CHAPTER 1

5 1 0
                                    

December 24, 2014, Noche Buena

Nandito ako sa gilid ng wishing fountain sa plaza at nakaupo habang hinihintay si Caleb na boyfriend ko. Halos isang oras na rin akong naghihintay ng mga oras na 'yon pero balewala lang iyon dahil excited pa ako na iabot ang Christmas gift ko para sa kanya. Bukod doon, marami ring pamilya ang naroon sa plaza para mamasyal at salubungin ang pasko, kaya nalilibang din ako kahit papaano. Dahil sa atmosphere at mga makukulay na Christmas lights, naisipan kong magselfie habang nasa likod ko ang wishing fountain. Sayang lang dahil ang tagal ni Caleb dumating para may selfie kami ngayong pasko. Bigla akong napahinto ako nang may marinig akong pamilyar na boses malapit sa akin.



"I don't wanna beat around the bush." lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Caleb na nakaupo na sa tabi ko at diretsong nakatingin sa akin.

"Merry Christmas!" tugon ko saka ako umayos ng upo paharap sa kanya. Niyakap ko rin siya pero hindi naman niya iyon sinuklian. "Here's my Christmas gift for you." masaya kong bati sa kanya saka humalik sa kaliwang pisngi niya.

He did not even smile nor kiss me back. From there, I knew something was off but still, I held his hands. "Y-you were saying something a while ago, right? Ano nga ulit iyon?" I barely heard what he said but I still awkwardly smiled at him to turn the bad air away, or that was what I thought.

Huminga siya nang malalim.

"Let's call this quits." I was expecting it to happen but not this too early. Malakas ang tugtog ng Christmas Carols sa plaza pero rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng puso ko dahil sa mas malinaw na pagkakasabi niya niyon. Sa mga sandaling iyon, isa lang ang naisip ko.

"It was Kylie." dahan dahan akong bumitaw sa mga kamay niya, na sa unang pagkakataon ay hindi na niya binawi pa. Tumitig din ako nang diretso sa kanya at masakit makita na hindi na iyon ang mga mata na maamo at malambing ang tingin sa akin sa loob ng anim na taon.

"I'm sorry." This time, umiwas na siya nang tingin at tumingin na lang sa paligid namin.

"So my instincts were right all along." seryoso kong tugon sa kanya saka hinawi ang mahaba kong buhok. Sa totoo lang, nahihirapan ako na pigilan ang pagpatak ng mga luha ko dahil ayokong malaman niya na nasasaktan ako. Alam kong malapit nang mangyari iyon kaya tumayo na ako sa harap niya. Tumingala siya sa akin nang may pagtataka.

Ibinagsak ko sa ibabaw ng hita niya ang dala kong regalo saka naghalungkat sa magkabilang bulsa ng palda ko. Nang makakuha ako ng piso doon ay itinatapat ko iyon sa mukha niya. He didn't even flinch a bit but still dared to look me in the eyes but with confusion.

"This is my last coin," with trembling voice and body, I threw the one peso coin on the wishing fountain.

"And I wish that this will also be the last time that we see each other." I sighed. "Fine, we're quits."

Matapos kong sabihin iyon ay agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Kasabay noon ay ang mabilis na pagpatak ng mga luha ko na kanina pa nag-aadyang lumabas. Wala akong pakialam nang mga oras na iyon kahit pa umiiyak at humahagulhol ako sa kalagitnaan ng masasayang tugtog na pampasko at sa mga taong masasayang nagsecelebrate ng pasko.

Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa sentro ng plaza kung saan magaganap ang fireworks display para sa pagsalubong ng pasko. Nagsimula rin ito pagdating ko. Makukulay ito at may iba't-ibang hugis, may spiral, bilog, maging puso na siyang pinaka highlight ng show na iyon. Muli akong humikbi nang makita ko ang mga heart fireworks na iyon, naalala ko kasi noong Student Night namin last year, si Caleb at ako ang tinanghal na Couple of the night at bilang pag recognize, sandamakmak na heart fireworks ang inihanda ng student council.



