Chapter 3

776 13 0
                                    

(present)

"Kakilig!" kinikilig na sambitla ni Maureen habang humahampas hampas pa sa balikat ko. Parang sira talaga.

"Tss."

"Sana all! When yung akin??" inggit na ani nito. Pinitik ko siya sa ilong na siyang ikinatigil niya.

"Anong sana all? Sa una lang yon." bakas ang pang hihinayang sa boses ko. Kelan ba ko matatapos sa pag kwento ng istoryang ito? At bakit ba parang lahat ng tao ay interesado sa love story ko?

"Tama sa una lang yon. Oh tapos ano ng next?" Maureen.

(flashback)

Natuloy ang pag a-ice cream namin nung araw na yon, nag tanong sila kung tungkol saan ang pinag usapan namin ni Lucas lalo na si Heather. Medyo nalulungkot ako na na gui-guilty kahit na gusto kong mag saya dahil yung crush ko ay crush din ako.

Sinabi ko nalang na tungkol iyon sa magiging program para sa Valentines day na darating. Part ng supreme student government eme si Lucas kaya iyon ang naisip kong alibi. Mukha namang naniwala sila kaya hinayaan ko nalang.

Simula ng araw na yon, tuwing nag kaka salubungan kami ni Lucas ay hindi ko na maiwasang ngumiti. Mukhang tanga pero kinikilig talaga ko.

Kung pwede lang irecord yung mga sinabi niya nung araw na nag confess siya, araw-araw gabi-gabi kong papakinggan iyon. Kaso letse, biglaan eh. Hindi ako nakapag ready.

"Gusto mo?" alok saakin ni Heather ng snacks na patago niyang kinakain. Kahit favorite ko ay tinanggihan ko dahil balak ko ng sabihin sakanya. Kaming dalawa lang ang mag kasama ngayon dahil nasa canteen sila Zayn, Kylo, at Pearl.

"Heather, may sasabihin sana ko sayo." seryoso ngunit pabulong kong sabi sakanya. Baka hagisan pa kami ng libro ng Librarian kapag narinig ang boses ko.

"Ano yon?" inosente nitong tanong.

"About last time, nung kinausap ako ni Lucas." panimula ko.

"About sa program sa Valentines? Diba bukas na yon?" umiling ako sakanya at niyaya siyang lumabas saglit dahil tinitignan na kami ng librarian.

Nang maka labas kami,

"Ang totoo kasi niyan, hindi about sa program yung sinabi niya." hinihintay ko kung may sasabihin siya pero nagulat nalang ako ng bigla itong tumawa ng mahina.

"Tungkol kay Lucas?"

"Heather may-"

"Gusto ka ni Lucas. Tama ba ko?" hindi ako naka sagot agad. Hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko o hindi na.

Ang tanga ko ba para sabihin pa sakanya?

"I heard it. Susunduin sana kita dahil naiinip na si Kylo at Pearl. Narinig kong umamin siya sayo, at... ganon ka din sakanya." bakas sa boses nito ang sakit na nararamdaman.

"I'm sorry Heather." I sincerely apologized. Gusto ko lang din naman mag mahal, hindi naman siguro masama na isipin ko din yung sarili ko?

"Ano ka ba Erin! Hindi ka dapat nag so-sorry. Ako.. ako dapat. Alam kong nahihirapan kang ilabas yung totoong nararamdaman mo kasi iniisip mo ko. Don't worry, naka move on na ko." naka ngiting sagot niya.

"Pano ka?"

"Anong pano ko? Still slay be. Makaka hanap pa ko ng iba jan kung gugustuhin ko. Isipin mo yung sarili mo." Selfish man akong pakinggan sa mga pag kakataong to,

Pero susulitin ko na.

"Salamat. Salamat ng maraming marami." niyakap niya ko ng mahigpit na para bang sinasabi niya na okay na, okay lang sakanya, ayos lang sakanya.

The love I never gotWhere stories live. Discover now