FB 3

41 2 0
                                    

I hurriedly went to the club hall front desk. Dito kasi nanggaling yung announcement na pinapatawag ako.

"Hi miss, ako po si Ashen Yuuki Salazar."

Napatigil sya sa pag-type at tumingin sa isang papel.

"Oh! Ms. Salazar, diretso po kayo sa learning room 126. Makikita nyo po yun pag dineretso mo ang club hall."

Learning room 126. Got it.

"Thank you miss."

"Your welcome, good luck!"

Bakit ako ginu-good luck? Pero anyways pupunta na nga ako.

LEARNING ROOM 126

*knock.knock*

Bumukas yung pinto at iniluwa ang isang smiling curly cute girl. May hawak syang boxing gloves at hindi ko alam kung bakit.

"Good day, pinapatawag ako dito. Ashen Yuuki salazar po."

Bumagsak yung hawak nyang boxing gloves. At natigilan? May nasabi ba ako?

"A-Ashen Yu-yuuki Salazar?! WAAH! Fan mo ako! Pasok ka muna tapos selfie tayo. Gosh you are here!"

Tuloy tuloy nyang sinabi sa akin yun at hinila ako papasok sa room na nasa harap namin.

Pagpasok namin hindi ko alam pero  bigla na lang nanahimik lahat.

Sabi ng mommy ko, kapag nanahimik ang  mga tao kapag nakita ka it's either na: nakakainis ka kaya hate ka nila or napatigil sila dahil nagulat sila sa nakita nila.

All eyes on me. Ayaw ba nila sa akin?

"Hi everyone, I am Ashen Yuuki Salazar. Sorry for disturbing you."

Napatayo yung isang lalaki sa may harapan ko.

"I remember her! Yung video di ba?" tanong niya.

"Yes, gino. Sya nga yun. Manahimik ka nga!" sagot naman ni ate.

"What video?" tanong ko.

"Ah basta! Wala lang yun. Ha ha!"

Malalaman ko rin kung anong video yan.

"O-kay. So bakit nyo ako pinapatawag? May uutos ba kayo? Student Assistant ako."

"Ah no. Alam ko na naguguluhan ka ngayon. I am Scarlet Joy Ansper, president of this club. Welcome aboard!"

Tumingin naman ako sa guy na katabi nya. Waiting for him na magpakilala.

"Ah ako naman si Gino Enrique Onzoa, VP ng club. What's up?

Ah siya ang Vice. Interesting.

"VP? So ikaw ang Vice Pres."

Tumawa ng tumawa si Gino tapos napahawak pa sa tiyan nya at tumawa na naman. Ano bang nakakatawa?

"Haha! Of course not, 'very pogi' or 'vivalicious papa' ang meaning nun. Walang VP ang club, wanna apply? I need you."

He needs me? He must be kidding me again.

"Just kidding. Varsity Player talaga ako ng club, basketball."

Basketball. Varsity Player. Parang kilala ko 'to.

"Ehem? Ang ingay mo naman Gino, ang FC-FC mo! Para kang bading dyan nako!" sigaw ni Scarlet kay Gino sabay batok.

Tumingin naman sya sa akin at halata mong nahihiya sya sa nangyari.

"Im sorry for that Ashen ah, mabait naman yan maingay lang. Let's get started. Upo ka na dun."

Umupo na ako sa may seat na walang tao para malaman ko na kung bakit nga ba ako naandito.

Out of My CuriousityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon