Kabanata 1

39 7 0
                                    

I look around and all i can say is 'Splendid'. Someday, my life will be settled in that City. Nasa toktok ako ng burol. Nakatanaw sa pinaka magarbong lungsod. Hanggang ngayon napapahanga parin ako kahit sa malayo ko lang ito tinatanaw. Paano na kaya kung nasa lungsod na ako? siguradong naka nganga na ako sa subrang pagkamangha. Isang opurtunidad lamang na pwede kang makapasok sa loob ay ang sumali sa mga pangkat ng mga angkan o lineage. Pwera nalang kung lumaki kang mayaman.

I have this instinct that I can make it. For how many years that I trained myself. I would say 'I'm ready' to footsteps the City of Crystals. As I look up the clouds I realized, soon the daylight shall fades. I get up and slowly turn my back but i immediately gaze the town for the last time and my lips form into smirk before I take my steps.

'Sisiguraduhin kung makapasa ako sa pagsubok. Pangako iyan!'

"Saan ka galing?" bungad palang ng aking Ina pagkarating ko galing sa burol.

"Sa burol lang po ma."

"Hula ko, tinatanaw mo na naman ang Lungsod." She's clearly stating the fact. Napahinto naman ito at tumingin sa akin.

"Alam mo anak, binibigyang-diin mo na naman ang iyong sarili. Alam ko, makakapasa ka sa pagsubok pero h'wag mo namang abusuhin ang iyong katawan." Tama ang aking Ina subalit, hindi pa sapat.

"Dalawangpu't-isa na po ako ma, kaya kailangan kung mag-ensayo ng todo. Hindi katulad nang iba kaya nilang magbayad ng tao para sanayin sila upang sila'y lumakas. Paano ako? Ikaw nalang parati ang ka tugma ko sa laban kaya minsan nakakayamot na." It's not an insult. It's a mere fact. Si mama nalang ang parating nagtuturo sa akin.

"So, dahil nayayamot kana sa akin kaya nagsasanay ka nalang mag-isa ng walang pahintulot?" aniya na may pagtatampo pa. Minsan, ang aking ina ay napaka sumpungin.

"Gusto ko lang makasigurado na makapasa ako sa pagsubok para naman maipagmalaki mo ako." Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik. My mom is my everything.

"Alam kung magaling ka. Mana ka sa akin ehhh! But, always remember to take good care of yourself. Hindi sa lahat ng bagay magaling tayo. Okay!" Tumango lang ako bilang tugon.

Simula noong mamulat ako sa mundo hindi ko alam kung sino ang ama ko. My mother never mentioned him. Alam kung may rason siya kung kaya't nirerespeto ko ito. But apart of me wanted to see him and dream to have a complete family. Minsan kasi naiisip ko 'paano kung kompleto kami'. Ano ang pakiramdan na mayroon kompletong pamilya. Pero, sa pagdaan nang panahon tila nakalimutan ko na ang mga bagay na iyon. At ipinagsawalang-bahala nalang ang lahat. Napagtanto ko, kung mahal niya kami. Umpisa palang, hindi niya kami kayang iwan. Umaasa akong buhay siya kasi hindi din naman sinabi sa akin ni mama na patay na ang aking ama.

"sige na, ayusin mo na ang nakaugalian mong gawain at pagkatapos mo diyan kakain na agad tayo." Bumalik ang aking ulirat nang marinig ko ang aking ina. Masyadong malalim ang aking iniisip. Tumayo na ako at ginawa ang aking mga gawain.

Lumipas ang mga araw, nag iinsayo parin ako ng mabuti para maging magaling na magi at makapasok sa kahit anong angkan. Ang City of Crystals ay isang napaka rangyang lungsod. Nabibilang dito ang mga mayayamang tao na namumuno sa Sacred Association.

They are the group of leaders whom handle the Lineage and give them a privilege to hunt down the Secede clan which is our enemy. Ang alam ko lang ay masasama ang nasa secede clan.

Lahat ng nalalaman ko ay galing mismo sa aking ina. Pero binibigyan niya lang ako ng kaunting detalye. Alam kung hindi kami gaanong mayaman at hindi rin gaanong mahirap. Ang pinagtataka ko lang ay alam ng aking ina kung ano ang galaw sa loob ng association.

THE DEFENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon