じゅういち

98 12 33
                                    

"Mahal kita, Eros. Nais kong mabuhay kasama ka aking sinisinta."

"Mahal din kita, Shair- I mean, Psyche."



Natawa ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Matt, kaklase ko at partner sa roleplay. Practice palang kasi namin kaya okay pang magkamali. Nagkamot siya ng batok saka nagsorry sa leader namin.

Wala si Ivan dahil dalawang linggo nalang foundation day na. Nasa training para sa upcoming basketball game nila. I understand him naman kasi, at saka we spend most of our time together kaya okay na 'yon.

"Matt at Shaira, break muna tayo." Sabi ni Ezra na leader namin. Tumango lang ako saka nagpunta sa side kung saan naka-stand by sina Jaera. Wala ngayon si Amythest, may pinagdadaanan kasi 'yon at saka gusto niya muna kasing mapag-isa.

Jaera handed me a bottle of water, kaya diretso kung ininom 'yon. Ang init kaya dito sa gymnasium kaya para na akong napiprito. Naupo ako sa gilid ni Jaera, siya kasi ang nagma-manage ng mga props kasama 'yong iba naming mga kaklase.

"Shaira, pansin ko lang ha..." Napatingin ako kay Jaera nang bigla siyang magsalita. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh ano?"

"Pansin ko lang na may gusto sayo si Matt." Halos maluha ako kakatawa. Napapailing pa ako kaya nag-iba ang tingin niya sa akin.

Si Matt Tuan may gusto sa akin? Takte, bakit naman siya magkakagusto sa akin, eh alam naman yata niya na boyfriend ko si Ivan. Aware naman kasi ako na minsan ang PDA namin kaya alam ko na alam na 'to ng lahat. At saka knowing Matt, alam kong maganda ako pero hindi yata ako ang type non. Matt is part of the school's football team, kaya sikat din siya sa school pero ang assuming ko naman yata kung iisipin kong may gusto 'yon sa akin.

At hindi ko din naman kayang magkagusto sa kanya, I have Ivan.

"Gaga, ano ba naman 'yang iniisip mo. Isipin mo nalang si Jonathan, Jae." Inirapan niya lang ako bago umalis. Naiwan tuloy ako ditong mag-isa kasi busy pa 'yong iba. Inilabas ko 'yong phone, checking if may text ba doon.

Ivan texted me na sabay daw kaming umuwi mamaya. So, nagreply agad ako ng 'oo'. Sino naman kasing makakasabay ko maliban sa kanya? Nakatira pa nga kami sa iisang bubong.

Jusmiyo, may pagka-tanga din talaga 'tong si Ivan, pero mahal ko. Alam niyo na, reyna yata ako ng karupokan.

"Hi, Shaira." Napatingin ako kay Matt na biglang tumabi sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago itinuon ang tingin pabalik sa phone para tignan ang oras. Isang oras nalang uwian na.

Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa. Nabigla ako nang maramdaman din ang kamay niya na tumama sa kamay ko. Tinawanan ko na lang 'yon.

"Kasabay mo ba siya mamaya?" Tanong niya. Nakuha ko naman kaagad ang tanong niya kaya agad akong tumango at ngumiti. Tinignan ko siya, naging malungkot ang ekspresyon niya pero ikinibit-balikat ko nalang 'yon at tumingin sa malayo. "Alam mo, ang sabi ko noon sa sarili ko, hindi na ako ulit mahuhulog sa maling tao, pero parang pinagbiniruan yata ako ng tadhana."

Naguluhan ako dahil sa biglang pagsabi niya non. Hindi naman kasi kami masyadong close, pero sakto lang para tawaging magkaibigan. Kaibigan ko naman yata lahat ng tao sa room namin eh. Sanay na ako sa ganong paligid, even though I know na peke 'yong iba.

Binaling ko ang tingin kay Matt at hindi ko din naman inaasahan na ang lapit niya sa akin kaya ang lapit na lang ng mga mukha namin. Nagulat lang ako, hindi kagaya ng nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Ivan. Normal lang naman.

Nag-iwas siya ng tingin saka nagkamot ng batok. Tinatansya ko kung nahihiya ba siya o habit niya lang ang ganon. Hindi ko na lang pinansin 'yon hanggang sa tinawag kami ni Ezra para sa last practice namin. Memorize na din naman namin ang script, kompleto na ang props, kunting practice nalang talaga ang kulang.

Hold OnWhere stories live. Discover now