Chapter 7

1.5K 81 1
                                    

Chapter 7

Birthday



Binaba ko na nalang ang tawag na iyon. Alam kong wala sa wisyo si Darius kaya niya iyon ginawa. Baka nga mamaya or kinabukasan ay hindi niya maalala na tinawagan niya ako. Ganoon naman kasi talaga siya.

Hindi ko din maiwasang mag-alala sakanya. Lasing siya at mukhang walang kasama, baka mamaya ay walang umalalay sakanya. Or baka mamaya ay mapag-tripan siya doon ng kung sino.

Pero sino nga ba ako parang mag-alala sakanya? Hindi ko nga alam kung mag-kaibigan kami. Maaaring sinabi niyang friends kami, pero sa tingin ko ay hindi naman ganoon ang tingin ko sakanya.

Habang tumatagal kasi na minsang nakakasama ko siya, ewan ko pero dahan dahan akong nahuhulog sakanya. Hindi pa man din ako sanay dito. Gaya nga ng sabi ko, isa palang ang nagiging boyfriend ko at hindi pa ako no'n sineryoso.

Nag-daan pa ang ilang araw na nakakulong lang ako dito sa kwarto. Kapag dadaanan lang ako ng pagkain, 'tsaka lang nila binubuksan ang pinto. Ewan ko nga kay Mama, ilang araw na ang nakalipas pero nakakulong pa din ako dito.

Sa tuwing wala sila Mama, or walang bantay na kasambahay sa may pinto, lagi akong dinadaanan dito ni Sereia at lagi niya akong tinatanong kung may kailangan daw ba ako.

Mabuti pa siya. Siguro ay tunay ko talaga siyang kakampi. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga naiisip ko. At least ay alam kong hindi ako nag-iisa dito sa bahay, laging nand'yan si Sereia para hindi ako ma-bored.

Wala pala siyang cellphone kaya naman binigay ko sakanya ang luma kong phone, tutal naman ay hindi ko na iyon mas'yadong ginagamit. Binigay ko 'yon sakanya bilang pasasalamat na din sa mga ginagawa niya saakin.

"Ma'am, hindi niyo naman po ako kailangan bigyan ng ganito. Tinulungan po kita, hindi dahil sa gusto ko ng kapalit, kun'di dahil iyon naman po talaga ang gusto ko." malumanay niyang sinabi, napapangiti nalang ako sakanya.

Hinawakan ko ang braso niya at masuyong nginitian. "Ayos lang, binigay ko naman iyan ng kusang loob. At isa pa, para naman kahit paano ay matawagan mo ang magulang mo." sabi ko sakanya.

Tinanguan niya na lamang ako pero alam kong nahihiya pa din siya. Grabe pala, may mga humble pa din na tao na katulad niya. Mahiyain na nga tapos sobrang humble niya pa. Ang cute niya lang tignan, ang gaan gaan ng loob ko din sakanya.

Nang gabing iyon, naiwan nanaman akong mag-isa dito sa kwarto. Napatingin ako sa kalendaryo. Ilang araw nalang pala ay birthday ko na. Saan kaya gaganapin ang birthday ko?

Noong nakaraan kasi, sa bahay lang namin ginanap ang birthday ko. Kaunting salo salo lang kasama ang pamilya at mga kaibigan. Iyon din kasi ang time na hindi na ako pinapalabas mas'yado ni Mama, naging strict na siya saakin noon.

Sana naman ngayon, huwag sa bahay ganapin ang birthday ko. Hindi naman sa nagiging choosy ako, pero s'yempre, kahit paano ay birthday ko naman. Sana ay payagan ako nila Mama na sa labas ganapin ang birthday ko kasama ang mga kaibigan ko.

Hindi na ako muling tinawagan ni Darius, or kahit text manlang. Huling tawag niya saakin ay noong nakaraang linggo pa. I guess, wala talaga siguro siyang naalala noong gabing iyon. Hindi niya na ulit ako tinawagan para mag-sorry manlang.

Halos mapabalikwas ako ng bangon nang biglang pumasok si Allesia sa kwarto ko. Grabe talaga itong babaeng 'to, basta basta nalang pumapasok ng walang paalam.

Speaking of pinto, hindi na pala lock iyon? Hindi ko naman kasi mas'yadong tinitignan. Sigurado ay hindi na ako ni-lock nila Mama dahil alam nilang malapit na ang birthday ko.

"Ryia! Ilang araw nalang ay birthday mo na! So, saan tayo?" excited siyang lumapit saakin, may dala dapang Ipad.

Tinignan ko naman ang Ipad niya. May pinipindot siya doon na kung ano ano. Medyo nagulat pa ako nang makitang mga magagandang lugar pala ang tinitignan niya sa Ipad. Malamang ay napili na siya ng lugar ngayon.

To Catch a Dream (CNS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon