🍁 Chapter 39 🍁
" baka hindi na siya nakahanap ng Lumpiang Togue kaya hindi na siya nakabalik " nakangising sabi ni Axel.
Andito kami ngayon sa bleachers at pinapanooran ang mga estudyante na nagsasayaw sa gitna ng court.
" bakit naman kasi sa lahat ng pwede mong ipabili eh Lumpiang Togue pa talaga pinabili mo? Eh wala namang ganoon dito. " natatawang sagot ni Eesha.
" Ewan ko din e " sagot ko sabay na nagkibit-balikat at bumalik ang tingin sa mga sumasayaw.
" nararamdaman ko talagang may hindi magandang magyayari dahil sa lalaking yon " hindi nakatinging saad ni Axel.
" Asus ganyan ka naman sa lahat ng lalaking nakakalapit samin e hay nako Kuya Axel " natatawang sagot ni Eesha.
" oh bakit pag sinabi ko naman nagkakatotoo diba?nagkamali ba ko ng sinasabi sainyo huh?" Sagot ni Axel na ngayon ay nakatingin na sa amin.
" oo lahat ng sinasabi mo nagkakatotoo kaya kung pwede lang wag ka ng magsalita huh? " sagot ni Eesha sabay irap kay Axel.
" ibig lang sabihin non makinig kayo sakin kapag pinagsasabihan ko kayo hindi naman para sakin yan e para naman din sainyo diba? diba? " pagdidiin nito sabay tingin sakin.
Tinaasan ko naman ito ng kilay...
Hays sumasakit na nga ang ulo ko sa sobrang init dito sumasabay pa talaga itong dalawang ito.
Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na nagvivibrate ang cellphone ko,kinuha ko ito agad sa bulsa ng pants ko. Binuksan ko ito at nakita na may text si Gav.
Gav:
Maureen!! sorry di nako nakabalik si Dad kasi may importanteng ginagawa sorry :< bawi nalang ako bukas treat kita mall tayo :> !
Kaya pala hindi na bumalik inutusan pala ni Sir.
Nireplyan ko nalang ito ng " ok " sabay na ibinalik na ito sa bag ko.
Magkakalahating oras na din kami ni Gav dito sa Mall. Puro kami tingin sa mga shops dito sa Mall. May mga nabili na nga si Gav pero ako ni isa Ay wala padin di ko alam pero wala ako sa mood ngayon.
" saan mo gusto kumain? " tanong nito.
" ikaw bahala, ikaw naman manglilibre e " sagot ko.
Hindi pa naman ganoon ka kapal ang mukha ko para mamili no medyo palang naman HAHHAHAHAH
" sige sige ako bahala " sagot nito.
Habang naglalakad kami kung saan para maghanap ng makakain Ay bigla nalang naging ang cellphone niya.
Actually kanina pa talaga nagriring ang cellphone niya kanina pa ito nakakatanggap ng text at tawag pero imbis sagutin ito ay tinitingnan niya lang ito at hindi sinasagot.
" lagi nalang akong sinusundan nakakainis tsk , ang kulit " inis nitong bulong habang napatingin sa cellphone niya.
Halatang inis na inis na siya sa kung sino nang kumocontact sakanya dahil sa itsura niya ngayon.
Siguro si Sir Aldrin itong kanina pang nangungulit sakanya.
" ano yon? " tanong ko sakanya.
Napatingin naman ito sakin sabay na napangiti.
" ahh wala , makulit kasi si Dad hays " sagot nito sabay seryosong bumalik ang tingin sa cellphone niya.
" Tara na " yaya nito sabay na naglakad kami uli pero nakakailang hakbang palang kami ay bigla ruling nagring ang cellphone nito.
" tsk " inis nitong saad.
" sagutin mo na " saad ko.
" ok just a minute " saad nito sabay na lumayo sakin.
" ahmm Maureen, I'm sorry I need to go may importante kasing pinapagawa si Dad and kailangang ngayon na daw " malungkot nitong saad.
Napahinto naman ako pero pilit nalang na ngumiti.
" ok lang, importante naman diba? " saad ko.Tumango naman ito.
" here kain ka nalang kung saan mo gusto ha basta babawi ako uli next time I'm sorry talaga " saad nito sabay na abot ng pera saakin.
" ha? Wag na may pera naman ako eh " sagot ko sabay na inabot ito pabalil sakanya pero hindi niya tinanggap.
" no sige na treat ko nga yan diba kaso hindi na kita masasamahan sorry talaga I really need to go bye, ingat sa pag-uwi " huling saad nito bago tumakbo papalayo saakin.
" sabi mo babawi ka? " malungkot kong saad sa sarili habang pinapanooran itong papalayo.
Ilang buwan nadin at nagbago ang lahat kung noon ay naiinis ako sa pang-gugulo ni Gav ngayon ay naiinis nako sa tuwing wala ito.
Palibhasa nasasanay nako na palagi siyang nasa paligid at gumagawa ng kabobohan hays...
Maya-maya pa'y nagvibrate nanaman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito agad at sinagot agad ang tumatawag.
Si Selina...
" Hello Selina? "
" kyrraaaa are you busy? " bungad nito.
" ahmm hindi naman bakit? " nakakunot noo kong tanong.
Nandito kami ngayon sa Garden ng bahay ni Selina dahil nagpapatulong ito na magdesign sa buong Garden nila nalaman kasi nito na i have talents in designing.
Dahil sa wala naman nadin akong gagawin at para mawala ang tampo ko kahit papano ay pumunta nalang ako dito kila Selina para tulungan ito.
Isusurprise daw kasi niya ang Fiance niya kasi nga Anniversary daw nila isang sanaol nanaman ako diba? HAHHAHAHAHAHA
Sanaol nakakaranas ng Anniversary
Sinetup namin ang table sa gitna ng Garden at may dalawang upuan na magkaharap. Ang theme naman na nilagay namin sa buong paligid , sa table at sa upuan ay color red nilagyan din namin ng mga lights ang buong paligid.
" yan ganda diba? " masaya Kong sagot habang tinitingnan ang kabuuan ng set-up namin. Katabi ko naman si Selina na kanina pisil na pisil sa braso ko.
" ang galing mo kyy! It really looks so romantic ! Thankyou so much! " sagot nito sabay na yakap saakin.
" welcome " sagot ko naman sabay na niyakap ito pabalik.
Selina is so sweet girl kaya naman naging malapit din ang loob ko sakanya agad she's so nice. She's wearing a red cocktail right now that makes her more attractive.
" Ma'am Selinaaa! Malapit na daw po si Sir " tawag ng isa nilang katulong.
" omayghad! We need to settle everyone! Let's go! Alam niyo na kung anong gagawin niyo ha! " masaya ng saad ni Selina.
It really looks like this night is so special for her I hope that everything will be fine.
I wish all the happiness for her...
BINABASA MO ANG
Love,Autumn [ EDITING ]
Teen FictionKyrra Maureen Mallari a girl who received Letters for years from someone she didn't know who it really was. She is the type of woman who is not interested in things about love because of her past but then when she turned College she met a guy who s...