KABANATA 2.

15.8K 594 27
                                    

KABANATA 2.

"MA, alam niyo po ba 'yong Hiwaga ng Sitio Maguiron?" tanong ni Aleera sa Ina habang kumakain ng hapunan. Nagulat na lamang siya nang bigla nitong bitawan ang kubyertos at matalim na tiningnan siya.

"Saan mo narinig ang walang kwentang haka-haka na 'yan?!" halos pagalit na sambit ng kanyang Ina. Nanginginig ito sa galit pero nakikita niya rin ang takot sa mga mata nito na animo'y nakarinig ng isang nakakatakot na balita.

"S-sa ka-klase ko po," mahina niyang sagot. Napapikit ng mariin ang Ina niyang si Luna saka siya tiningnan at puno ng paghingi ng pasensya.

"Hindi totoo ang kuwento sa'yo ng ka-klase mo. Kumain ka na lang diyan." Pagkatapos nitong sabihin 'yon ay tumayo ito sa hapagkainan at nilagay ang platong may laman pang pagkain sa lababo.

Naguguluhan si Aleera sa kakaibang ikinilos ng kanyang Ina. Minsan naiisip niyang OA lamang ito, pero kapag nakikita niya kung gaano ito ka-seryoso ay natatahimik na lamang siya. Masyadong malihim ang Ina niya. Hindi man lamang ito nagkuwento sa buhay nito no'ng dalaga pa 'to. Hindi man lamang nito nababanggit ang pamilya nito. Hindi niya alam kung may mga Pinsan ba siya o kaya Lolo at Lola. Pero kahit ganyan ang Ina niya, mahal na mahal niya 'to.

Pagkatapos hugasan ni Aleera ang pinagkainan ay pumunta siya salas nila. Nakita niyang nakaawang ang pintuan niya kaya lumabas siya. Nadatnan niya ang kanyang Ina sa harap ng kanilang maliit na terasa. Nakatingala ito sa langit habang niyayakap ang sarili.

"Ma," tawag niya rito. Nilingon siya nito pero agad din namang nagbalik ang tingin nito sa madilim na kalangitan. Tumabi siya rito at niyakap niya 'to patagilid. "Sorry po. Hindi na muli ang magtatanong tungkol sa mga gano'n," sabi niya. Inihilig niya ang ulo niya sa balikat ng Ina. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya.

"Pasensya ka na rin sa akin, Anak. Marami lang akong iniisip." Ani ng kanyang Ina. Napatingala siya rito at pareho nilang nginitian ang isa't-isa.

NASA mall si Aleera kasama ang kanyang Kuya Yano. Matapos ang kanyang huling subject ay ti-en-ext siya nito na magkita sila sa isang Mall. Masaya siya kasi makikita nanaman niya ang kanyang kapatid.

"Bagay sa'yo," sabi nito nang isukat niya dilaw na bestida. Simple lamang ito pero bumagay sa mala porselana niyang kutis. Hindi man sila mayaman ay alaga naman ang kanyang kutis. Ayon sa kanyang Ina, kahit daw lamok ay hindi niya hinayaan na dumapo sa kanya kaya nagpapasalamat siya at hindi siya katulad ng iba na maraming pelat sa katawan.

"Hindi mo naman po ako kailangan ibili ng mga damit, Kuya. Ilibre mo lang ako ng pagkain masaya na ako," natatawang saan ni Aleera pero napailing naman sakanya si Yano.

"Maliit na bagay lang 'yan, sis. Dapat nga ini-spoil kita, eh. Pero baka magalit naman sa akin si Tita Luna," sabi nito.

Napanguso na lamang ang dalaga sa sinabi ng kanyang kapatid. Sapat na para sakanya nag makasama ang kanyang kapatid sa kakarampot na oras. Ang Papa niya kasi ay hindi naman niya nakakasama ng ganito. Pinupuntahan lamang sila nito sa bahay nila kapag nais siya nitong makita. Pasalamat nga siya at tanggap siya at sinusuportahan ng kanyang Papa kahit may pamilya itong iba.

Papasok sa isang Fastfood chain ang dalawa nang makasalubong nila ang kambal na si Paula at Paulo.

"Kuya, ano'ng ginagawa mo rito? Akala namin may kasama kang kaibigan?" maarteng saad ni Paula. Nag-iba ang tingin nito at napunta kay Aleera. Agad itong napasimangot nang masilayan ang dalaga. "Bakit kasama mo na naman siya, Kuya? Don't tell me girlfriend mo siya?"

"Paula! Don't talk to her that way!" galit na sambit ni Yano sa kapatid.

"At bakit, Kuya? Is she that important to you?!" nagtaas ng boses si Paula kaya nabahala naman si Aleera sa maaring gulong maidulot niya.

Hinawakan niya ang braso ng kanyang Kuya at ngumiti rito.

"Aalis na po ako, Kuya." Yumuko siya ng bahagya bago tumalikod.

"T-teka, Aleera-!!"

Hindi na niya nilingon ang kapatid at patakbong nilisan ang palapag ng Mall. Ayaw niyang mag-away ang kanyang Kuya Yano at si Paula dahil lang sakanya. Naiintindihan niya naman ang sitwasyon lalo na't hindi naman alam ng kambal kung sino ang totoong siya.

Napatingin sa kanyang orasan si Aleera nang makalabas sa Mall. Nakatayo siya sa may vehicle stop. Nagpapapuno pa ang isang traysikel kaya naisip niyang sa susunod na lang sumakay lalo na't ayaw niyang nauupo sa loob, mas gusto niya sa likod ng driver para kung ano man ang mangyari ay agad siyang makatakas. Namana niya ata ang ganitong ugali sakanyang Mama, eh. Laging sigurista.

Napatingala si Aleera sa kalangitan. Hindi kagaya kagabi ay mas malaki ang buwan ngayon. Hindi ito natatakpan ng ano mang ulap kaya naaninag niya kung gaano itong kaliwanag. Ang sarap tingnan sa mata ng buwan. Pakiramdam niya inaakit siya nito. Pakiramdam niya kaya niyang gawin ang lahat kapag kabilugan ng buwan.

Nakauwi si Aleera ng matiwasay... pero hindi nakaligtas sakanya ang sermon ng kanyang Ina. Muli siya nitong pinaglitanyahan ng pagkahabang sermon na halos saulo na niya simula nang magka-isip siya.

Bago pumasok sa silid niya Aleera matapos kumain ay nakita na naman niya ang kanyang Ina na nakatingin sa kabilugan ng buwan.

"Ma!" tawag niya rito. Nakita niyang bahagya itong nagulat. Tinapunan lamang siya nito ng tingin saka binalik ang tingin sa buwan. "Matutulog na po ako, Ma." Paalam niya.

Tango lamang ang itinugon nito sakanya.

Pumasok siya sakanyang silid at tumungo sa may bintana. Sinarhan niya 'to pero hindi ang kurtina. Hinayaan niya 'tong nakatali. Gusto niyang pumapasok ang liwanag ng buwan sa kuwarto niya.

Tatalikod na sana siya papunta sa kama niya nang mapansin niya ang mga balahibo sa may bintana niya. Hindi niya mawari kung balahibo ng pusa o aso ang nakikita niya. Kulay brown ito na may konting itim.

"Pumasok na naman ata si Mocha sa kwarto ko!" irita niyang saad. Si Mocha ay pusa ng kapithabay niya. Tinawag itong Mocha dahil na rin sa kulay ng balahibo nito.

"Lagot sa akin ang pusang 'yon! Hindi ko na siya bibigyan ng tinik ng isda!"

Avallon, Sitio Maguiron.

PUMASOK sa isang engrandeng pinto ang lalaking nakasuot ng itim na balabal. Halatang nagmamadali ito at animo'y hinahabol. Sa gilid niya ay mga tagapagbantay ng Avallon o kawal. Ang tagong kaharian ng Avallon na pinamumunuan ni Alpha Aethelwulf.

Walang mortal ay nakakatuntong sa Avallon dahil kahit kailan, walang makakahanap o makakakita rito. Tanging ang gusto lang na pakitaan ng Avallon ang makakakita nito na imposibleng mangyari dahil nasa pangangalaga ng mga Diwata ang mundo ng mga hindi pangkaraniwang nilalang sa mundo. At isa na doon ang Avallon-ang lugar kung saan pinamumugaran ng Werewolves.

"Sabihin mong may magandang kang balita, Phelan. 'Yon lamang ang tanging gusto kong marinig mula sa'yo," seryosong saad ng Alpha. Nakaupo ito sakanyang trono na napapalibutan ng balahibo at trosong inukit para lamang sakanya.

Nagbigay pugay muna si Phelan-isang Beta at kanyang kanang kamay bago tumingin sakanya. Hindi umabot ang tingin niya sa mga mata nito. Isa sa mga ipinagbabawal ng kanilang tribo ay ang makipagtitigan sa mata ng kanilang Alpha.

Ang kanilang Alpha ay ang pinaka-malakas sa kanilang tribo. Ang malaki nitong pangangatawan na kinatatakutan ng kalaban, at ang pares ng matatalim na mata na kayang pumatay ng bibiktimahin kapag nanlisik na ang mata. Kulay itim ang kanyang buhok maging ang kanyang balbas. May hawak itong scepter na nangangahulugang pinuno ng lahi nila.

Ngumisi si Phelan kaya nabuhayan ng loob ang kanilang Alpha.

"Nahanap na namin ang mortal, pinuno. At tama nga po kayo, nasa kanya ang marka." Aniya saka yumuko.

Nagalak naman ang kanilang pinuno dahil sa balitang natanggap. Akala niya mahihirapan silang hanapin ang mortal, pero hindi. Malapit na niyang mapasakamay ang babae at matutupad na ang ninanais niyang mangyari.

"Phelan, ihanda mo na ang ritwal para sa unang hakbang. At magpadala ka ng magpo-protekta sa dalaga." Sabi nito saka tumayo. Napatingala ito sa malaking bintana ng kanyang kaharian at tiningnan ang buwan. "Malapit na, Luc. Malapit na malapit na." mahina niyang sambit sa sarili.

Itutuloy...

Marked by the BeastWhere stories live. Discover now