          

Ramdam kong nakatingin na sa akin ang ilang tao sa paligid ko, kaya tumingin ako sa paligid ko para kumpirmahin iyon. Tama nga ako. At mas lalo akong humagulhol nang makakita ako ng ilang magjowa na sweet at nagyayakapan sa ilalim ng fireworks. Ugh! What a good Christmas night to be heartbroken.

Bago ko pa sirain ang pasko ng mga tao dito ay naglakad na ako pabalik sa flowershop namin. Ilang metro lang naman ang layo noon sa plaza kaya hindi ako mag aalala na gabihin sa daan. Patuloy pa rin ako sa paghagulhol nang sabayan ako maglakad ng isang babae. Diretso ang tingin niya sa nilalakaran namin habang hawak niya ang kanyang panyo na alok-alok niya sa akin.

"Good thing I brought two handkerchiefs." this time, nakatingin na siya sa akin at nakangiti. Tinanggap ko iyon at ngumiti rin sa kanya. "Let's sit there?"

Umupo kami sa waiting table sa labas ng isang coffee shop. Nag-insist iyong babae na siya na ang magbabayad ng inorder namin na coffee, na nahihiya ko namang sinang-ayunan. Hindi ko rin akalain na mapapadpad ako rito, umiinom ng kape ngayong pasko kasama ang babaeng hindi ko naman kilala.

"Thank you pala sa panyo, ha?" I started then sniffed on her handkerchief. "Lalabahan ko na lang."

Natawa siya sa sinabi ko. "As you should." sumipsip siya sa Frappuccino niya bago ulit nagsalita. "I still have a lot of girls who need that."

Binitawan ko ang panyo niya at nandidiring tumingin sa kanya. "Y-you mean, hindi lang ikaw at ako ang gumamit nito?" If that so, eew! I'm not in for a virus.

"Joke lang!" sabi niya saka tumawa nang malakas at muntik pa nga siya mabulunan sa iniinom niya. "I just diverted your attention para tumigil ka na sa pag-iyak."

I sighed in relief. Sobrang sensitive pa naman ako pagdating sa hygiene dahil bukod sa kailangan na malinis ako tignan every pageant, matindi rin kasi ang allergy ko sa usok at alikabok.

"Then look whose tears are now running down?" I smirked at her then took a sip of my coffee. Guess this will be a sad and tearful Christmas for us.

"Curse those boys! All they do is make us cry." gigil na sabi niya saka ibinagsak sa mesa ang inumin niya. Walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha pero nakangiti pa rin siya, siguro to ease the pain. Nakarelate ako sa kanya.



"So I guess we're singles on Christmas?" tanong ko sa kanya na ikinailing-iling ng mga ulo namin pareho.

"Cheers!"

Nakakatawa lang na umaakting kaming parang mga lasing sabay bagsak ng mga inumin namin sa mesa. Tingin ko dapat nasa bar kami ngayon at hindi dito. Who would have thought na makakatagpo rin ako ng kapwa ko sawi ngayong pasko?



... and who would have thought that this out-of-the-blue friendship would turn into something else?

---

2018 - Present day

"Nadine! Nandito na manliligaw mo!" sigaw ni Tita Kris nang makita niya akong bumaba sa kotse habang nagdidilig siya ng mga halaman niya sa garden. Bukas ang gate nila kaya pumasok ako para bumati at humalik sa pisngi ni Tita Kris.

Napangiti ako nang maalala ko ang sinigaw ni Tita Kris. Manliligaw. Manliligaw. I liked how she was open in this kind of relationship. After four years of friendship, nagkalakas din ako ng loob na umamin kay Nadine na mahal ko siya. Nadine, the girl I met unexpectedly when my ex-boyfriend broke up with me.

"Yes, I'll go out in a minute!" sigaw ni Nadine saka namin narinig ni Tita Kris ang nagbagsakang cosmetics niya sa sahig. We even laughed when we heard that one of it broke into pieces.

"Hay naku, Bliss. Ano bang nagustuhan mo sa babaeng 'yan?" sabi ni Tita saka umiling-iling.

"I heard you mom, just so you know!" sigaw ulit ni Nadine saka tuluyan nang lumabas ng bahay nila bitbit ang laptop bag sa kaliwang balikat niya at hand bag naman sa kanan. Sinalubong ko siya at binitbit ang laptop bag sa balikat ko.

