Chapter 4

386 21 33
                                    

Akala ninyo ba, si Geneva at Forcia lang ang may POV? Aba! Maraming namamatay sa maling akala, mga bh3! Syempre, mayroon din ako. Hahaha! Hilda Woooorld, make ire butteflies~ One for you, one for me and the entire human race~


Nagtataka talaga ako sa kanta na 'yon. Bakit kaya papa-irehin ang butterflies? Umiire ba 'yong mga 'yon? Saka, walang ka-sense-sense 'yong lyrics na "One for you, one for me and the entire human race". 'Di ko talaga ma-gets, bh3! One for you, one for me raw tapos biglang liko sa papag-race-in 'yong mga tao. Anong klaseng lyrics ba 'yon? Sino kaya ang composer no'n? Saka, bakit ko ba pinoproblema 'yon? Sayang lang eyelashes kong binili ko pa ng tig-sasampu sa Divi. Hahahaha. Divi. Sosyalin.


E kasi naman. Palagi 'yong kinakanta nila Geneva at 'yong bruhang si Forcia kapag nakikita ako. E palagi naman nila akong nakikita. E 'di palagi nilang kinakanta 'yon. Hahaha. Hindi kaya sila nagsasawa sa kanta na 'yon?


"Ano bang gagawin natin dito?" naka-poker face na tanong ni Don Nyelo. Wengye. Nakalimutan kong gagamutin ko nga pala siya.


"Ano bang ipapagamot mo?"


Biglang nagalit 'yong kilay niya sa tanong ko. Biglang nagsalubong. Hala. May ipagsasalubong pa pala 'yon? Ang kapal kaya tapos ang lapit pa sa isa't-isa. Hahahaha. Para siyang si... si... si Don Nyelo. E...wala akong maisip na kakilay niya, e. Grabe kasi. Parang siya lang yata ang nakitaan ko nang gano'n. Malala pa kay Ikay sa More Than Words, e. Nanonood kayo niyon? Sa ABS CBN 'yon, tuwing umaga. Bida si Lotlot De Leon saka Francis Magalona. Joke lang. 'Yong anak pala niya... si Pia Magalona.


"Wala akong ipapagamot. Sinamahan ko lang si Pareng Yco."


"Ahh, I see." Wow syet taray! English 'yon! Hahaha.


Pilit kong iniiwas ang tingin kay Don Nyelo. Ang awkward kasi. Nakatitig siya sa akin. Bakit? Bakit? Huway you look at me like that, Don Nyelo! Kill me now!


Bigla na lang akong nakaramdam ng hampas ng palad sa pisngi ko. "ARAY!" Tiningnan ko ng masama si Don Nyelo. Epal kasi e, bigla na lang nananampal. "Bakit na naman ba?!"


"Anong 'bakit na naman ba?' e ikaw nga 'tong nagsasabi ng 'kill me now'!" galit na galit ang nguso niyang sabi.


Huwat?! Narinig niya 'yon? Bakit niya narinig 'yon? Sa isip ko lang 'yon sinabi, ha! Hindi kaya... mind reader si Don Nyelo?


"Hindi ako mind reader! Sinasabi mo kaya nang malakas," naka-poker face niya na namang sabi.


Oh, Don Nyelo, bakit ka ba ganiyan? Bakit ka ba laging naka-poker face? Paano ko ba mapapangiti 'yang mga labi mong kahugis ng labi ng mga tauhan sa Makibaoh?


Alam ninyo ba 'yong Makibaoh? Favorite cartoon ko 'yon! 'Yon 'yong may buriko na kyot na tumatae habang nakikipag-racing na kamukha ni Forcia Pink. Hahaha. Kamukha ni Forcia Pink talaga 'yong si Makibaoh. Kaya nga paborito ko 'yon, e. Kung hindi ninyo naabutan 'yong cartoon na 'yon dahil feeling baby pa kayo, aba! Nandyan si Google. Search-search din, mga bh3! Ay wait. Teka, kaka-search ko lang. Makibao pala 'yon. Without the "H". Hahahaha pahiya ako! Pero seryoso, i-search ninyo na. Para makita ninyo kung gaano kakapal ang lips ni Don Nyelo. Ang kyot.

ManggaGamot?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon