52 - Magkakabalikan na ba?

259 13 0
                                    


"Three weeks to go nalang, big event na naman sa Martinez!" Nakakabulabog na sigaw ni Regina pagpasok niya sa opisina ni Diane isang umaga. "Ang daming pasabog sa year 2020.. Charity event slash birthday ng president and CEO of Martinez Corporation, and! You're celebrating 10 years in the throne!!"

"Alam ko Regina kaya 'wag kang sumigaw!" Diane shouted back. Her assistant is out that's why they feel free acting like a bunch of noisy girls. "Ikaw lang yata ang excited. Na-organize mo na ba ang event?" Tanong ni Diane.

"Ako pa ba? I planned it since January. Hindi ko lang sinabi sayo. But now that you've asked, okay na ang lahat. I've taken care of everything. From catering, to decorations, to invitations, lahat-lahat. Everything is taken care of under the works of Regina Phalange." Proud na sabi ni Regina as she sits on her cousin's throne. Diane was on the nearby sofa.

Napanatag ang loob ni Diane sa sinabi ng madaldal niyang pinsan. Kahit papano'y alam niyang maaasahan niya talaga ito. Noon pa ma'y si Regina talaga ang nag-aasikaso sa mga events especially her birthday.

"Bakit naman hindi tayo ma-eexcited eh hindi ito pangkaraniwang event sa Martinez? It's like many big events in one BIG party." Regina added. "Last week pa ayaw tigilan ng media ang PA ko. They were asking for more details about the event at gusto nilang mag-coverage."

"What's new.." Diane says skeptically. As usual, hindi naman talaga nawawala ang media na laging nakiki-alam sa buhay nila. Hindi naman sila artista pero ganun lang talaga ka-kilala ang Martinez sa bansa.

"By the way, maiba naman tayo." Says Rej. "May nakapasok na palang infected sa novel coronavirus dito sa Pinas ano? Isang 38-year old woman from China. I just hope this will not become worse. Marami na raw kasing namamatay dun sa Wuhan."

"God, Regina. That's a week-old news. January 30 pa yan. Meron ng 14 ka-tao ang naitalang infected dito sa bansa sa ngayon." Diane said plainly. "Alam mo, sa mga palabas at teleserye lagi kang nangunguna. Pero sa mga balita lagi kang huli."

"News are for the old people."

"Wow, oo nga pala millennial ka." Diane's sarcastic remark. "If you could consider someone born in 1975 a millennial."

"Hay nako bahala ka na nga dyan." Regina says, rolling her eyes at her cousin as she stands up from Diane's chair. "Within this week pupunta yung designer at stylist sa bahay mo ha. I-che-check natin ang wardrobe natin for the party, baka hindi mo magustuhan."

"Sobra kang excited, may Valentine's pa."

"As if ba naman may magiging date tayo. Si René hindi pa makakauwi dito sa Pilipinas kaya phone sex lang muna. Ikaw Diane, may date ka na ba?" Pang-aasar ni Rej. Her cousin looks at her in disgust when she mentioned about that phone thing.

"The hell I care Regina?" Sagot ni Diane. "Busy akong tao, wala akong oras sa mga ganyang bagay. Fourteen is a Friday. We have to work."

Regina mumbles some things under her breath as she makes her way out of her cousin's office. May mga binubulong siya na bitter.. workaholic.. cold-hearted.. Pero nang tinanong siya ni Diane kung may sinasabi ba siya, sinabi niya "wala" at agad nang umalis.

*

*

*

*

*

After having lunch, Diane stays at her office. Siya lang mag-isa dahil may pinapagawa pa siya kay Sander. Wala siyang masyadong gawain sa work this week.. or this month in general, aside from the upcoming big event. Tama si Regina, masyado siyang workaholic. Kaya talagang na-aapreciate niya ang mga ganitong oras sa opisina niya, tahimik at walang naghihintay na gawain o mga reports na kailangan niyang i-verify. Kinuha niya ang kanyang phone, iPhone 11 Max Pro to be specific, at naisip niya na useless ang magkaroon ng ganun ka high-end na gadget. Dahil nagagamit lang niya naman yun para sa calls and texts and sometimes FaceTime. Other features, wala ng saysay para sa kanya.

Maraming tao dyan masyadong nahuhumaling sa kahit anong gadgets basta't may apple na logo. Ano ba ang purpose ng pagkakaroon ng "magandang" gadget? Sabay sa trends? Diane never knew why. Maybe because she grew up being able to get every "trend" whatever the cost, kaya minsan hindi niya na-aapreciate ang mga materialistic things na meron siya. For sure, bago pa matapos ang 2020 magpapalabas na naman ang Apple ng iPhone 12.

