CHAPTER 16

272 170 0
                                    

SIXTEENTH

Nakita ni Nereo si Lucas kasama ang ilang medical students din ng SMU. Nakangiti si Lucas sa harap ng mga ito ngunit alam ni Nereo ang peke sa totoo. Lucas has never really smiled for quite some time now. It may look like Lucas’ lips and eyes are smiling but they aren’t. Lucas may fool other people but not his cousins, especially Nereo.


Nang iwanan na ng mga estudyante si Lucas ay awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi’t mata nito. Naglakad si Nereo palapit kay Lucas ngunit katulad ng palaging nangyayari ay tila hindi man lang siya nito nakita.


“Luke,” tawag ni Nereo ngunit dire-diretso lang si Lucas sa paglalakad.


“Lucas,” tawag ulit ni Nereo at sumabay na kay Lucas sa paglalakad nito ngunit hindi pa rin siya nito pinansin.


“Kumain ka na ba? Mukhang busy ka ngayong araw, e, as usual,” pilit pa rin ni Nereo ng usapan habang nakangiti kahit na alam niyang ayaw siyang kausapin ni Lucas.


Nang huminto si Lucas sa paglalakad ay gulat na napahinto rin si Nereo sa likod niya. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ni Nereo. Ito na ba ang araw na hinihintay niya? Kakausapin na ba ulit siya ni Lucas?


“You can do anything, you can say anything you want before your time’s up and I wouldn’t care but don’t you ever expect that you’d leave with a clean conscience because everything between us will never be the same again. There’s nothing you can do to ‘make things right,’ everything between us has been permanently broken for a long time. Your clock is ticking, Nereo, and you cannot turn back time... you cannot go back in time to change whatever you’re trying to fix now,” sunud-sunod na asik ni Lucas kay Nereo saka nagpatuloy sa paglalakad.


Naiwang nakatulala si Nereo sa papalayong likod ni Lucas. The Lucas who just talked to him wasn’t the perfect Lucas Del Fierro everyone knows. The Lucas Del Fierro who talked to him just now was the Lucas who never felt loved by anyone but his mother, the Lucas who never felt what it feels like to be loved again after he lost his mother at a young age, the Lucas who was brought to this world for a show because his father only cares about his own reputation—a great business, a perfect wife, and a perfect child. The Lucas who just talked to Nereo was the other side of Lucas.


Nang magsimulang pumatak ang ulan ay naiwan pa ring nakatayo sa gitna ng daanan si Nereo. Ni hindi niya napansin ang mga estudyanteng nagmamadali dahil nga umuulan na, nalunod siya sa sarili niyang pag-iisip. Bumalik ang isip niya sa mga panahong kakakilala lang niya kay Lucas ngunit hindi rin nagtagal ay nabalik siya sa realidad dahil may nagmamadaling estudyanteng nakabangga sa kaniya. Nang mabalik siya sa huwisyo ay nagsimula na rin siyang maglakad sa gitna ng buhos ng ulan.


Taimtim na naglalakad si Nereo nang may nakasalubong siyang babaeng nakatayo sa gitna ng daanan. Lalagpasan lang sana niya ito ngunit nagulat siya nang makilalang si XZ Martinez ito.


“XZ?”


Dahan-dahang lumingon si XZ kaya muling nagsalita si Nereo.

“What are you doing here?”


“I...” Tumingin si XZ sa lapag ngunit nanatiling nakatitig si Nereo sa kaniya.


“I don’t know,” bulong ni XZ na narinig naman ni Nereo.


“XZ,” malumanay na tawag ni Nereo kaya inangat ni XZ ang tingin niya sa mga mata ng binata.


“Let’s get out of here?” bahagyang nakangiting tanong ni Nereo.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon