CHAPTER 19

19 1 2
                                    


KUNOT-NOONG ibinagsak ni Zaimon ang cellphone sa higaan. Kahapon pa siya napapaisip, tinatawagan niya si Feiya kahapon pa pero di ito sumasagot.

Pinuntahan na niya sa bahay pero wala naman doon sabi ni tita Melanie, pinuntahan niya na rin sa opisina nito pero ayon sa sekretarya ay hindi naman pumasok kahapon at ngayon.

Natutuliro na siya kakaisip kung nasaan ang girlfriend niya. Sa pagkakatanda niya ay maayos silang naghiwalay kahapon, paanong wala na itong paramdam ngayon?

Ibinagsak nalang niya ang katawan sa higaan at napatitig sa screen ng cellphone kung saan ang wallpaper niya ay silang magnobya.

It was their first picture, noong hinayaan niya itong makapasok sa hall before acquaintance party.

Di niya mapigilan ang mapangiti ng maalala kung bakit naging moon and heavenly bodies ang naging design ng hall ng school.

»FLASHBACK«

Nag mi meeting silang Bb'z sa loob ng SSC room para sa gaganaping acquaintance party. Di maipinta ang mukha niya habang pinapakinggan ang mga kaibigang nagbe brainstorming kung anong theme, style and design ang gagawin nila para sa acquaintance.

"Eh paano naman kasing saatin napunta ang pagpaplano nito?Anong silbi ng school directors natin?" pagsingit niya sa kalagitnaan ng mga abalang kaibigan.

Naiinis na siya dahil puro sila lalaki tas sila ang mag iisip ng concept at theme. Anong kalokohan nanaman to.

"Sshh! Wag ka maingay, wala ka silbi." saway sakaniya ng mabait niyang kapatid.

Tsk! Paano ba siya nagkaroon ng ganitong kapatid? Hanggang ngayon di niya maisip na ang puso ng kapatid niyang si Zain ang bumubuhay sa Abo'ng ito.

"Ikaw ba nagsabing tayo mag asikaso nito?" kunot noong pagtatanong niya sa mukhang utak ng kalokohang ito.

"Oo naman. May pinag lalaanan ako bro, kung wala kang matutulong na matino shut up ka nalang diyan." saad pa ni Dustin at ibinalik ang atensyon sa white board.

"Anong pinaglalaanan?" muli niyang pagtatanong.

"It's who not what..." saad naman ni Louise.

"Oh, eh sino?" ipinagkrus niya ang kamay sa harap ng dibdib at kampanteng naupo.

"Yung crush mo." nakangising sagot ni Dustin at gumuhit ng crescent moon sa itaas.

"Actually, itong heavenly bodies ako may gusto nito. Pero itong buwan, yan... sigurado ko maiinlove si Fei pag nakita yan."

Tila isang musika ang narinig niya. "Did you just say, Fei?" tila nagising ang diwa niya ng marinig ang pangalan ng babaeng tila gumagawa ng mahika sa katawan niya tuwing nakikita ito.

"Yes bro, it's for Fei. Aangal ka pa?" may nang aasar na ngising sagot ni Dustin. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa white board.

"Bat di niyo sinabi agad? Handa naman akong tumulong, ano pang kailangan?" aniya at hinarap ang mga kaibigan.

Isa-isang bumungisngis ang mga loko niyang kaibigan hanggang sa lumakas na ang mga tawa nito.

"Huli ka! So crush mo pala talaga si Fei ah hahahaha... sorry bro, crush ko rin yon." bulalas ni Eithan at inaasar-asar pa siya.

"Sinong Feiya? Bat mukhang kilala niyong lahat?" kunot noong pagtatanong naman ni Shaun.

Halatang walang ideya ang isa niyang kaibigan. Mabuti naman.

Keeping My Girl: Zaimon Lee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon