KABANATA 7

504 22 0
                                    

NAGDADALAWANG isip niyang sinubuan ang kamahalaan gamit ang sarili niyang kutsara.Gusto niyang kumain na walang asungot.Gusto niyang kumain na matiwasay ngunit papano?Kumuha siya ng ibang kutsara upang sanang gamitin niya,ngunit hindi niya pa ito nahawakan ay may biglang tumapon nanaman nito.Kahit hindi niya ito tignan ay alam niya ang emperador iyon.Wala siyang magawa kundi ang gamitin ang kutsurang ginamit niya para sa pagsubo ng kamahalan.


Sinusubuan niya minsan ang emperador pagnapansin niyang hindi na ito ngumunguya.Alam niyang maraming mga matang nakatitig sa kanilang dalawa ngunit pinagsawalang bahala niya iyon dahil medyo sanay na siya sa mga matang nanakapokus sa kanya.


Hindi gaano maraming tao sa loob ng bulwagan.Bawat babae ng kamahalan ay maydalang tatatlong katulong,nakatayo't nakahilera lang ito sa gilid.Napatingin siya sa posisyon nila Maricar,na nakatingin din sa kanya.May nasilayan siyang ngiti sa mga labi nito kaya napailing siya....iba yata ang nasa isip ng dalaga.Iniisa-isa niyang tinitigan bawat babaeng nakaupo sa kanyang harap.Lahat ng mga ito ay kumakain pero kitang-kita niya kung paano siya nito masamang nilingon.


Sumubo muna siya bago niya sinubuan ang emperador.Kung sa segundong susubuan niya ang kamahalan ay nagkakatinginan sila kaya siya na mismo ang umiiwas dahil alam niyang hindi iyon unang iiwas.Walang salitang namutawi sa loob,parang dinaanan ito ng anghel sa sobrang tahimik....bawat pagsayad ng kubyertos sa babasaging pinggan lamang ang iyong maririnig.


"General Tanez,has arrived"


Napalingon siya sa ng marinig niya ang sigaw ng mensahero.Agad niyang napansin ang papasok na isang lalaki sa loob.Agad siya napalingon ni Carla na nakalingon din sa bagong dating.Naalala niya na sinabi nitong anak siya ng isang heneral.Agad itong tumigil sa harap ng kamahalan at sa kanya.Bahagya itong yumukod bago niya inangat ang kanyang paningin sa kamahalan.Bahagya pa siyang pinasadahan ng tingin nito.


Maslalong yinapos ng emperador ang kanyang bewang ng mapansin ng binata ang 

mapanuring mata ng heneral"Take away your eyes"

Yumukod muli ito "Patawad sa kapanghasan na ginawa ko,kamahalan.Ang katulad ko ay dapat maputulan ng ulo dahil sa maling ginawa ko"


"What do you want?"tanong ng kamahalan.


"Napag-alaman po namin na unting-unti nawawala ang mga alahas sa buong palasyo.Ngayon ay may limang uri ng bato ang nawawala sa Moon Chamber"


Sinubuan niya muli ang kamahalan bago siya lumamon muli.Nagpatuloy lamang siya sa pagkain kahit kita niya sa gilid ng mata niya ang pagtigil ng mga kasama upang makinig.Nakikinig naman siya pero hindi niya gustong magpahalata.


"Nalaman niyo na ba kung sino ang nagnakaw?"


"Patawad,ngunit hindi pa po Kamahalan.Ang pangunahin nating suspek ngayon ay si Elmer Marasigan"


Agad nagpanteg ang kanyang tenga ng marinig niya ang pangalan ng kanyang Ita'y.Malamig na titig ang kanyang ibinigay sa heneral.


"Nasaan ang taong iyon?"malamig na tanong ng dalaga.Lahat ay nabahala sa pagsingit niya sa usapan ng dalawa.Isa ito sa bawal na patakaran ng palasyo,dahil nagpapakita ito ng pagkawalang respeto.


