Chapter 5 (It's still not over)

1.2K 70 29
                                    

Chapter 5

It's still not over

Zahara Rain's P.O.V
Napahinga ako ng malalim ng makatakas si Kuyang Runner slash Mysterious sa'kin. Nakita ko kasi siya kanina na nasa malayo kaya hinabol ko siya para sana tanungin yung ibig niyang sabihin sa sinabi niya sa'kin kahapon pero na isahan niya ako.

Napatingin ako sa paanan ko ng may maramdaman. Nakakita ako ng isang envelope. Kinuha ko 'yon at binuksan.

Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko sa nakita.

'Hindi pwede...'

Isang puting plain na bracelet na may pendant na rosas na kulay itim.

Napaatras ako sa panghihina at napatingin sa paligid, nagbabakasakaling maabutan ko pa ang taong nag-iwan nito kahit imposible.

'Hindi pa ba tapos? Sino ba ang nagpapadala sa'kin nito? Ano bang kasalanang nagawa ko?'

Napahinga ako ng malalim at saka nilakasan ang loob.

'Walang mangyayari kung magpapadala ako sa takot.'

Tumayo na ako ng maayos at nilisan ang lugar na 'yon. Baka bigla pang may mangyaring masama. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.

"Call my adviser and tell her that I will be gone for two or three weeks because I am sick." I said while still walking, heading my way to my car.

[Copy, Madame.]

"Also, tell her that sa bahay nalang ako mag-aaral sa mga linggong wala ako, so, I can still catch up with the lessons." sabi ko at sumakay na sa kotse ko.

[Copy, Madame.]

"That's all. Bye." sabi ko at pinatay na ang tawag. Sunod na tinawagan ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong kaibigan.

[Yes, Madame?]

"Prepare all the information I've got when I was in Japan and before I go to Japan. The game is just about to begin." seryosong sabi ko.

[Oh... Ano yung last year? Warm up?] natatawang tanong niya kaya napangisi naman ako.

"Of course. They didn't know what a Zahara Rain Kingston can do." mayabang na sabi ko kaya natawa siya.

[I'll wait you here then.] sabi niya.

"See you then." sabi ko at pinatay na ang tawag. Pinaandar ko na ang sasakyan habang tinatawagan si Audrain na agad din namang sumagot.

[Ang tagal mo ha? Dati ikaw pa ang nauunang pumapasok ngayon wala ka.] agad na salubong niya sa'kin pagkasagot ng tawag.

"Hindi ako makakapasok ng two or three weeks, I'm sick." madramang sabi ko at umaktong may sakit talaga.

'Ayoko at hindi ko na sila kailangan pang idamay. Masyado na silang maraming nagawa para sa'kin. I have to protect them...'

'At para magawa ko 'yon ay hindi ko sila idadamay sa gulong nadamay lang din ako.'

[Oh my! Are you okay?! Kumusta na yung pakiramdam mo?! Nakainom ka na ba ng gamot?! Do you want us to go there para maalagaan ka namin?!] nag-aalalang tanong niya.

"Don't worry, I'll be fine. Sus, ako pa? Kingston yata 'tong kausap mo." pagbibiro ko at nagtawanan naman kami.

[Magpagaling ka! Eto nga pala si Shaira at Cheska gusto kang kausapin] sabi ni Audrain.

You'll also like

          

[Hoy, babaita! Anong may sakit?! Walang sakit sakit dito! Pumasok ka! Dali!] bulyaw ni Cheska kaya natawa ako.

[Magpagaling ka, Zahara. Kukwentuhan mo pa kami.] dinig kong sabi ni Shaira.

"Ano namang ikukwento ko?" natatawang tanong ko sa kanila.

[Yung tungkol sa nangyari kila Devin at Luke. Alam naming kagagawan mo 'yon. Kalat na kalat na sa Academy.] sabi ni Cheska kaya napatawa ako ng malakas.

[Ang daya!] dinig kong sigaw ni Audrain.

"Ikukwento ko 'yon pagbalik ko don't worry. Actually, I have a video." nakangising sabi ko.

'Nasabi ko rin bang naglagay ako ng camera noong mga oras na 'yon para may pang blackmail ako sa kanila?'

[I-send mo na ngayon! Bilisss! Papanoorin namin habang wala ka!] tili ni Shaira.

"No! I'll send it sa pagbalik ko." nakangising sabi ko habang patuloy sa pagmamaneho.

[Oh my! Nandito na si Miss! Ako na ang magsasabi na may sakit ka.] sabi ni Audrain.

"No need, alam na ni Miss 'yon. Still, thank you." sabi ko.

[Sige pala. Magpagaling ka!] sigaw ni Shaira.

[Byeee!] sigaw nila.

"Byeee!" sigaw ko rin at in-end na ang tawag.

Nag focus na ako sa pagmamaneho hanggang marating ko na ang bahay namin. Nag park na ako at lumabas ng kotse. Dire diretso akong pumasok sa loob at dumeretso sa isang room kung saan puro gadgets.

Umupo na ako sa harap ng isang computer at binuksan ito. Nagsimula na akong mag-type kasabay ng pagbukas ng pintuan. Pumasok don si Maureen, ang isa sa mga pinaka pinagkakatiwalaan ko.

"Here's all the information, Madame." sabi ni Maureen at nilapag ang sobrang daming folders.

"Ilang beses ko bang sasabihing tawagin mo nalang akong Zahara?" natatawang tanong ko habang nasa screen pa rin ang tingin. Natawa naman siya.

"Oras ng trabaho ngayon kaya kailangang Madame. Baka bigla akong masibak ng wala sa oras." pagdadahilan niya at parehas naman kaming natawa. Umupo na rin siya sa isang swivel chair. Sinadya talaga naming ganito para hindi na kailangang tumayo, papagulungin nalang lalo na kung nagmamadali ka.

Nagpalit kami ng pwesto. Ako sa mga papers at siya sa computer.

Binuklat ko na ang isang folders at pinag-aralan. Nagbukas na rin ako ng isa pang computer at nilagay sa notes para i-type ang mga importanteng impormasyon na kailangang tandaan. Kailangan kong irefresh ang utak ko sa mga impormasyong nakuha namin.

Nagsimula kaming magtrabaho ni Maureen. Halos hindi mami nagsasalita dahil parehas kaming abala at maraming ginagawa.

"It's still not over, huh? Then I'll show you what a Kingston can do." seryosong bulong ko at nagpatuloy sa ginagawa.

***

Someone's P.O.V
Gladly, I am now out of her sight.

"That was close." I murmured and started to walk to go the nearest coffee shop.

I enter the coffee shop and sit on a vacant table. I also ordered my favorite coffee before thinking.

'She's a fast runner I must admit.'

I was get back to my senses when my phone rang. I took it and answered the call.

The Queen Of Trouble (Season II)Where stories live. Discover now