9

9 1 0
                                    

Dumating na ako sa sasakyan ni Jaz with her personal driver Andy. Nasa front seat si Jaz at nasa back seat na ako. Ramdam ko talaga ang pagiging third wheel dito ah? Lalo na nang nagsimulang mag-away itong dalawa na 'to sa harap ko. 

"I told you, huwag ka na kasing sumali diyan. Siraulo ampota." Galit na bulong ni Jaz. 

Napatigil naman ako sa pagcecellphone at nilingon ang dalawa. Ano na namang pinag-aawayan nito? 

"Ano na naman pinag-aawayan niyo 'Nay at Tay?" natatawa kong sambit at inilapit ang ulo sa front seat para naman malaman ko kung anong dahilan ng pag-aaway nila. 

"Ayan tingnan mo, kaka-auto racing mo 'yan." Turo ni Jaz kay Andy na nagmamaneho habang nakangisi pa si Tanga. Kitang-kita ko ang band-aid nito sa gilid ng labi at mukhang may sugat pa sa braso. 

Bumuntong hininga ako at nilingon ang daanan kung may sasakyan. Matapos kong makita na wala ay malakas kong pinitik ang noo ni Andy. 

"Aray ko, tangina naman" reklamo nito habang nasa daan pa rin ang atensyon nito. 

Well, I understand Jaz' rage to Andy. Madalas kasi ganito ang itsura ni Andy kapag nakatapos na ito ng isang auto racing niya. Bukod kasi sa delikado at posible talagang maaksidente si Andy, hindi rin kasi pumapayag ang lalaki na ito na matalo. Never pang natalo si Andy at ayaw niyang matalo kaya he'll do everything to win what he wants. Kaya rin siguro hindi kami madalas nanonood ng laban niya dahil delikado at ayaw naman siyang makitang mapahamak. Madalas na rin naming sinasabi sa kaniya na tigilan niya na, pero nasa lahi na yata naming magkakaibigan ang pagiging matigas ang ulo kaya hindi niya kami sinunod. 

"Itigil niyo muna sa liquor shop, magdala tayo ng inumin" paalala ko sa dalawa habang tahimik pa rin sila. 

Tinigil nga ni Andy sa isang liquor shop ang sasakyan ni Jaz at dalawa kami ng kaibigan na bumaba para bumili ng dadalhin para sa party ni Sky. 

"Anong bibilhin mo?" tanong ko sa kaibigan habang tumitingin kami. Walang masyadong tao dito sa bilihan kaya nakahinga naman ako ng maluwag para kay Jaz. 

"Kahit ano na lang, pareho lang naman nating iiihi ito pagkatapos inumin," sagot nito habang tumitingin ng inumin sa wine section. 

Inirapan ko na lang ito at minabuti na lang na bumili ng champagne para sa dadalhin ko doon. It tooks us a few minutes bago bumalik sa kotse at bumiyahe na sa bahay nila Sky. Nagtalo pa kasi kami ni Jaz kung anong masarap, kulang na lang manghingi kami ng free taste doon para malaman kung ano talaga ang masarap. 

"Look who's late.." bulong ni Clio matapos naming maglakad sa garden nila Sky kung saan nakaayos ang mga table para sa okasyon ngayon.

"Ay may attendance ba? Oh, Prof Isaiah minus five ka" pang-aasar ni Jaz at tumakbo na sa loob bago ko pa man din ipukpok ang champagne na hawak hawak ko. 

Alas-sais na ng gabi at may kadiliman na sa paligid at kalangitan. There are some lights attached to the trees and the white cloths are designed to the chairs and table simplicity. Mayroong mga pagkain na nakalagay sa long table at halos kami-kaming magkakaibigan ang naririto at mukhang may inimbita na mga kaibigan at katrabaho si Sky mula sa hospital nila. 

"Nasaan na asawa mo?" Tanong ko kay Kai matapos nitong lumabas habang nasa tainga ang cellphone. 

"Nasa loob, please pakibantayan nga parang pinagtitripan ng mga kaibigan mo eh" pagpapaalala nito sa akin kaya tumango ako tsaka mahinang tumawa. 

Naglakad na ako sa loob habang may nakasalubong na dalawang medyo pamilyar na mukha. Mukhang ito ang mga kaibigan at katrabaho ni Sky sa hospital. 

Nginitian ko sila at tumango rin naman sila bago nagtungo sa mga upuan. 

Never Again (Marupok Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon