Chapter 02.Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon habang nag-iimpake pa ako sa mga gamit na dadalhin ko sa base. Ngumiti sa akin si Rye at nilagay ang iba pang natitirang gamit na kailangang ilagay sa malaking bag.
Today is the day that we'll go back to our assigned base. Isang linggo na ang lumipas mula noong nangyari ang insidenteng iyon. We are trying to forget what happened but we couldn't. Kahit anong gagawin namin.
"Okay lang ba sa 'yo na maghiwalay tayo ng base?" tanong niya bigla.
Nilingon ko siya. Mula noong araw na nilibing sila Papa ay naging mas matahimik ako. Dahil din sa katahimikan ko, hindi niya na ako masiyadong mahagilap at hindi na din niya ako masiyadong kinakausap. We live in the same house but we acted like we're not.
Tumango ako. I'm still affected, yes, but what can it do to me? Anong magagawang kabutihan ito sa akin kung hindi ako magmo-move on?
"Can you promise me that you won't die and you will protect yourself from harm?" aniya habang abala pa din sa pag-impake ng gamit ko.
"I... promise."
Tumango siya at suminghot. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago kinuha ang bag ko. Lumabas lang siya ng kwarto dala-dala ang bag ko nang walang paalam. Sumunod din ako kaagad at sinarado ng maayos ang kwarto ko.
I am wearing a white t-shirt and black cargo pants while Rye is wearing a brown t-shirt then her green camouflage cargo pants. Sabi ni LTG Hernaez sa akin na siya at ang isa sa mga sundalo ang kukuha sa akin para ihatid ako sa base. Ang susundo naman kay Rye ay isa din sa kapwa namin sundalo.
"Mamaya pang alas diez ako kunin. Nandito na si LTG kaya... kunin ka na siguro nila." aniya at pilit ngumiti.
Inabot niya sa akin ang bag kaya tinanggap ko. Her eyes were heavy, probably because of crying again last night. Lumapit siya sa akin at niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik.
Rylavette is only my family who remained. Papa and my siblings left me and I have no shoulder to lean on but to her. I'm also her only family now.
"Mag-iingat ako, Rye. I'll keep my promise. Magkikita pa tayo sa susunod." ngumiti ako sa kaniya. "And... Could you promise what I promised to you, too?"
Tumango siya. "I promise, Adi. Magkikita pa tayo sa susunod. I'll make sure those syndicates will rot in hell where they belong."
Tulala akong nakatingin sa bintana ng military vehicle habang tinatanaw ang bahay na paliit nang paliit. My thoughts were spinning in my mind that made me pre-occupied for about minutes.
"Are you okay, Adelaide?"
Tinapunan ko ng tingin si LTG Hernaez. He's in the same age as me but he looks like he's three years older than my age. Matigas ang ekspresiyon na tinapon ko sa kaniya kaya ngumiti siya, iniisip na gamitin iyon para lumambot ang ekspresiyon ko.
"It's Lieutenant, Lieutenant General. My position is higher than yours so you should respect me by calling me Lieutenant." matigas kong ani at tumingin ulit sa bintana.
He chuckled. "I'm sorry, Lieutenant. Care to answer my question?"
Pairap akong tumingin sa kaniya. He was smirking while driving the vehicle and I don't know what's amusing. Parang siya pa ang baliw kahit kumpleto ang pamilya niya kesa sa akin na... hindi na.
"You shouldn't force me to answer your question, LTG Hernaez. I answer when it's needed to,"
"You're being hot-tempered now. Chill ka lang, Lieutenant." humalakhak ulit siya.
BINABASA MO ANG
Fight for Bloom
RomanceServe. Country. Save. People. Risk. Survive. Death. Those were the things I've been thinking of ever since I dealt with military. Serving the country and saving people risk my life but the only option I have is to survive death. Yet, I never thought...