3

5.4K 408 82
                                    

Ville Jet Abellar

Napalingon-lingon ako sa paligid at napakunot ang noo. Hindi ko in-expect na sa ganitong lugar niya pala ako dadalhin. Akala ko... akala ko...

"Akala ko sa motel tayo?" Tumigil ang paningin ko sa lalaking tamad na nakaupo sa aking harapan. Nakasalampak ang malaki niyang katawan sa upuan na para bang nakaupo lang siya sa bahay nila.

Grabe 'tong lalaking 'to. Parang di senior high. Mukha na siyang bachelor na may limang babaeng inanakan.

Tumigil siya sa pagtipa mula sa kaniyang cellphone at napaangat ang tingin sa akin. Tinitigan niya ako at kinunutan ng noo. "Bakit? Gusto mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko, sir. Feel ko mas okay na doon kesa dito sa restaurant ninyong ginto ang presyo."

Aba, akala ko kung saan ako dadalhin kanina nagulat na lang ako nang tumigil ang sasakyan sa restaurant nilang puno ng eleganteng chandelier at mayayamang nilalang.

Hiyang-hiya ako nang pumasok na naka-uniform pa. Pati brief ko inaalala ko kung meron bang butas at baka i-judge din nila dito. Naalala ko pa nga ang pilit na ngiting ibinigay sa akin noong sumalubong sa amin sa pintuan.

"Sinabi ko bang pababayaran ko sa'yo? Eat whatever you like, ako na bahala." Ang bruskong sagot niya bago binaba ang cellphone sa lamesa at humalukipkip.

Isang pagak na tawa ang kumawala sa bibig ko. "Ako na bahala. Pera mo ba 'yan? Saka kahit sa inyo 'to, kailangan di ka padalos-dalos sa pag gastos ng pera."

Isang masamang tingin ang ibinalik niya sa akin. "I'll pay for what we eat ok? I do modelling and music gigs when I have time and I get paid for that. Hindi ko inaasa lahat sa parents ko. So stop being judgemental."

Napamaang ako sa sinabi niya. Siguro nga judgemental talaga ako. Akala ko kasi siya 'yong classic rich, fckboy na walang alam sa buhay kung hindi ang maging hambog at kumain ng tahong. Hindi ko inaasahan na bukod sa gwapo niyang mukha, marunong din pala siyang magsumikap at kumanta.

Holy shit! Marunong siyang kumanta? Paano na lang kung tumalino din siya di ba? Edi nasa kanya na lahat? Pano naman kaming tira-tira na lang ang sinisimot? 

Grabe ka, Lord!

"Di ba may dress code mga ganitong lugar? Okay lang ba na ganito ang suot natin?" Tinuro ko ang uniform ko at ang suot-suot niyang t-shirt.

Yes po, opo, nagpalit siya ng t-shirt sa loob sasakyan. 'Wag niyo ng tanungin kung nahimatay ako ulit. Hindi po ako ganoon kababa. Nag-nosebleed lang.

"Doesn't matter. We own this place."

Hindi na kami nagkausap pagkatapos n'on kasi dumating na iyong waiter. Mage-explain pa sana siya tungkol sa pagkain namin kaso tinaboy na ng amo ko. Doon ko lang din na-realize na gutom na gutom na pala ako. Halos maubos ko lahat iyong in-order ni Rocket, ganoon din naman siya. Ang mamaw kumain. Wala kaming imikan dalawa dahil pareho kaming gutom.

"So mag-aaral na tayo?" Ang tanong ko pagkatapos naming kumain.

Dumighay siya bigla sa harapan ko kaya kaagad na umasim ang pagmumukha ko. Bahagya kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "Umayos ka nga. Kadiri ka."

Mismatch With The PlayboyWhere stories live. Discover now