Chapter 68
(Game Over)
Hindi natigil sa paghingal si Malekeith dahil sa patuloy na paghahanap niya kay Michaela sa loob ng malaki at lumang gusaling kinaroroonan nila. Hindi nakatulong ang dami ng mga tauhan ni Stefan na tumutugis sa kanya.
Mabilis siyang sumandal sa isa sa malalapad na poste ng ikalawang palapag nang may tatlong kasamahan nina Stefan ang nagpaulan ng bala sa gawi niya. Ilang hakbang mula sa kanyang pinagtataguan ay nakita niyang nagtatago rin ang kanyang mga kasamahan sa ibang poste.
Nagsenyasan silang magkakasama at nang makakuha ng tiyempo ay lumabas sila sa kanilang pinagtataguan at sabay sabay na pinaputukan ang mga kalaban sa kanilang harapan. Dahil sa pagkagulat ay hindi na nagawang gumanti ng putok ang mga ito.
Ilang segundo tumagal ang pagpapaputok nila sa iilang kalabang naroon. Ngunit rinig na rinig pa rin sa buong lugar ang putok ng baril sa bawat sulok ng gusali. Patuloy lamang ang sagupaan sa kapaligiran.
Labis silang nagulat nang makitang dumoble ang bilang nina Stefan matapos makaalis ng helicopter na sinasakyan nina Clade at Ariadne kanina lamang. Napagtanto na lamang nila kung saan galing ang mga ito nang makita nila ang isang matandang lalaki na nakaitim na suit at may itim na trilby hat sa harap ng gusali. Nanonood lamang ito sa kaguluhan habang humihithit ng tabako. Marami ang gwardya nito na nakahilera sa kanyang likuran.
Mas lalong kinabahan si Malekeith nang makita ang lahat ng iyon. Mas binilisan niya ang paghahanap kay Michaela at sa tauhan ni Clade na nadakip. Ang mahirap pa ay hindi nila alam kung kailan sasabog ang mga bombang inilagay sa katawan ng dalaga, kung mayroon nga.
Hindi niya mahanap ito sa rooftop at sa mga palapag sa pinakataas na bahagi ng gusali kung kaya't bumaba siya sa iba pang palapag hanggang sa makarating sa ikalawa. Ni kahit anong sigaw o senyales ni Michaela ay wala siyang marinig sa paligid.
Nang maubos ang mga kalaban sa palapag na iyon ay nagpatuloy silang lahat sa pagkilos patungo sa mga parteng kinakailangan sila. Batid nilang lahat na nalalamangan sila ng kabilang panig... batid nilang unti unti silang natatalo.
Patuloy lamang sa lakad-takbo na pagkilos si Malekeith habang paminsan-minsa'y nagtatago sa mga poste. Walang direskyon ang kanyang pinatutunguhan. Basta na lamang siyang kumikilos sa pag-asang mahahanap din niya si Michaela kalaunan.
Natigilan siya nang mapunta sa loob ng isang abandonadong function hall ng gusali kung nasaan ang karamihan sa kanilang panig. Bumuo ng maliit na grupo ang mga ito at tila inokupa ang lugar upang maging kwarter.
Tinanguan siya ng iilang bumaling sa kanya nang makitang pumasok siya. Mula rito ay rinig pa rin nila ang hindi matigil na putukan sa labas.
Natuon ang mga mata niya sa gitna ng kumpol kung saan nakatayo ang dismayado, galit, at bigong si Aleksandar. Kumunot ang noo niya at pinakinggan ang mga sinasabi nito sa teleponong hawak.
"What do you mean sacrifice?! Why will he sacrifice himself? Did he lose his mind?!" Sunod sunod na sigaw ni Alek na nakapagpatahimik sa kanilang magkakasama.
Saglit na tumigil si Alek sa pagsasalita habang hinihingal na nakikinig sa kausap sa telepono. Humakbang ng ilang beses palapit si Malekeith. Tumatawad siya ng ilang segundo bago magpatuloy sa paghahanap kay Michaela. Pakiramdam niya ay kailangan niyang marinig ang usapan ni Aleksandar at ng nasa kabilang linya.
"Fuck it! Tell him that we still have allies in other countries, especially in Europe! He can ask them for help. God, we already talked about this..." nahilot ni Alek ang noo sa sobrang galit na nararamdaman. Nagpabalik balik ng lakad ito. "Remind him that we had an agreement regarding that. We will ask his European allies for help when things didn't go as planned. And we need them now!"
Matapos ang ilang segundo ay biglang binaba ni Alek ang telepono at muntik nang maibato dala ng matinding galit. Pumikit ito ng mariin at tumalikod sa kanilang lahat habang nakapamaywang.
Hindi na naghintay si Malekeith ng oras upang kumalma ito.
"What is it?"
Humarap sa kanya si Alek gamit ang galit pa rin at nag-aalalang ekspresyon. Ilang sandali itong humanap ng tamang salitang sasabihin.
"We're... losing now. But, Clade's one and only solution for it is his sacrifice. He said he'll surrender his life to Stefan, so that nobody else will die."
"What the fuck?!" Bayolenteng tugon ni Malekeith. "Is he crazy? How sure is he that after Stefan killed him, he will spare us? Huh?!"
"That's the point... Stefan will never let us go unscathed. Or he might not even let us go at all. He's untrustworthy. That's why I was trying to convince Clade to ask for help from our other allies..."
"And?" Patuloy ni Malekeith sa iritadong tono.
"And he says... he'll not drag other innocent people into this. He just wants to end all of this by himself."
"That's fucking bullshit!" Nanggagalaiting balik ni Malekeith at idinuro si Alek. Hindi niya alintana ang dami ng mga matang nakatingin sa kanya. "Once he comes here and surrender himself to that fucking Stefan, he will drag us down with him! Stefan will kill us, too! So, it's bullshit that he thinks more of other 'innocent people's' safety than ours!"
"I know," mariing sambit ni Alek. "But, he's closed his mind now. He won't listen to me..."
"Tangina!" Naibulong na lamang ni Malekeith sa labis na galit at pagkabigo.
Hinilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang magpadalos dalos.
Labis ang kanyang galit dahil sa katangahang binabalak ni Clade. Sa tingin niya'y hindi pinag-isipan ng maayos ang planong iyon. Dahil kung tunay ngang pinlano ng maayos iyon ay hindi makokompromiso ang buhay nilang lahat rito ngayon.
Ikinagagalit niya ang katotohanang may posibilidad na mamatay silang lahat dito... maging si Michaela kung tototohanin ni Clade ang binabalak. Hindi siya makapaniwalang mapupunta lamang sa wala ang kanyang mga sakripisyo at ang mga taong mahalaga sa kanya kung ganoon nga ang mangyayari.