CHAPTER 12

187 2 0
                                    

Maaga kaming nagising dahil ngayong araw ay bibisita kami sa libingan nila lola at lolo. Mabilis kaming kumilos dahil mas mabilis ang byahe kapag maaga dahil walang traffic.

“Is it that far?”tanong ni Esme dahil nagmamadali kami ni mommy.

“It isn't, but there is no traffic during this hour. Please be faster so we can bought something for your friends.”si mommy at naglagay ng pabango.

“Oh! Is that it?”nakangiting sabi ni Esme at nagmadali sa pag-aayos.

Natapos kaming mag-ayos at ngayo'y handa na sa pag-alis.

Inabot kami ng twenty minutes bago makarating sa Tagaytay memorial park. Ngayon lang kami nakarating dahil sa traffic. Kahit pala maaga ay may traffic parin dito.

“Where are their graves?”tila naiinitang saad ni Esme. Maarte talaga ang babaeng ito.

“This way, let's go! It's getting more hotter.”sabi ni mommy at naglakad sa gawing kaliwa.

Nakarating kami sa isang parang may bahay na libingan at nakasulat doon ang pangalang, Guidino B. Solimar at Eloisa K. Solimar.

“Ang cool naman ng design.”
manghang saad ni Esme habang nakatingin sa puntod ni lolo at lola.

“Edi magpalibing kana para may gan'yan karin.”siniko niya ako at tinaasan ng kilay.

“Ba't 'di ka mauna?”sabi pa nito, tinignan ko naman siya ng masama.

“That's enough! Para kayong mga bata.”suway ni mommy. Inirapan ko pa si Esme at tumigil na.

Nagsindi kami ni mommy at kinuwentuhan niya sina Lolo ng mga nangyari sa amin.

Pagkatapos no'n ay pumunta kami nila mommy sa Ayalla mall serin. Naglibot ako upang bilhan ng pasalubong si Hera at Relcy.

Natapos akong maglibot-libot at pumunta na sa restaurant na kakainan namin nila mommy. Nabilhan ko ng dress at makeup si Hera at leather jacket naman ang kay Relcy dahil favorite niyang magsuot ng ganito.

“Oh, andyan kana pala. Bilisan mo gutom nako!”reklamo ni Esme no'ng makarating ako.

“Edi kumain kana!”ako at umupo na.

Nag-order si mommy ng bake whole salmon with butter dill sauce, chiken inasal aglio olio, baked seafood that's for our ulam. And three lipton lemon ice tea for drinks, for our dessert naman is we have choco moist and blueberry cheese cake.

We started eating because the dishes looks really tasty. Napapikit ako sa sobrang sarap habang nilalantakan ang mga pagkain.

“Hey! Slow down, para ka namang ibibitay niyan.”nakangiwing sabi ni Esme.

“Masarap eh, paki mo ba?”sabi ko at kumain ulit.

Kain lang ako nang kain at hindi inalintana kung tataba ako o hindi. Ako lang mag-isa ang kumain ng blueberry cheese cake at hati si Esme at mommy sa choco moist.

“Pag ikaw tumaba baka iwan ka ni Xavier.”napairap ako sa sinabi ni Esme.

“As if I care.”sabi ko at nauna ng maglakad.

Pagkarating sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan at nagpahinga, Sobrang pagod ng pakiramdam ko.

“Mira? May tumatawag sayo sa labas.”
napabalikwas ako nang bangon no'ng tinawag ako ni mommy.

“Sino po?”inaantok na tanong ko.

“Si Ridgen, kanina pa 'to.”si Esme ang sumagot.

Agad akong nagtaka, bakit nandito siya ng ganito kaaga?

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now