CHAPTER 14. THE ENCOUNTER OF MIND READER/TELEPORTER FAIRY and FI

645 33 21
                                    

DIANNEARA POV

Maaga akong nagising ngayon dito sa dorm namin. May pupuntahan kasi ako sa FIRE CIRCLE LAND mamaya. MagkaCutting Class ako. Tutal Telepotation naman ang isa sa mga ability ko. Gagamitin ko yun mamaya.

Natuwa naman ako sa iniisip ko. Nautusan kasi ako ni Queen Rosen na ibigay ang sulat kay si Queen Elza ng Fire Fairies. Natatakot man akong pumunta dun kasi nga mapanganib daw, pupunta pa rin ako.. Nabigyan naman ako ng assurance ni Queen Rosen na magiging safe ako. Kaya inaccept ko ang offer niya.

For every mission kasi na ibinibigay ni Queen Rosen at yun ay napagtagumpayan mo. Bibigyan kaya niya ng YELLOW PIXIE MONEY. At sobrang laki na ng pera yun para sa akin. Nakakasawa na kasi ang BLACK PIXIE MONEY. Minsan  nga kinukulang ako sa pera na yun.

Pumasok na ako sa banyo para makapagligo. Hinanda ko ang damit na susuutin ko mamaya with my backpack. Magdadala ako ng makakain mamaya dahil sigurado akong mahaba haba pa ang lalakarin ko. Short-distance lang ang kaya ko. Kapag nasobrahan ko, maaring ikamatay ko yun. May limit ang kapangyarihan ko at hindi ko alam kung bakit.

Saktong paglabas ko ng banyo, nakita kong nakaupo sa sofa si Uranies at Mercury. Hinihintay ata na matapos ako.

Masyado ba akong matagal maligo? Sabi ko sa isip ko.

Good Morning Dianneara.” Sabay nilang sabi sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanila. Hindi ako sanay sa ganito kasi nung wala pa akong kapangyarihan, nagkaroon ako ng kaibigan pero bigla bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Mula nuon, hindi na ako nakipagsocialize sa mga ibang tao kasi alam ko naman na karamihan sa kanila ay mga PLASTIC. Nagbago ang isang napakulit at bravo na kagaya ako. Nagging tahimik at snobber na ako. Ano pang silbi ng MIND READER na ability ko kung di ko naman nababasa mga iniisip nila.

Nung una. Nagtataka ako sa kapangyarihan kong ito. Pero, unti unti ko itong minahal. Ganun naman talaga dba? Para maging matagumpay ka, kailangang mahalin mo kung ano man meron ka.

Nagpalit na ako ng mga damit ko. Paglabas ko ng kwarto ko. Ready na pala yung dalawa. Nag-agahan na lang ako mag isa. Kasi nga di ako sanay diba? Pero alam ko namang mababait sila. Pero mahirap pa ding magtiwala.

Dianneara, pwedeng sabay tayong pumunta sa Room natin mamaya?” sabay sabi sa akin ni Mercury.

Nginitian ko na lang siya. Magiging masama ba ako sa kanila, ee, ang ganda ganda nila makitungo sa akin na kahit minsan ini-snob ko lang sila.

Papunta na kami ngayon sa Room namin. Kung ano ang lakas mu, ganun din ang magiging section mo like sa mga dorm. Section D kami. Ang sunod ay ang Section A. pangatlo ang Section A++ at ang pinakahuli ay ang Section S++, ang Special Class.

Nang may isang babaeng tumawag sa amin.

Mga Miss?” Sino kaya siya? Hindi ko mabasa ang isip niya kasi may sobrang lakas na force ang naghaharang sa akin.

Nakita ko na lang na pumunta sina Mecury at Uranies dun sa babae. Diko nalang sila pinansin at tuloy tuloy na naglakad. Mas okei yun para di nila malaman na magkaCutting ako. Hahaha. Ngiting tagumpay.

Pumasok na ako sa room ko. As usual, tahimik lang akong pumasok. Hindi ko pinansin ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Dere-deretso akong pumunta sa upuan ko.

Nagsimula ng magklase ang aming guro sa SPELLS. Hindi ako nakikinig. Nagcoconcentrate ako sa ginagawa ko. Kailangang may pumansin sa akin at makita ko ang kanilang mata. Ito kasi ang way ko para makapagteleport sa ibang lugar.

“Psst! Psst! Tumingin ka sa likod mo.” Sabi ko sa isip ng kaharap ko. Mukhang nakumbinsi ko naman siya. Isa siya PLANT FAIRY. Nasa bangdang huli kasi ako. Napatingin naman siya sa akin.

Academy of Fairy (UNDER-REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon