"UNA ay tungkol sa mga karanasan ko sa buhay. Mga masasayang unang karanasan, na siyang naging inspirasyon ko sa album na ito." Nakangiting sabi ni Moon habang nakaharap sa camera.
Lunch break at nakatutok ako sa replay ng press conference ni Moon sa pre-release ng kanyang album.Actually may live kanina sa kanyang facebook page, pero oras kasi ng trabaho kaya hindi ko ito napanood kanina, at ngayon ko nalang ito pinanood. Tinanong siya sa kung anong kwento sa likod ng pamagat ng album at kubg anong inspirasyon niya dito, kaya iyon ang naging sagot niya.
"Pwede ba naming malaman kung ano-ano ang tracks ng album mo?" Tanong ng isang media reporter.
"Ah this full album is my first studio album," panimula ni Moon, "at meron itong 10 piano tracks in all. Una dito ang Damgo. From the visayan dialect, Damgo means Panaginip na minsan ring masasabing Pangarap. At para sa akin, ang nangyayari sa buhay ko ay buhat ng isang panaginip lamang. Isang unang panaginip, isang unang pangarap na ngayon ay unti-unti nang nagkatotoo. Sumunod naman dito ang Bahaghari, Sol at Luna, Iñigo at marami pang iba. Abangan niyo nalang."
"Ano ang kaibahan ng album na ito sa mga nagdaang album mo?"
"Ang album na ito ay studio album at nabigyan ako ng chance na mashowcase yung composer inside me since sumulat ako ng sampung piece. And since ito nga ay pinakamagatang UNA, I was given a chance to express my journey, to share my experiences to others through instruments."
Lahat ng salitang binibitawan niya ay nagbibigay sa akin ng ngiti. Hindi ko alam kung bakit, pero isa lamang ang sigurado at ito ay ang proud ako sa kanya at masaya ako sa kung nasaan man siya ngayon.
Nakita ko kung ano siya dati. Yung tila bang isang bata na nawalan ng pag-asang mabuhay dahil nawalan ng pangarap dulot ng pagkawala ng pamilya.
He was one of the devastated children, but now, he's now part of the team who inspires children to dream more and to never lose hope as there's always a rainbow after the rain.
"Sa lahat ng piano piece na na-compose at nalagay sa album na ito, ano ang pinakagusto mo?" Pagtanong ng isang reporter.
"Sa lahat ng piece na meron sa album, yung Iñigo ang pinakagusto ko. Ito ang huling kanta sa album, pero ito ang pinakamahalaga."
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nanginit ang mukha. Ayaw kong mag-assume dahil wala siyang sinabi tungkol sa piece na iyon, ngunit, sinabi niya sa akin na may aabangan raw ako ngayon.
Hindi naman siguro masamang umasa na ako ang tintukoy niya dito, diba?
"May kwento ba sa likod ng piece na ito? Yung kislap kasi ng iyong mata, iba eh." Pang-uusisa ng media na nagtanong kanina.
Napangiti si Moon.
"It's about a story of a 9-year old boy who fell in love to the girl who smiled brightly."
With that, I smiled as I felt the butterflies on my stomach.
Pero naantala ang kilig na nararamdaman ko nang biglang tumawag sa akin si Vienna.
Napabuntong hininga ako bago ito sinagot. "Oh?"
"Malandi ka." Bungad nito at napaatras ako ng wala sa oras.
"Huy ate mo ko."
"Huy kapatid mo ko, pero wala kang kwento. Baka nakalimutan mo ako yung naging tulay upang magkatagpo kayo ulit, pero wala ka man lang chika. Mas nauna pang malaman ng buong mundo ang tungkol sa participation mo, kesa sa akin. Mas nainform pa ang mga batchmates ko—"
"Pinagsasabi mo dyan eh hindi nga ako nainform, ngayon ko nga lang nalaman."
"Ay may pasurprise si Mr. Puentaverrano?"
"What do you think?"
"Hindi halatang suki ka ng swerte ate no?" She chuckled. "Fan ka lang niyan pero ngayon sinulatan ka ng piece, at isinali pa talaga sa album. Ewan ko nalang talaga."
"Best friend ko yang swerte, sorry." I played along and I can sense that she rolled her eyes even if I can't see it.
"Edi ikaw na."
"Ano bang itinawag mo?"
"Para sabihin sa'yong magtatampo na sana ako dahil wala ka ng kwento. Pero palalagpasin ko ito kasi wala ka ring alam, pero sa susunod na wala kang kwento, humanda ka at buong taon talaga kita hindi papansinin."
