Part 18: Saved

174 10 1
                                    

ANGEL's POV

Nagising ako dahil sa ingay may nagsisigawan sa labas kaya nagpasya ako na lumabas

"Justin?" tawag ko sa pangalan ni Jah

"Oh?"

"May titingnan lang ako sa labas ha" paalam ko dito

"Sige" sabi nya at bumalik sa pagkakatulog

Lumabas muna ako ng bahay para tingnan kung ano yun,at pagkalabas ko palang ay nakita ko si Stacey at Cyrus na nagaaway

"Stacey maghiwalay na tayo please lang" si Cyrus

"Ano bang kulang sa'kin?" naiiyak na tugon ni Stacey

"Hindi talaga kita minahal" huh?! nu daw?

"Ano?! eh bakit mo 'ko pinaasa?!" pasigaw na sabi ni Stacey

"Ginamit lang kita para makuha ko si Angel" sabi naman ni Cyrus

Ano? ginamit nya lang si Stacey para makuha ako? hmpp no way kahit maghiwalay silang dalawa hinding hindi na ako lalapit kay Cyrus

Paglumapit pa sya sa'kin isusumbong ko sya kay Jah o kay kuya Ken

"Ano? ginamit mo lang ako?"

"Oo kaya please maghiwalay na tayo" sabi ni Cyrus at naglakad papalayo kay Stacey

Hindi na ako nagpakita pa baka kung ano pang gawin sa'kin ni Stacey eh

Lumakad nalang ako ng dahan dahan at......

"Angel!" galit na tawag nito sa pangalan ko

Habang nakatalikod parin ako dito ay hindi ko inasahan ang gagawin nya sa'kin

Hinila nya ang buhok ko at saka simulang sabunutan ako

"Aray Stacey ano ba!" sumigaw na ako sa sakit dahil ang sakit ng sabunot nya

STACEY's POV

"Can we talk?" sabi ni Cyrus

"Sure" nakangiti kong sabi

Hanla baka magpopropose na sya sa'kin my golly!!

Wag assumera Stacey malay mo may sasabihin lang talaga sa'yo

Lumabas kami para magusap ni Cyrus

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ko agad

"Stacey maghiwalay na tayo" natulala naman ako dun

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Stacey maghiwalay na tayo please lang" sabi nya

"Ano bang kulamg sa'kin?" naiiyak na tugon ko

"Hindi talaga kita minahal" Anong ibig nyang sabihin?

Bakit naman ganto?

"Ano?! eh bakit mo ko pinaasa?!" pasigaw na sabi ko sa kanya

"Ginamit lang kita para makuha ko si Angel" sabi naman nya

"Ano? ginamit mo lang ako?"

"Oo kaya please maghiwalay na tayo" sabi nya at naglakad papalayo sa'kin

Nakarinig ako ng apak kaya napatingin naman ako dun

At si Angel yun

"Angel!" inis na tawag ko sa pangalan nito

Hindi na nga inis eh galit na ako dito sa babaitang ito

Hinila ko ang buhok nya at saka simulang sabunutan nito

𝐈'𝐭𝐬 𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐘𝐨𝐮 𝐀𝐧𝐝 𝐈 |【𝗝𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻 𝗱𝗲 𝗗𝗶𝗼𝘀】•𝕆𝕟-𝔾𝕠𝕚𝕟𝕘•Where stories live. Discover now