"Whatever, by the way, winalisan mo yung nabasag doon?"

Umiling si Nadine bilang sagot at bigla naman siyang tinutukan ni Tita Kris ng hose na hawak niya. Nabasa siya ng kaunti kaya nagmadali na kaming pumasok sa kotse ko.

Tawa kami nang tawa ni Nadine sa loob ng kotse dahil sa hitsura ni Tita Kris kapag nagagalit. At mas lalo akong natatawa dahil sa katigasan ng ulo ni Nadine sa mga magulang niya. 25 years old na at lahat pero napaka carefree pa rin niya.

"Anong oras out mo mamaya?" tanong niya habang naglalagay ng lipstick.

"Not sure, malaking client handle namin ngayon e. Why?"

"Samahan mo 'ko sa mall mamaya, nabasag yung liquid foundation ko e." naiinis nitong sagot saka naghalungkat muli sa cosmetic pouch niya.

Habang nakared light, kinuha ko ang handbag ko sa passenger seat at inabot sa kanya ang cosmetic pouch ko. Kahkt naman babae na ang gusto ko ngayon, I still do girl things and even the outfits, kaya minsan naghihiraman lang kami ni Nadine ng mga gamit. Green na ulit ang ilaw kaya nagsimula na akong magdrive." I have one there, 'yan na lang gamitin mo."

"' Wag na, magkaiba tayo ng gamit na brand e." reklamo niya nang mabasa niya ang brand ng liquid foundation ko. "Wala akong tiwala sa gamit mo."

"Excuse me?! My brand cost more than what you're using!" My god, I was distracted by this b*tch. How dare she mocked my favorite brand?! "I even brought it from its main store in US."

"It's not the price, okay? It's the quality." sagot pa niya kaya hinablot ko na ang pouch ko habang patuloy pa rin sa pagdrive. I can't believe we're fighting over this liquid foundation! Nakalimutan ko pa na nililigawan ko siya, baka minus points na ako sa kanya.

"Fine, fine. Gusto lang kita asarin." childish na sabi niya saka ako kiniliti sa tagiliran ko.

Nililigawan ko si Nadine and yes, I'm a bisexual, ever since that Caleb jerk broke up with me for Kylie. Basta nagising na lang ako one day na attracted na rin ako sa mga babae, though I've had some flings with men, pero mas lamang ngayon ang attraction ko sa babae, lalo na noong mas nakilala ko pa si Nadine after that drama in the coffee shop, 4 years ago. Best friend pa rin naman kami pero we both know na gusto namin ang isa't isa. No strings attached muna kumbaga since hindi pa siya tanggap ng family ko. And I want to prove na mas okay at faithful magmahal ang mga tulad ko, hindi tulad ng mga lalaki na good for nothing at at puro cheat lang ang alam.

"Ingat. I'll see you in the mall later."

Pagkababa ni Nadine sa tapat ng corporate building nila ay nagdrive na rin ako papunta sa office. Tumawag pa nga ang manager ko dahil in a few minutes lang daw ay magsisimula na ang meeting namin at malelate na ako. Bigatin pa naman ang bagong client namin at kailangan na pagtuunan namin iyon ng pansin.

Ilang sandali lang, nakarating din ako sa parking lot ng office at nabadtrip ako nang makita kong may nakapark na ranger sa designated parking lot ko. Bumaba ako mula sa kotse at nagtanong kay kuya guard kung kanino iyon. Hindi niya ako sinagot at sa halip, tinuro niya ang parking space sa pinakadulong parte nitong building.

Naiinis man ako dahil sa ranger na iyon ay nagpark na lang ako sa tinuro ni kuya at naglakad ng ilang metro pabalim sa main entrance nitong building namin. Nakaheels pa man din ako ngayon. Pagpasok ko sa loob ng conference room ay agad akong hinila ng manager namin at ipinakilala sa bagong hire na Senior Auditor ng Audit team namin. My mouth hung open nang lumapit ito sa amin at alukin ako ng handshake.



"Ms. Mendez, meet our new team mate, Mr. Caleb Uy."

The Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon