CHAPTER 30

1.8K 56 16
                                    

Katherine's POV

"Iha may bisita ka." Napatingin nalang ako sa pinto nang kwarto ko dahil biglang pumasok si Nay Esther.

"Sino daw po?" Tanong ko tsaka ako umupo sa pagkakahiga sa kama ko.

"Si Alexander iha." Napakunot nalang ang noo ko dahil sa sinabi ni Nay Esther, alasyete palang nang umaga anong ginagawa niya dito nang ganito kaaga?

"Sige po Nay Esther, puwede po ba pakibanyan niyo muna ang anak ko?"

"Sige iha walang problema."

"Salamat po." Nakangiting sabi ko at tumungo sa banyo upang maghilamos at makapag ayos bago ako bumaba.

Nang matapos na ako ay agad din akong bumaba at duon ko nakita si Alexander na naghihintay sa sala nang mansyon namin.

"Alexander." Nakangiting saad ko nang makalapit ako sa kanya, agad naman itong tumayo nang makita ako at ngumiti din sa akin.

"Goodmorning Katherine, pasensya na napaaga ata ako nang bisita." Nahihiya nitong sabi at bahagya pang napakamot sa batok niya. "Para sayo nga pala."

Nakangiti kong kinuha ang isang bungkos nang bulaklak sa kanya. "Salamat, kumain kana ba? Gusto mo ipaghanda kita?"

"Hindi na Katherine, kumain na din naman ako bago ako pumunta dito."

"Sigurado kaba?"

"Oo."

"Sige paghanda nalang kita nang juice, gusto mo ba duon nalang tayo sa garden para presko ang hangin?" Tanong ko sa kanya at inilapag yung bulaklak na bigay niya sa center table, tumango naman ito sa akin at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

Tumungo kami sa garden sa likod nang mansyon namin tsaka kami naupo sa bench sa ilalim nang puno, napangiti nalang ako nang biglang humangin dahilan para liparin ang ilang hibla nang buhok ko na nakaharang sa mukha ko

"Kamusta kana?" Napatingin ako sa kanya nang bigla itong nag salita at ganun nalang ang gulat ko dahil nakatingin na pala ito sa akin.

Napaiwas ako agad nang tingin sa kanya at tumangay sa puno na baghayang sumayaw dahil mahangin. "Ok lang naman, ikaw kamusta kana?"

"Ayos lang din, ang tagal mong nawala at naputol din ang communication natin akala ko nga hindi kana babalik 'e." Bahagya pa itong natawa dahil sa sinabi niya.

"Sa totoo lang hindi pa sana ako babalik kaso pinagsabihan kasi ako nang parents ko at napagtanto ko na tama sila kaya bumalik na ako dito." Nakangiting sabi ko habang nakatunghay padin sa puno.

"Okay kana ba?" Tanong nito dahilan para unti unting mawala ang ngiti sa labi ko, okay na ba ako? Yan din kasi ang tanong ko sa sarili ko, kung okay na ba talaga ako o hindi.

"Oo?" Nag aalanganin kong sagot sa kanya.

"Oo? Bakit patanong?"

Bumuntong hininga ako at yumuko tsaka ako tumingin ako sa kanya. "Hindi ko din alam, yun nalang lumabas sa bibig ko." Wala sa sariling sabi ko sa kanya.

"Mahal mo paba siya?" Natigilan ako dahil sa tanong niya, ramdam ko na lahat ata nang dugo na meron ako ay pumunta lahat sa ulo ko.

"O-okay lang kung hindi mo sasagutin." Parang napapahiya nitong sabi at sabay iwas nang tingin sa akin.

Nakaramdam naman ako nang pagka guilty habang nakatingin ako sa kanya dahil alam ko na bago ako umalis nang bansa ay may binitawan akong salita sa kanya.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Onde as histórias ganham vida. Descobre agora