"Jessa, labas tayo mamaya please?" Napabuntong hininga ako ng marinig ang maka-ilang pagmamakaawa nitong si Cherry.
"Ayoko Che, kayo nalang." Saad ko habang pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga libro.
"Ano ba 'yan! Ngayon lang naman, si Lilly naman ang may party. Lii, ikaw nga dito." Saad nito at tumalikod, nagtatampo.
"Jessa, please?" Walang effort na saad nito na ikinatawa ko.
"Mag-aaral ako, Lii." I heard Ches annoyed mocking but I just rolled my eyes and continued reading.
"Ano ba iyan Jessamae, maganda ka naman. Sa ating tatlo, ikaw pa ang may pinakamagandang sense of fashion. Why do you act like a nerd when you're absolutely gorgeous?" Napakunot naman ang noo ko sa pagtawag nito sa pangalan ko.
"You calling me in my full name, makes me not want to go more. And also, kailangan ba pangit para magbasa ng libro? Maging bookworm?" Asar na saad ko.
"Liii, asar na siya!" Parang batang sumbong nito sa kanina pang umiiling na si Lilly.
"Tumigil nga kayo, parang mga bata. Che, you know her, once in blue moon lang yan sumama sa atin. Let her be." Tumango-tango naman ako bilang sangayon rito.
"Sige, wala ka namang gagawin dun. Mabobored kalang atsaka andun lang naman si Levi." Pagdidiin nito sa pangalang nagpalaki ng mata ko.
"Anong oras? Kayo magpaalam kay mama." Narinig ko ang malakas na tawa nito na hindi ko nalang pinansin.
"Levi lang pala tatalo sa mga mahal mong libro."
Epal ka, Cheryybelle. Saad ko na nagpasimangot sa kanya.
Napapikit ako sa lakas ng musika dito sa bar. Mabuti nalang at may dala akong earphones na plano kong isaksak sa tenga ko pag nakahanap na ng lalake itong maingay na si Cherry.
"Jessa! Si papi Levi nasa drums!" Sigaw nito na agad ko namang tinakpan ang bunganga niya. Nasa may harap kami, patay ako pag may nakarinig.
Inilibot ko ang tingin ko hanggang matagpuan ang lalaking agad napagbilis ng tibok ng puso ko. His long black hair was flowing perfectly with the rhythm as he plays his drums. Nakasuot ito ng org shirt na medyo butas at kita ang taas na bahagi ng dibdib nito. Agad ko namang naramdaman ang pagiinit ng pisngi ko.
Napangiti ako, still the feeling I thought I am not capable to feel, his effect on me is too much. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang tugtog at nang liningon ko ang kasama ko ay wala na sa tabi ko. Napailing ako at hinanap si Lilly.
"Ah si Che, nasa VIP, may kasamang boys. You want to go there?" Agad naman akong tumanggi at nagpaalam na magpapahangin muna.
Umupo ako sa may bench at pinikit ang mata, pinakiramdaman ko ang simoy ng hangin.
"Miss?" Napabalikwas ako ng may lumapit na lalaki sa akin.
"Are you alone?" Saad nito habang kinakamot ang batok.
I didn't answer, I mentally rolled my eyes as I stared at him blankly, waiting for him to go away.
"M-miss? Excuse me?" He said but I still kept my eyes on him, as my gaze gets more tense, he stands and walked away.
Napabuntong hininga ako, I am such an awkward person. Kaya siguro medyo malayo ako sa boys, si Cherry ang talagang pala-kaibigan. Tahimik kong isinaksak ang earphones ko at pumikit.
Should I go home na? I saw him naman so I have no reason to stay here. Pero baka kung anong mangyari kay Cherry. Napakakulit pa naman nung kapag lasing. Napangiti ako, god I can't even bear to take care her of her when she's drunk, super kulit.
Nakaramdam ako ng umupo sa tabi ko kaya bumuntong hininga ako, hinanda ang sarili ko sa pagtataboy sa isang 'to at tuluyang inimulat ang mga mata ko.
Agad namang lumaki ang mata ko ng makita kung sino ang nakaupo sa tabi ko, shit. I blinked a few times, checking if I'm dreaming. His side view is so freaking amazing!
Napabalikwas ako ng tumingin ito sa gawi ko. "Oh, Im sorry, I didnt see you there." He said with his low and firm voice.
Tumungo ako, alam ko naman iyon. I'm invisible to him.
"A-alis nalang ako". Tatayo sana ako ng magsalita ito, "Ano yung pinapakinggan mo kanina? You seem happy." He said not looking at me.
"A-ah, Arthur Nery." I said as I showed him the playlist.
"Can I have the other one?" He asked, pointing at my earphones.
Tumango ako at iniabot sa kanya ang isa ng maglapat ang palad namin. Agad akong napabalikwas at umayos ng upo.
"You okay?" He said, while looking at me! Iniwas ko ang tingin bago tumango.
"Can I look at the playlist? Seems like we have the same taste." Nahihiya ko namang iniabot ang phone ko sa kanya.
Tahimik itong nagtipa habang ako ay sobrang tense na dito sa gilid.
"This one seems interesting." He said and the music changes.
Nanlaki naman nag mata ko ng marinig ang pamilyar na tugtog.
"Oh, is this acoustic?" He said. Agad ko namang tinanggal ang earphones ko.
"Don't listen." Seryoso kong saad.
"Why? Wala pa yung unang verse." Jusko, nakakahiya bakit ba kasi sa lahat pa ng pwedeng encounter namin ay dito pa? At ganito pa?
"Just don't, please." Halos pagmamakaawa ko.
"I'm listening, wait the voice..." His voice trailed off.
"Hwag nga kasi." Mas nahihiya kong saad.
"You wrote this?" He said, his face was filled with amusement.
Tumayo naman ako at sinubukang kunin ang earphones mula sa kanya.
Sa bawat hakbang mo,
Ako'y tuliro.
Sa pagihip ng hanging, kasabay ng buhok mo.
Kahit anong pilit, sayo'y talo.
"Levi, huwag kasi." Saad ko habang pilit itong inaabot.
Hindi ko man masabi,
gustong ipahiwatig.
Hindi mailabas sa labi,
Ang aking ibig.
"Levi, isa." Mas lumapit ako sa kanya at inis na hinablot ang earphones ko.
"That's really nice."He said, still amused.
"Nakakahiya, bakit kasi." Saad ko habang tinatakpan ang mukha ko.
"Are you writing it for someone?" Tanong nito.
"Hindi ah! Wala, wala akong sinusulatan. Basta!" And, bumalik nanaman ako sa pagiging awkward. I don't even know how I managed to talk to him this long.
"Okay, I get it." He said, chuckling.
He. Is. Laughing. Oh god, masyado po ba akong naging mabait?
Nawalan ako ng hininga ng makita ang ngiti niya sa harapan ko.
"That was nice, Jessa." He said before walking away.
I just simply died.
BINABASA MO ANG
A Line without a Hook
Teen FictionCOMPLETED She was a model student, everybody likes her but she doesn't like herself. She never had the confidence to show herself and what she feels. He is an unsure person, he never needed validation and always do what he wants to do. He was known...