CHAPTER ELEVEN : WON'T GIVE UP

15 2 0
                                    

CASSANDRA

"Kyle!" madaling araw ngayon at maabutan ko si Kyle papasok ng school.

"What do you want?" tanong nya

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

"I just want you to know...that I will never give up on you. Kahit ilang beses mo akong itaboy I will keep on insisting...hanggang ikaw ang mahal ko." I smiled, he looked shocked but before he could even say something, agad na akong tumakbo papasok sa school.

**Flashback**

"Bakit ang lungkot ng mukha mo dyan ija?" si manang

"Wala ho manang. Hindi pa ba umuuwi si kuya?" tanong ko

"Alam mo naman ang pinaggagagawa ng kapatid mong iyon."

"Ija, matagal na tayong magkasama sa iisang bahay---ako na ang nag-alaga sayo mula pagkabata. Alam kong may problema ka."

"Na-inlove ka na ba manang?" tanong ko

"Syempre naman ija, kaya lang hindi nagtapos ng maganda e." natatawa niyang sabi

"Ano pong nangyari?" ako

"Hindi ko sya nagawang ipaglaban. Hindi namin naipaglaban ang isa't-isa." si manang

"Paano ka ba lalaban kung suko na ang isa..." ako

"Hindi ka pa naman suko hindi ba?" tanong sa akin ni manang

"Gustuhin ko man manang pero tutol naman ang puso ko."

"Alam mo Cassandra, hanggang may natitirang pagmamahal...may pag-asa pero walang mangyayari kung walang magpipilit lumaban."

"Hayy dalaga na talaga ang anak-anakan ko pumapag-ibig na. Hanggang alam mo sa sarili mo na mahal niyo ang isa't-isa, lumaban ka! Huwag mong gayahin ang pagkakamali ko noon, masakit at mahirap mabuhay kapag nagsisisi." si manang

**End of flashback**

I don't want to have regrets, I don't want us to be apart. I want to bring back the old days, I want to be with him once more.

ZHYRON

I was walking silently, hands in my pocket. Lumulutang ang isip ko sa outer space hanggang sa makita ko ang the love of my life.

Nakangiti siya habang naglalakad. Dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyon nya at hinarang siya.

"Hi mais-sis ko!!!" I greeted her

"Butiking pangit na nahulog sa dingding!" nawalan siya ng balanse at bumagsak.

"WHAHAHAHAHAHA." ako

Tinulungan ko siyang tumayo.

"Ang galing tawa muna bago tulong. Bakit ka ba nanggugulat ha?!" sigaw nya

"E bakit ka nakangiti. Iniisip mo ko nuh?"

"Asa ka."

Ouch

"Ahh awts." humawak ako sa puso at kunwari ay matutumba.

Umiling-iling lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Cassie!" tinawag sya ni Alisson

"Bakit close na agad kayo? Hindi ka naman ganyan sa amin Alisson! Tapos si Cassandra kakakilala mo lang niyayakap mo na, mas nauna mo pa sya mayakap kesa sakin. Sabagay magaan din ang loob ko sa mais-sis ko unang araw palang"

"Corny mo gago." si Alisson

"Romantic ang tawag dun hindi corny!" depensa ko

"Whatever!" si Alisson

"You! Vivienne!" lumapit sa amin ang isang babae na kulay pula ang buhok

"What did I told you?"

"Alisson I can't! I will fail my subjects!"

Kinuha ni Alisson ang cellphone niya sa bulsa at may kinalikot na kung ano. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone nung isang babae. Binasa niya iyon at may namuong luha sa mga mata nya. What did Alisson do?

"A-Alisson! Please no...I beg you." the girl pleaded

"We had a deal. You didn't follow my order so you will suffer now. I told you you'll be dead."

"Alisson can't you just let this pass?" si Cassandra

"I can but I won't. I am Alisson Denquinn after all, I have no mercy."

"Alisson please! I won't do it again! Please delete it..."
yung isang babae.

Kitten

Hindi ko alam kung bakit isang maamong feline ang code name ni Alisson gayong para siyang isang mabangis na hayop. Walang awa at walang nakakapigil.

"Parang awa mo na Alisson!"

Nilagpasan na siya ni Alisson at kapit ni Alisson ang kamay ni Cassandra kaya sabay silang maglakad.

Inagaw ko ang phone nung babae.

Alisson wrote an article online regarding this girl's dad which happened to be a drug lord. May mga photographic evidence din sa article. At sa ngayon ay umabot na sa 25,000 veiws ang article and its only been minutes.

Halatang pinaghandaan ni Alisson ito.
Halos alam niya ang sikreto ng lahat at kung hindi niya alam ay inaalam nya. Kaya marami ang takot sa kanya. Baka nga may info sya about me, or Gray or even Cassandra.

That girl is really something else. Pati ako ay natatakot sa kanya at sa kung anong kaya niyang gawin.

CLARITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon