CHAPTER 5.5 - Morning Drizzle

6 0 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasal ko.

"You'll be spending the night here, right?" Tanong sa akin ng nakahubad na Kapo sa tabi ko habang hinihimas ko ang bakat ng tali sa magkabilang pulso ko. Ilang oras din naming ginawa yon hanggang sa mapagod na kami pareho. Shuta, nanakit ang magkabilang braso ko dahil nakatali lang ako sa higaan buong activity namin.

"Oo nama-"

Napatigil na lang ako ng matandaan ko ang itsura ng bakulaw na yon kanina. Bakit para siyang asong aabandunahin kanina noong sinabihan ko siyang wag sumama? Anong big deal? Bakit parang napagsakluban siya ng langit at lupa?

Hindi ko mapigilang mag-isip.

"S-siguro...hindi muna pala, natandaan kong may inutos din si Boss at kailangan ko yung gawin ng maaga bukas." Palusot ko kay Dejunco at nag-peace sign sa kanya.

"A-ah ok."

Pagkaabot niya sa akin ng pabuya, inalok niya pa kung gusto ko raw magpahatid gamit ng sasakyan, pero tumanggi ako. Usually, papayag ako dahil bukod sa wala akong hiya, tinatamad akong maglakad, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ginusto kong mag-ehersisyo. At dahil malayo ang bahay niya sa apartment na tinutuluyan ko, inabot ako ng dalawang oras sa kalsada. Sa gilid-gilid na rin ako kumain dahil may pera naman ako mula sa pabuya ng pagtulong ko sa Dejunco.

Pagka-uwi ko sa bahay, hindi na ako nagulat nang makitang bukas pa ang ilaw. Inaasahan ko ng hihintayin niya ako.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang itsura niyang di ko maintindihan kung nagulat ba o sadyang natatae lang siya at nagkataong umuwi ako.

"Oh? Ba't parang nakakita ka ng multo? At ano yan? Anong ginawa mo sa folding bed mo't nasira? Ppfft! Siguro bumigay na nung hinigaan mo kanina noh?! HAHAHA!" Pang-aasar ko ng masilayan ko ang nasira niyang folding bed, pero imbis na yung usual niyang blangkong mukha ang makita ko, for the first time, nakita ko siyang ngumiti. Hindi siya malaking smile, actually ang tipid nga eh, pero para sa isang gaya niya na bakulaw at parang hindi nakakaramdam ng kahit na anong emosyon, masasabi kong...

"Anong problema mo? May sakit ka ba? Wala naman. Sanay ka pa lang ngumiti?"

Nilapitan ko pa siya at hinawakan sa noo para i-check kung wala nga siyang lagnat.

Matapos no'n hinayaan ko siyang matulog sa tabi ko, kahit isang gabi lang. Hindi ko alam kung anong topak ko pero hindi ko siya masyadong ginago tulad ng lagi kong ginagawa. Maging ako, panay tanong sa sarili ko.

Bakit?

Bakit?

Bakit nga ba?

Pero ang lumalabas lang sa isip ko ay yung mukha niya kanina noong iniwan ko siya.

Dahil ba sa mukha siyang inabandunang aso? Sa bagay, Douglas ang pangalan niya.

Dahil sa hindi ko masagot ang sarili kong katanungan at wala akong magawa, sinubukan ko siyang insultuhin o inisin noong nakahiga na kami. Nagtanong ako about dun sa peklat niya, at totoo na naisip kong baka may masamang alaala yun kaya nagpasya akong hindi yon pansinin noong una. For some reason, gusto kong mang-inis kaya pinilit ko siyang mag-open up tungkol do'n, yun pala, mababaw lang ang dahilan no'n. Napunta pa sa kung saan ang usapan namin hanggang sa magdesisyon ang mga bunganga naming manahimik.

Ang weird lang kasi, bakit masyado niyang pinupush na dapat doon na lang ako kila Dejunco natulog ngayong gabi? Naisip ko rin na, oo nga naman, may point siya do'n. Bakit nga ba ginusto kong umuwi?

Dahil do'n, hindi ako makatulog kakaisip at kakahimas din sa mahapding bakat sa kanan kong pulso.

"Sabi nila, habang tulog ka daw, kung nasaan ang sakit, doon pupunta ang kamay mo, isang gesture na gusto nitong mahupa ang negatibong nararamdaman sa bahaging yon."

Nang marinig kong sabihin niya yon, agad kong naisip "Ano naman ngayon?" Anong konek no'n. So, ano? Gusto niya na ba akong maniwala sa kuro-kuro? Sa sabi-sabi? O sadyang share niya lang?

Yun pala, sinabi niya lang yon para mapatulog na ako.

Nang kuhanin niya ang dalawang kamay ko para ipaikot-ikot yung magkabila niyang hinlalaki sa bawat pulso ko, pakiramdam ko dumaloy yung init niya sa akin. Doon ako napatanong kung lagi ba talaga siyang mainit, lalo na ang mga palad niya kasi sa tuwing magkakadikit kami, parang lagi na lang may dumadaloy.

Like, ano ba siya? Bulkan? At yung dumadaloy, lava? Shuta, nakakagutom naman. (Lava cake)

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at nanahimik na lang kasi pakiramdam ko, may mga salitang pilit at gustong kumawala sa bibig ko pero hindi ko gustong marinig niya.

Hinayaan ko lang hanggang sa makatulog na ako habang nasa kanya ang mga kamay ko.

Paggising ko, rinig mula sa labas ang ulan. Sa tuwing ganito ang umaga, lamig ang agad kong nararamdaman pero ngayon hindi ko abot-kamay ang ginaw, dahil hindi lang kumot ang nagpoprotekta sa akin doon.

"Sabi nila, habang tulog ka daw, kung nasaan ang sakit, doon pupunta ang kamay mo, isang gesture na gusto nitong mahupa ang negatibong nararamdaman sa bahaging yon."

Parang sirang plaka na umulit ang sinabi niyang yon sa utak ko nang mapatingin ako sa mga kamay ko.

Nakahawak kasi ang kaliwang kamay ko sa pulso ng kanan ko, kung saan yung mahapdi, at bukod pa do'n, nakapulupot din sa mga kamay ko ang dalawang pares ng mainit na palad. Hindi ko man tingnan ay alam kong nakayakap mula sa likuran ko ang isang bakulaw na naging proteksyon ko sa lamig ng hanging ulan.

Tinanggal ko siya mula sa pagkakayakap sa akin at binatukan.

"Tanda, gising na!"

At wow, hindi ko na nararamdaman ang sakit sa pulso ko. Magic, dinaig pa katinko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa paglisan ng mga ulap [MATURE CONTENT/BL] 20+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon