"Hi Guys!" Bungad ni Kuya Drakeir at umupo sa tabi ko, napansin kong nakangisi sya habang nakatingin sakin.
Shit lang ha! Ano naman kaya napag usapan nyonat mukhang sayang saya ka.
"Hi Kuya Drakeir! Musta?" Ani Veron.
"Good!" Sagot nya sabay thumbs up "nagkain kana?"
Napatingin ako sa kanya, nag aabang ng isasagot ko.
Tumango ako "Oo, kanina pa" ngumiti ako.
"Hahaha... Mukhang sayang saya ka Kuya Drakeir ah!" Biglang ani Veron.
"Nakakatawa kasi si Sir kanina hahaha... So by the way! Malapit na kaarawan mo. Anong balak mo sa araw na yon?"
"D ko pa alam eh! Last Birthday ko nagcelebrate kami, ewan ko lang ngayon kung magcecelebrate paba..." Sagot ko.
"Ngek! Ikaw pa ba? Besh! Eh! D ka nawawalan ng handa eh! Hahaha... Last Birthday mo ansarap ng handa nyo. Ansarap magluto ni Tita" sabay ngiti ni Veron.
Napailing nalang ako. Totoo naman yon basta Ina, masarap magluto.
Last year, nagcelebrate kami nila Mommy at Daddy nandon rin sina Veron, Tristan, Paul at Carlo. Kunting salo salo lang.
"Sa December 21 na yon diba? Baka d ako makapunta non may emergency. Manganganak na si Tita non sabi ng Doctor. Baka d ako makapunta Zaye. Sorry." Malungkot na ani Carlo.
Buntis? Tita nya? Kelan pa? D ko yon alam haha. May cute nanaman hehe.
"Ako naman baka hindi rin. Isasama ako ni Dad sa work nya. May ipapakilala raw na girl hahaha." Ani Paul.
"Paul... Alam ko. Maharot ka pagdating sa babae. Pero d ko akalaing papayag ka sa set up ng iyong butihing ama" ani Veron at natawa naman kami.
"Ulol" dumila at nag blehhh pa si Paul.
At ganon rin si Veron at Gelon, ani nila'y may date daw sila.
Napatingin sila kay Tristan, nag iintay ng sasabihin.
"A- eh... Ako naman wala naman kaming gagawin kaso... Baka maging busy kami ni Mama sa papalapit na pasko"
Hindi ko pala sila makakasama sa araw ng aking kaarawan. Naiintindihan ko namang yon. Dapat inuuna ang pamilya.
"Si Kuya Drakeir! D naman ata yan busy hahaha" ani Veron.
Tumingin si Kuya Drakeir sakin at ngumisi "hindi ako magiging busy basta makasama kalang.."
Nagtindigan balahibo ko sa sinabi nya. Agad namang nanukso ang barkada ko.
"Ayiiieeeee..." Ani nila. Nangunguna ang boses ni Veron, lakas eh.
"Busy ka ba non? Anong balak mo sa Birthday mo?" Mahinahong ani Kuya Drakeir.
"D ko alam kala Mommy at Daddy. Ayaw ko naman magtanong busy ata sila. Hayaan ko nalang muna." Ani ko.
"Hmmm..." Napatango tango sya "If pwede... Pwede bang magdate Tayo sa araw na yon?"
D agad ako nakaimik. Pano ako magpapaalam kay Mommy at Daddy. D nila alam na may nanliligaw sakin. Pano ako makakapaalam.
"Gusto mo ba ipaalam kita sa Daddy mo?"
Agad akong umiling, d ko alam o maipapaliwanag kay Daddy na may nanliligaw sakin. D ko pa kayang iharap sya sa kanila. D ako handa.
"Hindi hindi na. Ako na magpapaalam" sagot ko.
Napatingin ako sa kaliwang harapan ko. Si Tristan nakatingin samin. Nakikinig ba to? Si Gelon at Veron naman ay nag haharotan habang si Paul at Carlo ay nagtatawanan sa mga ginagawa nilang kalokohan.
Nang makita ni Tristan na napabaling ang tingin ko sa kanya ay agad syang nakisabay kala Paul.
"DRAKEIR!... TARA NA!... gagawin pa natin project! Antagal mo naman!" Ani Ate Rhea nang makalapit samin.
Kumunot ang noo ni Kuya Drakeir "7mins palang ata ako dito ah! Diba sabi ko susunod ako." Medyo naiinis na ani nya.
Napakagat ako sa aking labi.
"Eh diba... Kelangan na yong ipasa mamayang hapon." Agad hinawakan ni Ate Rhea ang braso nya at pinipilit na tumayo.
Ang bilis at higpit ng pagkakahawak nya ron.
"Rhea! Diba sabi ko susunod ako? Istorbo ka naman." Medyo naiinis anya.
"ISTORBO? AKO ISTORBO? EH SYA NGA ISTORBO EH!" sabay turo nya sakin "DUMATING LANG YANG BABAENG YAN. D KANA NAG FUFUCOS SA PAG AARAL! SYA NALANG LAGI PINAG TUTUUNAN MO! DUMAAN ANG SABADO AT LINGGO D MAN LANG NATIN NATAPOS YUNG PROJECT! TAYONG DALWA LANG GAGAWA NON! BY TWO'S YON!---"
"Kung atat kana. Gumawa ka! Madali lang naman yon---"
"Oo! Madali nga pero mas madali kung parehas nating gagawin. Mamaya na pasa non! Mamaya na. Kaya Tara na!" Hinila nya uli braso ni Kuya Drakeir kaya napatayo ito.
"Rhea... Tutulongan naman kita eh! Kaso pwede ba---".
"Eh tutulongan mo naman pala ako eh! Bakit d pa ngayon? Mas importante pa ba yang Zaye na yan? Umayos ka naman oh!" Mahinanon nang ani Ate Rhea.
Bakit sya nagagalit sakin? Ako ba may kasalanan na ang lalaking kasama ko ngayon ay ako ang pinili at hindi ang project?
"Oo importante sya! Dahil mahal ko si Zaye..." Biglang ani Kuya Drakeir.
Narinig kong nag Whoooooaaao at Yieee sa paligid, napatingin ako ron. Andami na palang nakikinig ngayon. Mga estudyante. Sa lakas ba naman ng boses ni Ate Rhea talagang mapapansin sya.
Napansin kong nag dilim ang mukha ni Ate Rhea "Kung ganon. Mahalin mo rin ang pag aaral. Tara na." Biglang nahila sya ni Ate Rhea.
Pilit tinatanggal ni Kuya Drakeir ang kamay na nakahawak sa kanya kaso nahihirapan sya namumula na ang braso nya sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Rhea.
Tumingin sa samin "Usap Tayo mamaya Zaye." Ngumuso pa sya hanggang sa nakataas na sila sa hagdan.
Bat ansakit? Bakit ansakit na makita mong may kasama syang iba. Parang kinukurot ang puso ko habang hawak sya ng iba.
Ito ba yung tinatawag na Selos? Selos na ba ang nararamdaman ko?
"Ah gusto ko nang bigwasan si Ate Rhea kung d lang ako nahila paupo!" Nanghihinayang ani Veron.
Ngumiti nalang ako.
Naiinis ako. Naiinis ako dahil ako ang sinisisi.
"Ok ka lang Zaye?" Tanong nila.
"Oo naman" sagot ko kahit masakit na.
Wala pang nagagalit sakin ng harap harapan. Ngayon lang. At ang masakit pa ron, nagseselos ako. Oo nag seselos ako. Nagseselos ako dahil magkasama sila. May karapatan ba along magselos? Walang kami pero nanliligaw sya. So! May karapatan ako!
BLACKxNEON
BINABASA MO ANG
KUYA - [COMPLETED✓]
General FictionSI ELOIZAH MACVER AY BABAENG MASIYAHIN, MAY MAGANDANG BOSES AT MAPAGMAHAL SA LAHAT. MAY NAKILALA SYANG LALAKI NA KUNG TAWAGIN NYA AY 'KUYA'. MARAMING PAGSUBOK ANG DUMATING SA KANYANG BUHAY AT KAILANGAN NYANG MALAGPASAN. GRABENG PASAKIT ANG NARANASAN...