=BAHAY 22=

37 2 0
                                    


Mga ilang araw ko ring sinigurado kung tama ba ang lahat ng inihanda ko. Simula sa spelling hanggang sa flow ng deliveration ay mukhang okay na ang lahat. Masyado kong binabaon ang sarili ko dito. Na talaga namang sinasadya ko. Ayaw ko kasing mag-isip ng kahit anong negatibo sa sagot ni Len-Len.
Nang masagi na naman 'yon sa isip ko, napabuntong-hininga na lang ako. Mabisita na nga lang 'yung fb account ko. Halos ilang araw ko na ring hindi nabubuksan 'yon, eh. Baka may messages na si Kuya para sa 'kin na hindi ko pa nababasa.
Kaso pagkalagay ko ng facebook.com sa search box, naka-log in na agad. Nag-log-in ba 'ko kahapon? Ngayon pa lang ako magbubukas, ah? Ilang saglit lang, may sumulpot na message sa chat box.
'Fluffy pur: Hey baby, san tayo tonight? Don't worry, I'll be nice. I'll let you play with it.'
Napatameme ako.
'What the...'
Kahit isang basahan ko pa lang, naintindihan ko na agad. Wala naman akong in-accept na ganito saka naka-private ang fb ko, ah? After a while, another message poped out from the screen.
'Bubble boop: Hey~ punta ka ba ngayon s fav. spot natin? If yes, I'll wait. I'm soooo craving for you honey~'
Anak ng sampung maligno! Wala akong malay dito! At mayamaya pa ay sunod-sunod na silang nag-message. Nakakasuka lahat ng message nila! May gusto pang maki-video chat! Grabe! I'm starting to shiver in disgust. At sa lahat ng messages, ito ang pinakamatindi;
'Bikini waxer: Awww!~ Yeah baby mooooore!!! Awwww!!! faaaaster Ahhhhwww!!!!! 1000x'
Hindi ko na nakayanan ang mga nababasa ko kaya sinara ko nakaagad ang line! Kahit hindi ko sila gustong mabasa, eh, panay ang litaw nila sa chatboxes, eh. Hindi talaga ako makapaniwala! Facebook ko ba talaga 'tong mine-message nila?!
Pagpindot ko sa profile, nalamukos ko ang palad ng mga kamay ko sa mukha. Sinasabi ko na nga ba, eh. Napasabunot na lang ako sa buhok ko. 'Langya ka talaga, Kuya. Binibinyagan mo nga 'yung unit ko--pati ba naman laptop ko--bina-virus mo! Paano siya naka-on-line dito eh, may password 'tong laptop ko?
At dahil sa hindi na ako nakapagtimpi, pinindot ko 'yung 'write status' box. This has got to stop immediately.
'SORRY GIRLS PERO MAS BET KO TALAGA ANG MGA BOYS! BAKLA AKO! SORRY MGA SISTERS!'
Siguro naman ay titigil na sila niyan. Lalung-lalo na ang casanova kong Kuya. Naka-bold and capslock letters pa 'yan. Intense na 'yan.
Nang buksan ko uli 'yung line makaraan, ayan na. Kung kanina, puro pang-aakit ang messages nila, ngayon puro lait at mura na. Mukhang na bumaliktad ang ihip ng hanggin, ah.
'Bra girl: D.mn you! nakaka-dirdir k! Wg n wg k ng makkipag kita sa akin! Ito ka; ../.. (f.8k u!)'
'Licker: Your ridiculous! Sna pla nagparetoke ka na lng sa Thailand! Murang-mura pa! Curse you!'
Kawawang Er-Er. Naburog ang gender. Pero dito talaga sumakit ang tiyan ko;
'Bikini waxer: Sh*t ka!!! Bkla ka pala?! kpag nkita lang kita I swear! Puputulin ko ng chain saw 'yang T*ng *n*  mo! Hindi ka naman masarap eh, and guess what?! Lasang agnas yang T*ng *n* mo!'
Sobrang sakit talaga ng tiyan ko sa kakatawa. Gumulung-gulong at pinaghahampas-hampas ko na nga 'tong kama na kinahihigaan ko dahil dito.
After this tummy-bursting messages, I logged it out. Ako naman ang nag log-in. And this time, I log-in my official account. Pagkabukas ko ng account ko, may 27 messages ang message box ko.
Kung hindi galing kay Delia ang iba, galing naman sa isang account ni Kuya. Dalawa ang account niya. Ang isa, para sa sa private purposes. Ang isa naman, 'yung kanina na naka-log-in dito sa laptop ko.
Binasa ko muna ang kay Delia. Karamihan, tungkol sa office reports. Nang mabasa ko na ang mga messages ni Delia, binasa ko naman ang kay Kuya. Halos ayos naman ang lahat. At naging kampante ako dahil mukhang ayos naman ang reports niya sa 'kin tungkol kina Len-Len at Ellis.
Kaso medyo nagulat ako sa last message ni Kuya. Para akong hinampas ng malaking kawayan sa dibdib nang mabasa ko ito.
'Kuya baba-Er-o: Ilayo mo na sila Lenany tsaka ung anak niya dito sa lalakeng kinakasama nya. Drug pusher sya bro. Nag-report na ako sa head quarters and maghahanda na kmi ng raid sa baryo nla.'
Medyo nagsimula na akong ma-alarma. Nang tinignan ko kung kailan pa nai-sent 'to, nagsimula na akong mangamba. Since Tuesday pa pala ito. Friday na bukas. Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko at mataimtim na napapikit.

   My Lord, Please. Let them be safe until I head back.

St.Vaskerville Memories: Bahay-bahayan (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon