Chase POV
Nakatitig lang ako sa babaeng nakahiga ngayon sa hospital bed. Maputla ito at halatang nanghihina. Nalaman ko din na stress at over fatigue kung bakit siya nandito ngayon. At alam kong dahil sa akin kung bakit narito siya.
Nagi-guilty ako dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Kung bakit may dalawang babae ang nasasaktan ng dahil sa akin. Dahil gago ako.
Nangako ako kay Katherine na aayusin ko ang lahat, na makikipaghiwalay na ako kay Isa at sasabihin ko na, na si Katherine ang mahal ko. Pero umurong lahat ng gusto kong sabihin ng makita ko siya. Nawala ang plano kong ipagtapat ang lahat. Paano ko sasabihin sa kanya kung nakaratay siya sa ospital ng dahil sa akin?
Wala na ang ngiti sa kanyang mga labi. Wala na din ang kumikinang at nangungusap niyang mata. Puro kalungkutan ang makikita mo sa buong mukha niya at nasasaktan ako dahil alam kong ako ang may kasalanan.
Pero anong magagawa ko? Iba ang epekto ni Katherine sa sistema ko. Para siyang droga na mahirap iwasan. Kapag hindi ko siya nakikita ay para na akong nababaliw. Minahal ko si Isa noon pero iba ang pagmamahal ko kay Katherine ngayon, dahil mas malalim ito kumpara noon. Kumpara sa pagmamahal ko kay Isa noon.
Hindi ako naging ganito noon kay Isa. Alam kong minahal ko si Isa at saksi ang diyos doon pero iba ang kay Katherine.
Mahal na mahal ko siya, yong tipong gusto ko na agad siyang pakasalan at makasama habang buhay. Yong tipong takot ako pumikit dahil baka pagmulat ko ay wala na siya sa tabi.
Pero paano? Bakit ba napaka hirap magmahal. Hindi ba pwedeng madali lang ang lahat. Bakit kailangan namin masaktan para lang maging masaya.
Kung mananatili ako sa tabi ni Isa parepareho kaming masasaktan, hindi lang ako pati sila, lalong lalo na si Isa, dahil siya ang mas apektado sa lahat.
Pero kung iiwan ko siya para kay Katherine magiging masaya kami ni Katherine, malaya kong maipapakita sa kanya na mahal ko siya. Ngunit anong kapalit? Ang magiging miserable si Isa. Ang tanong, kaya ko ba na maging masaya gayong alam kong may isang tao na nagdurusa.
Timingin ako sa kanya at hilam ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Yumuko ako, dahil hindi ko na makayanan ang makita siyang ganyan.
Sapat bang manatili ako sa tabi niya gayong alam kong awa na lamang ang nararamdaman ko sa kanya.
Simula ng aksidenteng makita ko si Katherine sa mall ay hindi ko na siya tinigilan pa. Kaya halos nawalan ako ng panahon kay Isa noon. Dahil parati akong nakabuntot sa kanya kahit ipinagtatabuyan niya ako.
Lalo akong nakokonsensiya ng may mangyari sa amin ni Katherine bago ang kasal ni joy. Pinuntahan ko siya noon sa bar kasama ang mga kaibigan niya.
Flashback
Nasa opisina ako ngayon at nagpapakalunod sa trabaho. Nang tingnan ko ang orasan ay alas otso na ng gabi. Pero wala akong planong umuwi. Dahil kapag nasa bahay ako ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.
Habang busy ako sa mga papeles na nasa ibabaw ng aking mesa ay biglang tumunog ang notification ko. Kinuha ko ang telepono ko at nagulat ako ng buksan ko iyon.
Larawan ni Katherine na nasa isang bar, umiinom may nakaakbay na lalaki at napaka daring ng suot. Kabaligtaran ni Isa si Katherine akala ko noong una nachachallenge lang ako sa kanya pero hindi.
Nagtagis ang bagang ko. Kinuha ko ang coat ko na nakasabit sa upuan at kinuha ang susi ng sasakyan.
Bumaba ako ng parking lot at sumakay sa kotse. Pinaandar ko ito at pumunta sa bar kung nasaan si Katherine.
Nang makarating ako ay agad akong pumasok. Iginala ko ang aking paningin upang hanapin ang pakay ko.