Nagtataka siya nitong tinignan bago napatingin sa emperador,nang makita niyang walang sasabihin tungkol sa babae ay napabuntong hininga ito bago yumuko muli.


"Ito ay nasa dungeon na"


Marahas siyang napatayo.Umusbong agad ang kanyang galit.Napailing siya,napunta siya sa palasyong ito upang masolusyunan ang problema ng kanyang Itay ngunit napunta siya sa sitwasyong gaya nito.


"Dungeon?"napatiim bagang siya.Gusto niyang magmura ng magmura "May ebidensya naba kayo upang mapagbintangan siyang magnanakaw!"singhal niya.Hindi niya mapigilang magtaas ng boses.Nakakainis!


Napakunot noo siyang tinitigan ng matanda "Base po sa dala niyang bayong ay wala napo kaming ibang ebedinsya na maipapaki___"


"That's bullshit!"she hissed "Wala kayong ibang nakitang ebidensya subalit kung pagbintangan siya___!"


Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla siyang hinila ng kamahalan papaupo sa kanyang kandungan.Malamig niya itong tinitigan ngunit laking gulat ng dalaga ng bigla pinahiran ng binata ang pisngi niya at doon niya lamang napagtantong lumuluha na siya.


"Lahat muna kayo ay lumabas!"utos ng kamahalan habang hindi tinatanggal ang titig niya kay Ada.Yumukod ang lahat bago nila nilisan ang bulwagan.


"Why are you crying?"


Napaiwas siya ng tingin sa biglaang pagtanong ng binata.Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak.Ngunit sa oras na maalala niya ang pagkulong ng kanyang Ita'y ay naalala niya ang nangyari sa kanyang ama sa totoong mundo niya.


Hindi niya nais maging pulis sa totoo lang.Nais niyang maging ehenyero,nais niyang makagawa ng sarili niyang bahay upang sa kanyang mga magulang ngunit dahil sa isang masamang nangyari tungkol sa kanyang ama.Napagbintangan itong magnanakaw....kaya sa nangyari,ay napalitan ang kanyang pangarap kundi ay maging pulis upang mapasawalang sala ang mga inosente ngunit ngayon ay nanangyari nanaman.Kaya gagawin niya ang lahat mapasawalang sala lamang ang kaniyang kinilalang ama.


He held her chin and force her to look at him.He groaned when he saw again her tears.Dahan-dahan niya muling pinahiran ang mga luhang tumatakas sa magaganda nitong mga mata.Hindi wari ng lalaki kung anong gayuma ang inilabas ng babae dahil sa lahat ng mga babaeng napunta sa kanyang braso,kay Ada lamang siyang labis nag-aalala kahit manlamang ay bago niya pa lamang ito nakita.


"Look at me,baby girl"


Agad siyang binalingan ng tingin ng dalaga.Hindi kagaya kanina ay ramadam niyang nasasaktan ito ngunit ngayon ay napalitan ito ng lamig.Hinalikan niya ang labi nito.Marahan ang bawat galaw ang kanyang iginawad.Gusto niyang iparamdam sa pamamagitan ng halik,ay hindi siya nag-iisa.Ngunit napangiti siya nang dahan-dahan itong tumugon sa halik niya.Agad niyang pinalibot ang kanyang braso sa leeg ng binata upang masmapalalim pa ang mga halik nito.Agad hinapit ng binata ang maninipis nitong bewang.He gently stroke the back of the Ada na ikinaigtad nito.Si Ada na mismo ang humiwalay sa pagitan ng kanilang halik at mahinang humikbi sabay napasubsub sa dibdib ng lalaki.


"Gusto kong makita ang aking Itay at gusto ko ako mismo ang mag-embestiga tungkol sa pagnanakaw.Nais kung pumayag ka,para lang sa aking ama"


-YUMEKO

____________

A/N:

SORRY FOR WRONG TYPOS AND GRAMMATICAL ERROR

The Emperor's Possession (On-Hold)Where stories live. Discover now