7

7.9K 457 209
                                    

Ville Jet Abellar

"Bakit nandito ka pa?" Ang malamig kong tanong kay Rocket nang makalabas ako ng convenience store.

Hindi katulad kanina, wala na akong suot na uniform at apron. Dumating na kasi iyong papalit sa akin kaya nag-out na ako. Simpleng t-shirt at lumang pantalon na lang itong suot-suot ko ngayon hindi kagaya nitong lalaking tila nagph-photoshoot kung makasandal sa pader malapit dito sa pintuan ng mga empleyado.

"I need you to come with me," anas niya nang akma ko na siyang lalagpasan.

Napaikot ako ng mata at nagpatuloy sa paglalakad. "Wala akong oras. Gusto ko ng umuwi at matulog."

"I'll pay," ang pamimilit niya pa.

"Ayoko." Humigpit ang kapit ko sa strap ng backpack ko at mas lalong binilisan ang paglalakad.

Pero anong laban ng maliliit kong mga binti sa mahahaba niyang binti? Effort na effort na ako sa paglalakad tas siya ilang hakbang lang naabutan kaagad ako. Tumigil ako sa paglalakad at nakahalukipkip siyang hinarap. 

"Ano bang kailangan mo?" Ang naiinis kong tanong dito. Pinipigilan ko ang sarili na mapataas ang boses. Pagod ako at gusto kong matapos ang araw na 'to ng matiwasay. Hindi ko nais makipagsagutan nino man. 

Napabuntong hininga siya at inilibot ang paningin sa buong paligid. Nakahawak sa magkabilang bewang ang kaniyang mga kamay nang bumaba ang kaniyang paningin sa kaniyang sapatos. 

"Ano?" Ang napipikon kong pukaw dito dahil mukhang wala yata itong balak magsalita. Nauupos na ang pasensya ko sa isang 'to. 

Nagkamot na naman siya ng batok bago napirmi ang mga mata niya sa mga mata ko. "I'm sorry." 

Napataas ang kilay ko doon. "Sorry saan?" 

Nakita ko ang pagigting ng mga panga at pagliit ng mga mata niya sa tanong kong iyon. "You know what I mean, idiot."

Ah. Akala ko nagbago na ang isang 'to, medyo kinabahan ako doon. Rocket will always be Rocket. Ni minsan hindi ko pa yata siya narinig na tinawag ako sa pangalan ko. 

Walang emosyon akong tumango. To be honest, ayoko ng makipaghalubilo pa sa isang 'to. Walang magandang kalalabasan kung papasok ako sa mundo ng mga kagaya ni Rocket. Hindi ako dapat ako aangat sa kwento ng mga kagaya nila. Mas mabuting manatili ako sa likuran ng kurtina, gampanan ang papel bilang isang mabuting extra, tumulong pabanguhin ang mga karakter nila. Iyon lang. Wala ng dapat iba pa. 

"Okay. Iyon lang ba?" Ang kaswal kong tanong sa kaniya. Sana naman ma-gets niya ang gusto kong iparating sa kaniya; ayaw ko na siyang kausap. 

Ilang saglit niya akong tinitigan. Nakatitig lang din ako sa kaniya habang hinihintay ko siyang magsalita. At sa saglit na mga segundong iyon ay hindi ko maiwasang hangaan ang pagmumukha ng hinayupak na ito. Simula sa poreless at mattified niyang balat sa mukha, naglakbay ang mga mata ko sa malamlam niyang mga mata sa ilalim ng malilinis niyang mga kilay, sa matangos niyang ilong, pababa sa mapupula niyang mga labi na napapalibutan ng papatubong bigote. 

Si Rocket ang epitome ng male lead sa mga teen romance na binabasa ng mga baby bra warriors. Masama iyong ugali niya pero hindi ba't iyon naman ang trending ngayon? Iyong lalaking mapapasabi ka na lang ng, 'I can fix him'. Tngna. Ano ka, madam, si Handy Manny? Five minutes crafts? Mental Asylum? 

Jusko. 

"No." Ang biglang salita niya kaya natigilan ako. 

"Huh?" 

Mismatch With The PlayboyWhere stories live. Discover now