Chapter 4

2 0 0
                                    

" Gab... "

Nang lumingon ako nakita ng mga mata ko si Vincenn kasama sina Jessica at Amore. Kasama ang isa pang lalaki.

Tumakbo papunta sa akin si Vincenn at niyakap ako. Saktong pagyakap niya sakin ay ang pagtulo nang luha ko. Itinago ko nalang ang mukha ko sa balikat niya.

"Hindi pa s'ya nakakaiyak simula nang mamatay ang Lolo niya." narinig kong sabi ni Mommy.

Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Vincenn.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? " tanong niya. Hindi naman ako nakasagot. Unti unting nawawala ang akin lakas.

Kung hindi lang siguro ako hawak ni Vincenn ay napaupo na ako.

"H-hindi ko tanggap.." garalgal na sabi ko sa gitna nang pag-iyak.

"Siguro hanggang doon na lang talaga ang buhay niya, Gabby. "

"H-hindi ko kayang t-tanggapin, eh." sabi ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.

"Iyak ka lang, andito lang ako." bulong niya sa tenga ko.

Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakaganoon sa kanya. Unti unti akong kumalma. Kaya namn umayos na ako ng tayo at kumawala sa yakap niya.

Ngumiti ako sa kanya bago ako humarap kay lolo. Nakita ko naman silang umupo sa tabi nila Mommy.

"Lolo, ito na ang huli nating pagkikita" malungkot kong sabi. Huminga muna ako nang malalim bago ng patuloy. " L-lo, sana masaya kana d'yan. Salamat sa lahat kahit subrang sakit na mawala sa buhay namin... Miss na miss na kita. Sorry kung hindi ko ako lumalapit sayo nitong nakaraan. Hindi ko talaga kaya,ih. Pero kakayanin ko dahil alam kong nasa tamang lugar kana. Bantayan mo kami dito,ah. P-paalam" sabi ko at napaupo dahil na ubus na naman ang lakas ko.

Nakaluhod ako sa tapat ng coffin  ni Lolo habang umiiyak. Naramdaman ko nalang na may naghahaplos ng likod ko. Pero hindi iyon ang nakapag patigil nang luha ko, kundi iyon pa ang nakapag paagos ng mga luha galing sa mga mata ko.

Pagtingala ko sa coffin ni Lolo ay unti unti na nila iyong inaangat upang ilipat sa kanyang mismo na paglilibingan.

Doon na halos hindi ko kayanin. Parang nagbara ang ang dibdib upang mahirapang huminga. Naninikip ang aking dibdib ngunit wala naman akong sakit. Napansin iyon ng aking katabi na kanina pa hinahagod ang aking likodan. Kaya naman bigla nalang nya akong binuht at ganun nalang ang gulat ko dahil akala ko ay si Dad ngunit iyon pala ay si Vincenn.

" 'yong kotse bilis!, nahihirapan syang huminga." 

Unti unti nang nanlalabo ang aking paningin kaya napa-kapit ako ng mahigpit sa braso ni Vincenn. At nang dumilim ang aking paningin ay ipinikit ko na ang aking mga mata at unti unti nading lumuluwag ang aking kapit hanggang sa bumagsak ito. At nawalan na ako ng malay.

.
.
.

Nang magising ako ay iminulat ko agad ang mata ko.

Bigla namang lumapit sakin si Mommy.

" Are you okay?  May nararamdaman kaba?  May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ni Mom.

" I'm not okay... I fell pain... " sagot ko nakita ko agad ang gulat na dumaan sa face ni mom, na napalitan ng lungkot. "... I'm in pain Mom. "

Itinakip ko ang braso ko sa aking mata ng maramdaman ko ang mga nanginglid kong luha.

"Pain.. " natatawang sabi ko habang lumuluha.  " Pain... That word can't  explain,what I'm feeling today. "

Umiyak ako ng umiiyak hanggang sa wala nang luha. At nakatulog din naman nang magising ako ay pagabi na.

"Dad? " tawag ko.

"Yes princes?" tanpng nya.

"Gab anong gusto mong pagkain?" tanong ni Vincenn  na naandon pala kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"  Nothing... " sagot ko sa kanya at tumingin ulit kay Daddy." Uwi na tayo? " sabi ko sa kanya. Dahil wala namng IV fluid  na nakalagay sa kamay ko. Oxygen lang ang nakalagay sakin kanina paggising ko.

" Kaya mo na ba? " Tanong naman ni Amore.

"Yeah... " sagot habang tumatango,bago ako umupo ay iginala ko muna ang tingin ko at doon ako nagulat dahil andito din pala si Rafael.  Napansin namn iyon ni Vincenn  kaya nagsalita sya nago pa ako makapagtanong.

" Kanina pa iyan dito, 'di mo lang nakita dahil umiiyak ka. Actually  kasama ko sya kanina sa libing ni lolo mo" sabi nya.

" S'ya ba 'yon?" takang tanong ko. At tumango naman sila. " Sorry di kita nakilala kanina, 'kala ko kung sino,ih." natatawang sabi ko.

Napatawa namn sila.  Kaya tumayo na ako at inakit sila pauwi Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam akong matutulog muna dahil kanina pa ako inaantok at inaasar na din ako Vincenn na panda dahil subrang laki daw nang aking eyebag.

kinabukasan ng magising ako ay madaling araw siguro dahil nadin aubrang aga ko nakatulog ka gabi.

Naligo at nag bihis ako upang makapasok sa school.

" Dad?? Mom??  I'm going!" sigaw ko habang palabas ng bahay.

" Have a great day baby! " sigaw din ni mommy at nag flying kiss pa.

Dumiretso na ako palabas at sinkyan ang aking kotse.Kahit papaano ay natatanggap ko na ring wala si Lolo. Kaya magsisimula ulit.

" Hey Gabby! " bati ni Vincenn.

" tss...siguradong sira na naman buhay ko. " biro ko sa kanya.

" FYI!, hindi ako ang sisira sa buhay mo... Sa gwapo kong,to." angal nya.  " Mukha ba akong maninira ng buhay?... Hindi naman,ah" bulong bulong niya. Tinawanan ko nalang. " Mukhang ayus na ulit ang baby ah" pangaasar pa niya.

" Fuck you! " sabi kasabay ng pagpapakita ng gitnang daliri.

" Oh, baby that's  bad, you know? "

" Asar pa...mamaya dudugo 'yang ilong mo. " banta ko.

" Bat mag i-English kaba? "

" Di ka titigil?... Sumbong kita sa Amore mo"  sabi ko. Bigla namang nagiba ang itsura nya.  " Anong itsura yan?"

" Wala lang,  nagugutom lang ako. Samahan mo nga ako baby ko. "

" Yuck,kadiri ka,tigilan mo yang kakatawag mo sakin n'yan. " asar na sabi ko.

We went to cafeteria in no time. Pinilit ba naman ako. He ordered for me softdrinks.

"tss... Aga-aga softdrinks? " tanong ko. " Gusto mo bang magkasakit ako? "

"Hindi namn... Hmm.. Pwede rin naman pala!  Why don't we try? " inosenteng tanong nya.

" Eh,  kung ipokpuk ko kaya to sayo? " sabay hamba ko dun sa softdrinks.

" Nag bibiro lang. " sabi nya habang nag lalakad kami papuntang soccer field. " 'lam mo, felling ko may gusto sayo si Ainstan"

" ' lam mo gusto na kitang saksakin. Kung ano ano lumalabas d'yan sa bibig mo. " giit ko.

'yon magkakagusto sakin,ih unang pagkikita nga namin nag away kami, ih.

---

See You Again (on-hold) Where stories live. Discover now