Isipin mo nga, anong masasabi ng mga tao pag nakita nila na ang president ng Martinez ay gumagamit ng cheap na brand ng cellphone instead of an expensive one. Ito ang naaalala niyang sabi ni Regina noon sa kanya. She has her Macbook for emails and other business related things. She also doesn't do much social media. Kasi ang mass media andyan naman para laging mag-publish ng photos at articles tungkol sa kanya at sa kompanya.

"Miss?" Sander calls for her attention, snapping her out of her thoughts. "Ah di bale na lang.. Mamaya nalang miss 'pag di na kayo busy."

Sa lalim nang pinag-iisip ni Diane kanina hindi na niya namalayan ang pagdating ng kanyang assistant. At anong busy ba ang pinagsasabi ni Sander? Ni wala nga siyang ginagawa sa trono niya.

"A-ah may kailangan ka ba Alex? May iniisip lang kasi ako. Kung may sasabihin ka, sige sabihin mo na."

It's so amazing and weird at the same time na nagkakaroon sila ng naughty moments at one time, and casual na employee-employer professional conversation at the other. Pareho silang magaling magtago ng sekreto and acting all normal. They deserve an award for such good acting.

Back to Sander, he asks a permission from his boss if he could work for only half of the day this coming Saturday. Uuwi siya sa Bulacan to have some alone time with his fiancé. Mukhang nahiya pa siya nang binanggit niya ang date. Diane didn't say a word and didn't even look at him as he was telling his excuse.

"Medyo naging distant na kasi kami ni Vanessa sa isa't isa. Parang nagbago ang relasyon namin. Hindi naman sa ganon na cold, pero simula nang may anak na kami, ako naging busy sa trabaho. At siya, syempre busy sa baby. At minsan nalang kami nagkikita at nagkakasama. Hindi na kami nagkaroon ng oras sa isa't isa." Paliwanag pa ni Sander.

Sa kabila nang mga pagtataksil ni Sander, masasabi ni Diane na mahal pa rin talaga nito ang fiance niya. Pagtataksil, hindi na yun mistake kasi naka-tatlong beses na nga sila diba? Diane shouldn't feel anything like being upset or jealous. Bakit naman siya magagalit o magseselos, kaano-ano ba siya ni Sander? Wala. Boss.

"Uhm, nevermind nalang."

"You may go on Saturday." Diane declares. "Consider it a leave with pay."

"Po? Okay lang po kahit half-day."

"Alex. Ako na ang nag-aalok, wag na wag mo akong tanggihan. You deserve a day-off." Diane insists as she tries putting a smile so she won't sound/look plastic. And because she really do mean it. "Malapit na ang Valentine's day. Be sure to get your fiancé a gift."

Tumango si Sander at nagpatuloy si Diane sa pagsasalita. "Despite of what you did, Vanessa is lucky to have you. Gumagawa ka talaga ng oras para sa kanya."

"Ganun naman po talaga siguro kapag mahal mo ang tao diba? Dapat maglalaan ka talaga ng oras para sa inyong dalawa."

"Right." Diane agrees. "I did the same thing. But it didn't work for me. Taon-taon akong pabalik-balik sa States noon para lang makasama ang pamilya ko. But you already know what's the ending of my story."

Sander felt guilty for where the conversation has gone. So sabi niya, "I'm sorry."

"Alex, you don't have to feel sorry for me. And what's new? Kahit anong okasyon pa yan, sanay na akong mag-isa."

"Wag kang mag-alala hindi ka naman mag-iisa ngayong Valentine's eh. Nandito ako diba?"

"A-"

Bago pa makasagot si Diane sa sinabi ni Sander ay may biglang pumasok sa opisina. Laking gulat ni Diane sa panauhing dumating.

"W-what.. w-why.. h-" Na-uutal na sabi ni Diane. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Tumayo siya at lumapit sa panauhin. Si Sander naman ay nalilito kung sino ang lalaking yun, matangkad, gwapo at makisig ang tindig, mukhang professional, karespe-respeto ang dating.

"Diane." Says the man with a deep soothing voice as he goes to Diane and hugs her so tight. Sa gulat ni Diane ay hindi siya nakagalaw sa kanyang kitatayuan. Gusto niyang sampalin ang kanyang sarili para magising. Baka panaginip na naman ang lahat.

"W-why.." Diane is very confused.
"Why are you here.. Oliver?"

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon