Prologue

23.7K 812 36
                                    

MARKED BY THE BEAST

(Eritown Series #1)

By Thyriza

Prologue

HINGAL at pagod na tinatakbo ni Luna ang madilim na gubat ng Sitio Maguiron. Tumingala siya sa kalangitan at kita niya ang maiitim na ulap na nakapalibot sa malaki at kabilugan ng buwan.

Napahinto siya nang makarinig siya ng kaluskos sa paligid. Maingat niyang nilakad ang madamong lupa para hindi gumawa ng anu mang tunog. Nagtago siya sa isang malaking puno at pinagmasdan ang umbok sa tiyan. Hinimas niya 'to ng marahan dahil sa bigla itong kumirot.

"H-hindi ka nila makukuha sa akin, anak. Mapapatay muna nila ako bago ka nila makuha sa akin," impit niyang sabi habang umiiyak. Napag desisyunan niyang manatili muna sa tinataguan niya hanggang sa sumikat ang araw.

Iniangat niya ng konti ang kanyang blusa at tiningnan ang tagiliran. Sariwa pa ang markang inukit nila sa tiyan niya. Ang markang hindi mo matatakasan kahit anong gawin mo.

Pilit na binubura ni Luna ang marka sa gilid ng umbok niyang tiyan pero napahiyaw siya sa sakit. Isang bakal na inuloblub sa nagbabagang apoy ang iminarka sa tiyan niya kaya malamang na masakit 'yon.

"D-diyos ko. Tulungan niyo po kami ng anak ko. Kung hindi man ako makaligtas, sana itong anak ko na lang. Nakikiusap ako, panginoon." Umiiyak niyang sambit. Napapikit siya ng mariin nang marinig niya ang isang nakakakilabot na alulong. Palapit na palapit ang kaluskos at tiyak niyang ilang minuto na lang ay matutunton na siya.

Niyakap niya ang sarili na anino'y kaya siyang protektahan nito.

"Baby, tatagan mo ang sarili mo. Lalakasan ni Mama ang loob para makaligtas tayo pareho," mahinang sabi niya. "Mahal na mahal kita, anak. Kayo ng Tatay mo," para nanaman siyang maiiyak pero wala ng luha ang gustong lumabas sa mga mata niya. Sa tatlong araw na pagkabihag sakanya, wala ni ano mang pinakain o pinainom sakanya, kaya marahil pati luha wala nang mapipiga sakanya. Kung hindi niya lang tinatatagan ang sarili para sa anak, noon pa siya sumuko.

Na-estatuwa an katawan niya nang marinig niya ang mabibigat na yabag na naglalakad papunta sa direksyon niya. Wala siyang ibang pang protekta sa sarili kundi ang putol na sanga sa tabi niya. Ni hindi nga makakapatay ng asong ulol ang sanga na 'yon.

Ipinikit niya ang mga mata at nagdasal. 'Panginoon, kayo na po ang bahala sa amin ng anak ko.' Paulit-ulit niyang dasal.

Halos mapatalon siya nang maramdaman niya ang mabibigat na kamay sa balikat niya. Takot na takot na inangat niya ang mukha at laking gulat niyang hindi ang mga humahabol sakanya ang nasa harap niya. Isang matandang lalaki na sa tingin niya ay saisenta anyos na.

"Ano'ng ginagawa mo sa gubat na 'to sa ganitong oras? Hindi mo ba alam na delikado ang tumambay rito?" tanong niya. May hawak siyang sundang sa kanang kamay at bag naman sa likod nito.

"T-tulungan niyo po ako. Ilayo niyo po ako rito," nanginginig niyang saad. Nanghihinang tumayo siya at halos lumuwa ang mga mata nang matanda nang makita ang tiyan niya.

"Sumaklay ka sa balikat ko. Ilalayo kita rito!" natatakot na sabi nito at hindi nagdalawang isip na akayin ang dalaga.

Pakiramdam ni Luna, kahit ang bilis nilang naglalakad ng kasama ay nababagalan pa rin siya. Parang ano mang oras mahahabol siya ng mga naghahanap sakanya.

"Hindi ka tiga rito, hija?" nagawa pang itanong nang matanda kay Luna kahit pareho silang hinihingal habang nilalakbay ang madilim na daan ng gubat.

"Nag-bakasyon lang po ako sa bahay ng Lola ko. Hindi ko po alam kung bakit ako binihag ng mga-"

"Sshhh! Huwag mong banggitin ang uri nila. Ang mga tulad mong bagong salta sa Sitio Maguiron ay hindi dapat pumupunta sa gubat. Lalo na't buntis ka," nakarating sila sa labas ng gubat pero marami pa ring puno sa paligid at hindi patag ang daan.

"May dala akong kariton, sumakay ka at ako ang hihila. Delikado pa sa'yo ang maglakad," nag-aalalang sambit ng matanda. Tinulungan niya ang Dalaga na sumakay sa kahoy na kariton.

Naiiyak si Luna habang pinagmamasdan ang gubat habang papalayo sila. Hinding-hindi na siya muling tutuntung sa lugar na 'to. Pinapangako niya na kahit ano'ng mangyari ay hindi na siya babalik dito... maging ang anak niya.

Dahil sa malayo ang bahay ni Luna sa bahay ng matandang lalaki na tumulong sakanya ay pumayag siyang sa kubo muna nito manatili hanggang sa mag-umaga. Sumalubong sakanila ang isang babae na sa palagay niya ang asawa ng matandang Lalaki.

Hindi ito nagsalita pero parang alam na nito ang nangyari sakanya. Inalalayan siyang pumasok sa barong-barong na bahay nila. May maliit silang silid at doon siya pinahiga ng asawa ng lalaki. Umalis ito at nang bumalik ay may dala nang maliit na palanggana na may maligamgam na tubig at bimpo. Pinunasan nito ang buo niyang katawan.

"Hiramin mo muna 'tong bestida ko. Ilang buwan na pala ang dinadala mo?" tanong ng matandang babae.

"Anim na buwan na po," sabi niya saka dahan-dahang hinubad ang blusa. Hindi na siya nahiya sa matandang babae kasi nakasara naman ang pinto ng silid at nasa labas ang asawa nito.

Pero laking gulat niya nang hawakan nito ang tiyan niya at nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ang marka sa gilid ng tiyan niya. Natutop nito ang bibig niya at parang naawang tiningnan siya ng matandang babae.

"Hija, namarkahan nila ang anak mo." Puno ng simpatyang saad ng matandang babae. Isinuot niya ang bestida at nagtatakang tiningnan ang matanda.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" nalilito niyang tanong.

"Hindi ikaw ang habol nila kundi ang anak mo," bigla siyang natakot at kinabahan sa sinabi ng matanda. Kahit pala nakatakas na siya ay delikado pa rin ang buhay nilang mag-ina.

"H-hindi ko po alam kung bakit nila kukunin ang anak ko. Anong klaseng nilalang po ba sila?" pilit niyang pinapakalma ang sarili. Nang mabihag siya ng mga kumuha sakanya ay may piring siya sa mata kaya hindi niya masilayan ang mga mukha nito. Pero alam niyang nakakatok ito dahil sa mga boses nito. Para silang aso na umuungol kapag nagagalit.

Lumapit sakanya ang matandang babae at bumulong sa tenga niya. Halos manlaki ang mga mata niya. Biglang nagtindigan ang mga balahibo niya sa katawan. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya kasi nilagyan siya ng piring kasi alam niya sa sarili niya na baka namatay na siya sa nerbyos kung sakaling makita niya pa ang hitsura ng mga 'to.

"Bukas na bukas din, umalis ka rito. Kayo ng asawa mo. Saan ka ba nakatira?" tanong pa ng matanda.

"S-sa lumang bahay po. Kay Adelia Ventura." Nakayukong sabi ni Luna. Si Adelia Ventura ay ang yumaong Ina ng kanyang Ina. Pansamantala siyang nanirahan sa lumang bahay hanggang sana sa makapanganak siya.

"Alam ko ang bahay na 'yon. Pero hija, umalis ka na rito. Kayo ng asawa mo," mas lalong napayuko si Luna sa sinabi ng matandang babae. Nakakahiya man, pero siya ay isang dalagang Ina. Si Mariano na walang kaalam-alam sa pagdadalang tao niya dahil may sarili rin itong pamilya. Oo, pumatol siya sa may asawa. Kaya siya nandito ngayon sa Sitio Maguiron para sana magtago.

"W-wala po akong asawa," nahihiya niyang sambit. Napatango naman ang matanda at parang naintindihana ang ibig sabihin nito.

Sumapit ang umaga. Sinamahan ng mag-asawa na umuwi si Luna hanggang sa mag-impake ito ng mga gamit. Hinatid nila 'to sa sakayan ng Bus. Pero bago naghiwalay ang landas nila, may binigay ang matandang lalaki na isang kwintas kay Luna. Isang lumang kwintas na animo'y anting-anting.

"Mag-iingat ka, hija. Ibigay mo sa anak mo ang kwintas na 'to. Huwag mo sana siyang hayaan na mapadpad pa rito. Namarkahan ng Pinuno nila ang anak mo kaya tiyak na hahabulin siya ng mga 'to." napatango naman si Luna. Hindi niya alam kung paano niya papasalamatan ang mag-asawa sa pag-tulong sakanya. Pero isa lang ang sigurado niya, kahit hindi na siya babalik sa lugar na 'to, hinding hindi niya makakalimutan ang utang na loob niya sa dalawa.

Itutuloy...



Marked by the BeastWhere stories live. Discover now