CHAPTER 3
"DON, pasensya na ngunit maari ko ba sanang kunin ang leave ko ngayon. Parang kailangan ko lang umuwi." nakayukong saad ni Matilda sa harapan nila sabay kagat nito ng labi animo'y nahihirapan siyang sabihin ang mga iyon. Naalarma muli si Tjardo saka mariing ginagap ang palad ng mayordoma.
"Matilda, hindi muna sa ngayon. Gabi na, maari namang bukas."
Biglang tinignan siya nito ng malamlam, tila nakikiusap ito. "Pero Sir, kailangan ko na talagang umuwi. Pangako babalik kaagad ako bukas."
"Matilda, why don't you just stay here for now. Ano ba kasi ang kailangan mo at gustong-gusto mo ng umuwi?" tanong ng papa niya at biglang nahiya muli ito.
"Don, hindi ko po masabi basta po importante. Sige na po, kahit bawasan niyo pa sweldo ko ngayon basta makauwi lang ako." kumbinsi ni Matilda sakanya, talagang atat na atat na talaga itong umuwi.
"Alright, Alright. I'll drive you." pag sang-ayon niya.
Bumadha ang saya sa mukha ni Matilda ng marinig iyon bago niya niyakap ng mahigpit ang binata. Hindi parin siya makapaniwala na pinayagan siyang kunin ang leave niya kahit gabi na, unang pagkakataon niya kasi itong ginawa dahil halos ayaw na ng mga Voltemaz na paalisin siya sa puder nila.
"But don't hesitate to call me if you need something? You should update us." he negotiate as Matilda nodded.
"Fine, follow me and Dad, I want you to take some rest. I'll be back sooner." tapik niya sa kanyang ama bago niya na hinila si Matilda patungong garahe. Tila may kutob parin ang binata sa kondisyon ng mayordoma, lalo na't bigla itong nagpaalam sa kanila na kunin muna ang leave sa gantong oras.
"Matilda, I want you to know that we're here for you okay. You don't have to be selfish with your problem." ani niya at tanging tango lang ang naging sagot nito saka inalalayan niya makaupo na ito sa loob ng sasakyan. Pumasok narin siya at sa ilang sandali ay minaiobra niya na ito papalabas ng garahe.
Nanatiling tahimik ang biyahe, wala paring imik si Matilda animo'y may malalim na iniisip. Nakadungaw lang ito sa bintana ng sasakyan at nakatingin sa kawalan. Kanina pa kasi niya sinusulyapan ang gawi ng mayordoma, gusto niya man pukawin ito ngunit naisip niyang baka mas lalo pa niyang mapasama ang kondisyon nito.
Kaya pinigil niya ang kanyang sarili at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng sasakyan maiuwi niya lang ito ng ligtas.
Ilang minuto ang naging biyahe ng ibinaba niya na ang mayordoma sa maliit na kalye kung saan ito nakatira. Bago siya umalis ay binigyan niya ito ng pera, nagulat naman ito at kaagad na tumanggi na kunin.
"Matilda, just take it. Para sakaling makadagdag kung bibili ka ng gamot." Tjardo insist as he held the money again.
"Naku, Sir. Grabe na po 'yan, parang hindi ko na kayang matanggap iyan. Saka may sapat naman ako ditong pera para bumili ng gamot." ngiting-saad nito sakanya at napatikhim siya.
"Matilda, just take it. Walang mangyayari kung kukunin mo ito."
Nahihiyang inabot nalang ng mayordoma ang pera na ibinigay niya saka yumukod ito. Pansin niyang kakaiba ang mga naging akto ng mayordoma, tila ba may itinatago ito sakanya.
"Maraming Salamat Sir, wag kayong mag-alala tiyak maibabalik ko ito."
Tiim niyang tinignan ang mayordoma saka bumuntong-hininga. "Matilda, hindi ko sinabing ibabalik mo 'yan. Sige na at ng makapagpahinga ka na, wag mong kakalimutan na tawagan ako 'ha."
YOU ARE READING
BASTARD 2: Tjardo Voltemaz - The Deception
RomanceAfter his first breakup, Tjardo Voltemaz never tries to stepped in relationship again. Knowing how hard to restrain the pain that it will left as he experience so much things that still affects his perspective on life. He's known as the heartless ty...