CHAPTER 12

19 1 1
                                    

ESPASOL

DRIX'S POV

Matapos ang nangyaring komosyon sa D.O, hindi na kami tumuloy sa room. Its break time, so dumeretso na kami sa cafeteria.

Ang mga salitang binitiwan ni Hambog kanina ay hindi matanggap ng sistema ko.

'Hah!! Sino sya sa akala niya para sabihan sakin ang mga 'yon?!'

Nasisiguro kong nagbubunyi ang kalooban ng taong 'yon!

'Kaban! Wth?! Kabansutan niya kamo! Bw*sit s'ya!'

Salubong ang kilay ko nang makapasok sa cafeteria. Tulad ng dati.. kaliwa't kanan ang mga tumitili nang makita ang grupo namin. Tsk!

"Waaaaaaahh"

"Hi Drix!"

"Ang gwapo niya no?"

"Tama ka Rose! Parang araw-araw pa-gwapo sila ng pa-gwapo!"

Tumigil ako saka hinarap 'yong mga babaeng nagtitili na malapit sa pwesto ko.

"Pwede ba! Ang iingay niyo! Get out of my sight!" sigaw ko sa kanila. Napapahiyang nagsialisan naman ang mga ito.

"Bakit badmood si DT?"
Tanong pa nung isa habang papalayo.

'Tsk! Nakakarindi!'

Minsan, nakakasawa din na halos minu-minuto e pangalan ko na lang ang maririnig sa bawat sulok ng campus na 'to!

'Iyan naman ang gusto mo di ba? Kaya tiisin mo' kastigo ng sarili kong isip.

"Are you okay?" tanong ni Kevin.

"Do I look like one?!" inis kong sagot sa kanya.

"Hey! Easy pre! I'm just asking." taas kamay niyang sabi saka iiling.

"Badtrip kasi 'yong Hambog na 'yon! Sino ba s'ya sa akala n'ya para pagsabihan ako ng gano'n? Badtrip! Nakakademonyo ng utak!"

"Chill pre! Dahil.. may anghel namang parating para paliwanagin ang mukha mong nagdidilim hehehe!" ngingiting tumataas ang kilay n'yang para ako'y kumalma.

"Pinagsasabi mo--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang masilayan ko si Fhiamah.. nakangiting papalapit sa table namin.

Napakaganda niya talaga. Hehehe! Kahit araw-araw ko yatang titigan ang mukha niya ay hindi ko pagsasawaan.

At kahit pa na ganitong badtrip ako.. sapat na ang mukha niya para mawala ang galit na nararamdaman ko.

Ngiti pa lang.. nakakawala na ng problema.. 'Panu pa kaya kung kami na? Hehehe!!'

Lahat ng inis ko simula nung umaga e nawala simula ng makita ko ang mala-anghel niyang mukha.

"Hi boys!" nakangiting bati ni Fhiamah ng makalapit sa'min.

"H-hi! Ahm.. upo k-ka. Naglunch ka na ba?" nauutal at kinakabahan kong sabi saka ako tumayo at inoffer-an siya ng mauupuan.

"Hello beautiful!" todo ngiting bati ni Kevin ng makaupo si Fhiamah.

'Ang ngiti mo Alejo! Umayos ka!'

"Masyado pang maaga para mambola ka Alejo. Sige ka! Isusumbong kita kay Alex?" tudyo niya.

"Tsh! Buti ka nga't napansin mo.. Samantalang 'yon.. manhid pa ata sa tuod! Asar!"

"Hahaha!! Ligawan mo na kasi."   tuksong suhestyon ko.

Magugustuhan mo rin ang

          

"Assuus!!! Nagsalita ang malakas ang loob!" panunudyo nya..pero para sakin ay katotohanan.

Kahit naman overload ang kagwapuhan ko.. hindi naman maiaalis ang kabang nararamdaman ko.. Tulad na lang ngayon.

"No way. Are you blushing p're?" lumapit si Kevin ng bahagya sa pwesto ko sabay sabi.. "Pre.. Nagba-blush ka! Hahaha!!" tawang tawa pa ang kumag.

Binigyan ko si Kevin ng ngiting nagsasabing 'sasamain ka sakin 'pag hindi ka nanahimik'.

"Shut up kumag" umiinit ang mukha ko sa hiya.. Lalo pa at todo tudyo ang kumag kong kaibigan.

"Hahahahaha!!" tatawa siyang umiling. Walang tagil. Kainis!

"Ayos ka lang ba? Bakit ang pula ng mukha mo?" nangingiting tanong ni Fhiamah.

"A-ah.. Ano kasi.." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko ng mapansin kong kay Steve natuon ang paningin n'ya.

"Bakit ang tahimik mo Steve?" kapag kuway tanong nya kay Steve.. na halatang badtrip pa rin. "Are you okay?"

Hindi siya nagsalita at tanging tungo lang ang kan'yang sinagot kay Fhiamah..

Hanggang ngayon badtrip pa rin siya sa nangyari. Hahayaan ko na lang muna s'ya.. Ayukong madagdagan pa lalo ang inis niya.

"Hindi mo yata kasama ang nga friends mo, angel?" pagbabago ko sa usapan. Dahil kung hindi ko itutuon ay baka maungkat ang nagyari, bukod doo'y kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Hindi! Mali 'tong iniisip ko. Tama! Nagugutom na talaga ako.

"whitwew!!" sipol ni Kevin na nagpabalik sa katinuan ko.

"H-hah!?" naiilang niyang sabi.
"A-ah.. ahm.. Nauna na silang maglunch eh. May tinapos pa kasi ako, that is why I'm here alone."

"Ang sipag mo naman.. Baka pinapagod mo na ang sarili mo niyan angel?"

"H-hindi naman.. Thank you sa p-pag-alala." namumula ang pisngi niyang sabi.

Kinikilig ba sya? Dahil ba sa pagtawag ko ng ANGEL? Bagay talaga tayo. Hehehe!!

Haaaay!!! Lalo siyang gumaganda kapag kinikilig. Hindi na ko makapaghintay na dumating ang oras na maging girlfriend ko siya.

'Pagpaalam nga na maligawan kabado ka pa..Tss!!'

Kinabahan man, mas lamang pa din ang excitement na nararamdaman ko.
I really like her a lot. Everytime I laid my eyes on her, I felt like that's most beautiful eyes I've ever seen.

"What do you want? Ako na ang o-order para sayo." alok kong tanong.

"Sana all 'di ba? Tinatanong.." sabi ni Kevin. "Sakin pre kahit ano.. Basta libre mo"

"Libreng ube galing sa kamao ko.. gusto mo?" pang-aasar ko.

"Ang sama mong kaibigan.. Palibhasa nandiyan lang ang 'angel' mo.. Ginaganyan mo na akong bestfriend mo. Pre! bestfriend mo ako.." nakanguso niyang sabi sabay hawak sa dibdib niya.

Ang arte!

"Ulol ka Alejo! Baka masapak na talaga kita 'pag nag-inarte ka pa diyan."

"I'm hurt p're!" hindi talaga to titigil hangga't 'di nasasapak.

"Stop it DT. Kawawa naman si Kevin oh? What do you want Kevin? Ako na ang bibili?" inosenteng tanong niya.

"Talaga? Ang sweet mo naman.. Pero kasi.. wala pa sa listahan ko ang mamatay ng maaga kaya.. ako na lang ang bibili para sa sarili ko. Hehehe!!"

Her Dark Side Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon