Tumayo ng tuwid si Amari at nakangiting inakbayan ang dalagang si Selene habang nakatuon ang tingin sa mga kaibigan.
"Mga kasama, ito nga pala si Selene. Siya ay aking kaibigan," aniya.
Nagmamadaling nagsipila ang mga lalaki sa kanilang harapan at ubod ng tamis na nginitian ang dalaga.
"Magandang umaga, Binibini. Ako nga pala si Anton, ang pinakamagaling na mamamana sa kaharian ng Halrous," pakilala ng lalaking may bigote sabay yukod nito.
"Ako naman si Keno, ang dakilang alalay at mensahero ng grupo," sabi ng lalaking may tela na nakapulupot sa noo.
"Ako si Hano, Binibini. Ang pinakamagandang lalaki sa grupo," pagmamalaki naman ng isa na may pinakamagulong buhok.
"Siraulo,"
"Kailan pa?"
"Walang katutuhanan,"
"Sinungaling,"
"Nanaginip ng gising,"
"Isang bangungot,"Bulong ng mga kasama sa sinabi ni Hano. Naaliw naman silang pinagmasdan ni Selene.
"Ako si Kai, Binibini. Ang mapagmahal na tagabantay," ani naman ng lalaking may pinakamaamong mukha sa grupo.
"Mapagmahal? Palikero ka kamo," komento ni Amari sa lalaki na sinang-ayunan naman ng iba.
"Ang lupit n'yo talaga sa akin," nakangusong wika nito.
"Ako si Gino, Binibini," sabi ng lalaki na may pinakaseryosong mukha at mukhang pinakadesenti sa lahat.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Binibini. Ako nga pala si Janus," pakilala naman ng lalaking may pinakamatingkad na damit sa lahat.
"Bakit gan'yan ang ayos niya, Binibini. Para siyang dadalo sa isang kasiyahan?" Bulong ni Selene sa katabi.
Natawa naman ang magkakaibigan sa tanong ng dalaga.
"Gan'yan na talaga mag-ayos si Janus, Binibini," wika ni Hano.
Napatango-tango na lamang si Selene habang nagrereklamo na nagtanong sa mga kaibigan si Janus kung anong mali sa pagsusuot ng makulay na damit na binalewala naman ng mga kasama.
"Mga kaibigan, magpapaalam na muna kami. Ipakikilala ko lang siya kay pinunong Ramiel," biglang sabi ni Amira.
"Sige, pinuno,"
Muling pumasok sa kastilyo ang dalawang dalaga. Habang nakasunod sa likuran si Selene ay panay din ang pagsuri niya sa bawat madadaanan.
Bawat sulok ng kastilyo ay napapamalamutihan ng ginto at kapag nadadamtan ang mga ito ng liwanag na mula sa bintana ay kumikinang ang buong paligid. Parang nasa isang paraiso sila ng mga diwata.
"Ang ganda ng kastilyo, Hindi ba?" Napabaling si Selene kay Amira nang magsalita ito.
Tumango siya, "Oo, parang naging paraiso ang kastilyo dahil sa kinang na nagmumula sa mga ginto," sabi niya.
"Tama ka," pagsang-ayon niya. "Alam mo ba na lahat ng templo at kastilyo sa buong Hemrous ay puno ng mga ginto?"
"Hmm?"
"Ginto dahil ito ang sumisimbolo sa kapangyarihan ng mga diyos at diyosa," wika ni Amira.
"Hindi pa man ako nakakarating sa ibang bayan, nasisiguro kong kasing ganda rin iyon nitong kastilyo ng Seperus," nakangiting sabi ni Selene.
Makalipas ang isang minutong paglalakad ay napunta sila sa harap ng isang malaking pinto na napapalamutaan din ng ginto.
Marahang kumatok si Amari sa pinto.
"Pasok," aning boses lalaki na mula sa loob.
Dahan-dahang binuksan ng dalaga ang malaking pinto habang nakasunod sa pagpasok sa kaniya si Selene.
BINABASA MO ANG
SELENE: Daughter Of The Moon Goddess
Werewolf"The child of the goddess of the moon shall be born in the realm of her creations. Destined to be the mediator amidst conflicts and discord among the beings of Hemrous. Through her, peace will be achieved, and justice shall prevail." spoke the woman...