Chapter 4

682 5 0
                                    

Humiwalay ito ng yakap saka ako binatukan sabay sabing,

"At bakit hindi mo sinasabi samin na may gusto ka kay Lucas, ha?" taas kilay nitong tanong habang naka cross pa ang mga braso.

"May gusto ka kay Lucas Erin?!" biglang sulpot ng iba naming kaibigan.

"Oo mga guys. Inamin niya sakin at tinanong kung okay lang daw ba at sabi ko naman ay okay lang dahil makaka hanap pa ko ng mas pogi sakanya. Slay diba?" nasummarize niya na kaagad yung pinag usapan namin.

"Woah. Ang tanong, may gusto din ba sayo si Lucas?" tanong ni Pearl. Sasagot palang sana ko ng unahan na ko ni Heather mag salita.

"Y-E-S" masayang pag e-spell niya.

"YUN OH!"

Lumipas ang ilang oras, pag ka tapos nila kong asarin, pumasok ulit kami ng library para tapusin ang mga assignments namin. Nauna kong matapos sakanila at kasabay naman non ay ang pag tawag ni Drake; kasamahan ko sa music club, siya ang tumutugtog ng piano.

Pinapapunta nila ko sa studio para mag practice para sa magiging performance namin bukas sa Valentines day. Nag punta ako don at nag practice ng ilang round. Wala naman na kong klase dahil absent si sir Jonathan dahil nag papa gupit daw.

Pag tapos ng practice namin, saktong pag labas ko naka salubong ko si Lucas.

"Heading to?" ani nito ng tumigil siya sa pag lalakad sa harapan ko.

"Nowhere. Kakatapos lang naming mag practice para bukas." tumango tango ito saka ako inayang mag lakad lakad.

"Nasabi mo na ba kay Heather?" muling tanong nito.

"Kanina. Alam na din ng mga kaibigan ko." naka ngiting sagot ko sakanya. Ngayon, panatag na kong ilabas ang totoong emosyon ko. Lalo na sakanya. Walang iniisip na ibang tao, Ako si Lucas, kaming dalawa lang.

"Anong sabi nila? Nagalit ba sila?" nag aalalang tanong niya.

"Fortunately, hindi sila nagalit. Sabi din ni Heather na ayos lang sakanya dahil matagal naman na daw siyang naka move on sayo."

"That's good. So.. pwede na?"

Napa tingin ako sakanya habang naka kunot ang noo.

"Pwede ang alin?"

Imbes na sagutin ako ay tinitigan niya lang ang mukha ko na para bang kinakabisado niya ito.

"Ganda mo."

(present)

"Teka lang! Omg!! Hindi ko na kinekeri ito bes! Pwede ang ano?! Ang ligawan ka?" papadyak na tanong ni Maureen.

Hinagisan ko siya ng throw pillow, "Siguro." napa takip nalang ako ng tenga ko ng bigla itong tumili ng pag ka lakas lakas. Maya maya'y pumasok si Alyssa na may pag aalalang mukha.

"Ano? Anong nangyayare?" tanong niya. Mukhang naistorbo pa namin ang tulog niya.

"It's Maureen. Nababaliw nanaman." pag ka sabi ko noon ay may dumapo ulit na throw pillow sa mukha ni Maureen, galing kay Alyssa.

"NATUTULOG YUNG TAO EH!" inis nitong singhal kay Maureen.

"SORRY SORRY SORRY. Si Erin kasi eh" aba't dinamay pa ko.

"Ano namang kinalaman ni Erin sa pag tili mo?" inis pading tanong ni Alyssa sakanya.

"Lika dito, malalaman mo dali." lumapit naman sakanya si Erin saka umupo ng maayos sa sofa set ng kwarto ko.

"Oh game na ulit Erin tuloy mo na."

Tsk tsk basta talaga tungkol love life game na game ang dalawang to. 

The love I never gotWhere stories live. Discover now