Tumawa nalang ako. Sinumbatan ko siya ng ilang minuto bago binaba ang tawag at akala ko makakapanood na ako ng payapa, pero tumawag si Xadrielle at wala akong ideya kung ano ang itinawag niya.
"Hello? Xa?" Bungad ko.
"Huy bruha ka, wala ka ng kwento. Pero malalaman ko nalang bigla na yung boylet mo ginawan ka ng kanta." Bulalas niya at napasapo ako sa noo ko.
"Kailan ka pa naging updated sa bagay na iyan?"
"Ikaw, kailan ka pa naging Erelia Raimondi?"
"Sorry naman." Pag-ako ko ng kasalanan.
"So anong kwento?" Diretso niyang tanong at tumawa ako ng mahina.
Oh well, Xadrielle is Xadrielle. Once a chismosa, always a chismosa.
"Mamaya ko na kwento sa'yo. Magtatrabaho mo na ako." Palusot ko.
"Aasahan ko yang mamaya na yan ha. Kundi, lulusob talaga ako ng Antipolo mamaya."
"Dapat na ba akong kabahan sa driver mo?" Tumawa ako.
"Of course, ang galing kaya magdrive no'n."
"Ang laswa mo Xadrielle. Ibababa ko na ito."
Tumatawa pa rin si Xadrielle kaya ibinaba ko na ang tawag ng walang paalam. Lagpas ala-una na ng ibinaba ko ang tawag at ayon nga, hindi ko natapos ang video kasi kailangan ko ng bumalik ss trabaho.
It's another episode of end of the month entries so I have a lot of works to do and there's no room for distractions during working hours.
Pero kahit walang distractions, hindi ko natapos ang mga kailangan kong tapusin on time. So, I need to do an overtime work. Along with my other workmates.
"Ma'am Deach, mauuna na po ako. Birthday kasi ng anak ko." Paalam ni Rundolph at tumango naman ako.
"Sure, sure. Mag-ingat ka." Saad ko. "Pakisabi sa anak mo Happy Birthday ha."
"Sige ho Maam, salamat ho." Huling sabi niya bago umalis.
Bumalik ang lahat sa trabaho at ganun rin ako. Pero sa kalagitnaan ng pagtipa, biglang nagring ang phone ko na nasa gilid lamang ng computer. Iniluwa nito ang pangalan ni Moon kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin ito.
"Hello, Moon?" Bungad ko.
"Hey Deach. Nakauwi ka na ba?"
"Ah nasa office pa kasi ako. Nag-oovertime."
"Ah ganun ba? Matatagalan ka pa ba dyan?"
"Siguro? Bakit? May kailangan ka ba?"
"Ah..." he said for a long time, "I want to bring you to the thanksgiving party."
"Huh?" Gulat kong tugon.
"Gusto kong dalhin kita sa thanksgiving party." Pag-ulit niya.
"I mean, bakit? Like, mag-aalas syete na at nasa office pa ako. Tsaka ano naman ang gagawin ko doon?"
"Support system nga kita diba? Kaya dapat lang na naroon ka rin. Thanksgiving yun para sa success ng production at naging inspiration kita."
"Pero nasa office pa ako eh at baka matatagalan pa ako. Tapos, luluwas pa tayo ng Metro."
"So, hindi ka makakapunta?" I suddenly felt guilty when I sense the dismay on his voice.
"Ah gusto ko sanang maki-celebrate sa success mo, pero..."
"Ayos lang Deachy, naiintindihan ko."
Napapikit ako.
"Asan ka ba ngayon? Kung nasa Antipolo ka, sasama nalang ako sa'yo. Sayang naman yung oras na ipinunta mo dito at wala kang mapapala."
"Ah wala naman. Nasa QC lang ako." Napatango ako sa sagot niya.
"Ah ganun ba?" Patuloy akong tumatango. "I'm sorry Moon. Gusto ko talagang sumama pero andami kasing trabaho na kailangang tapusin."
"It's fine, it's fine. You don't have to worry. Tapusin mo na yan, ako na ang bababa sa tawag."
"Thank you, bye." Huli kong sabi at wala siyang tugon doon at agad lang niyang ibinaba ang tawag.
Sa pagkababa ng tawag, mukha akong naligo sa guilt at nakonsensya sa ginawa kong pagreject sa kanyang invitation. But, as soon as I looked at the paperworks in front of me, bumalik ako sa trabaho at hindi na naisip ang nangyari kanina.