it to be a surprise." he said and go away.
I looked at the imaginary paper on my mind at napangiti ng malapad nang may mag-sink in sa akin ang lahat.
"President Natasha Williams and Ken Suson of SB19."
---
Few more chapters to go. Siguro, around 10 or more na lang. I am publishing a new story entitled The Special Class, of course featuring the whole SB19 again. Hope you support it. Stay safe always❣️
BINABASA MO ANG
Being His Fangirl
FanfictionFanfiction for SB19 Ken. Highest rank: #1 - sb19 #1 - sb19fanfiction #1 - sb19ken #1 - sb19josh