Natagpuan ko siyang halos nakayakap na sa lalaking katabi niya. Lalong nagpuyos ako sa galit dahil sa matinding selos.
Lumapit ako sa kanya at hinila siya palayo sa lalaking kayakap niya. Tipsy na din siya at medyo mapungay na ang mga mata niya.
Nagulat pa siya sa ginawa ko at nang makita niya ako ay binawi niya ang kanyang braso na hawak ko.
"Let's go!" Galit kong sigaw sa kanya na pilit siyang hinahawakan.
"Ano ba Chase? Leave me alone!" Ganting sigaw niya sa akin. Wala naman nakikialam sa amin.
"At ano magpapakalasing ka kasama ng isang lalaki na ngayon mo lang nakilala?"
"Ano bang pakialam mo? Sino ka ba sa buhay ko? Wala kang karapatan panghimasukan ang buhay ko!"
"Goddamn it Katherine! Kung wala akong pakialam sayo wala ako ngayon dito." Nilapitan ko siya at niyakap. "Ikaw ang mahal ko at alam kong nahihirapan ka na rin dahil sa sitwasyon natin."
"Mali ito! Dahil may nasasaktan na ibang tao. Mali ang mahalin kita pero ang sakit na dahil kahit gusto kong angkinin ka ay hindi pwede dahil in the first place ay hindi ka akin. Kaya ang sakit Chase, ang sakit sakit!"
Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit dahil umiiyak na siya. At nasasaktan ako dahil nasaskatan ko siya katulad ni Isa.
"Let's go love! You need to rest." Bulong ko sa kanya at binuhat ko na siya ng bridal style.
Lumabas na kami ng bar at sumakay sa kotse. Dinala ko siya sa condo niya, dahil hindi ko siya pwedeng dalahin sa condo ko dahil ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ni Isa kung sakaling makita niya si Katherine doon.
Pumasok kami sa condo niya at inihiga siya sa kama. Tatayo na sana ako ng hatakin ako payakap ni Katherine.
"Hey! Magpahinga ka na." Sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"Make love with me." Bulong niya sa akin at nagulat ako.
"No! Lasing ka!" Sabi ko sa kanya dahil ayaw kong itake advantage ang sitwasyon niya. Alam kong lasing siya at wala siya sa tamang katinuan.
"Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Please love! I want you!" Sabi niya ulit at umiling ako. "Please sabi mo mahal mo ako at alam mong mahal din kita."
Lalayo na sana ako sa kanya ng bigla niya akong kinabig palapit sa kanya at hinalikan. Napadagan ako sa kanya at lumalim ang aming halik.
Nawala na rin ako sa katinuan ko dahil hindi na ako nakapag isip pa. Natangay na ako ng pagnanasang nararamdaman.
Hanggang buong magdamag naming inangkin ang isat isa. Ipinadama namin ang pagmamahal ng gabing iyon. Masaya pa ako dahil ako ang nakauna sa kanya.
End of flashback
Gumalaw si Isa at umungol ng bahagya kaya napatingin ako sa kanya. Alam kong malaki ang kasalanan ko dahil nasa relasyon pa rin ako. I cheated on her, at hindi ko ma justify ang action ko na iyon dahil aminado ako don.
Simula ng may mangyari sa amin ni Katherine ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong may obligasyon ako sa kanya dahil ako ang nakauna sa kanya. Kinuha ko ang importanteng bagay sa kanya.
Kaya lagi akong nakabuntot sa kanya at tuluyan ng nawalan ng oras kay Isa. Nang magusap kami ni Katherine ay buo na ang pasya kong makikipag hiwalay kay Isa pero paano? Paano ko sasabihin ng hindi siya masasaktan? Dahil kahit balibaliktarin ko ang sitwasyon ay masasaktan pa rin siya.
At wala akong magawa dahil hindi ko matutupad ang ipinangako ko kay Katherine.
Sana ganon lang kadali ang magpasya. Sana matapos na ang lahat ng walang nasasaktan. Pero hindi iyon ang katotohanan dahil mayroon talagang masasaktan kahit ayaw ko man.
BINABASA MO ANG
Letting Go (Duology Series 1)
General Fiction(Completed) Steve Maraboli said that LETTING GO means to come to the realization that some people are a part of your history, but not a part of your destiny. For me love is one of the best feelings a person can have. when you love, you must have to...