02: Change of Plans

17 3 0
                                    

THAMINA
8:49 am

"Hoy! rinig mo na ba yung balita?"

"Ay late ka na teh, alam ko na kahapon pa!"

"Omg! Blazing Phoenix is coming back!"

"Ika-20th time mo na 'yan sinasabi teh, para kang sirang plaka,"

"Makikita ko na ulit ang kapogian ni Bebe Blaze ko!"

"Anong sayo? walang sayo Nicole, akin si Blaze!"

"Luh? di ka nga kilala 'non,"

"Edi kay Xenon my loves nalang ako,"

"Di ka din kilala 'non!"

"Ah ganon? ikaw gusto mo na bang makilala si Lord?"

I shook my head as I listen to everyone's chika. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria dahil nagugutom nako. Kahit saang sulok ng school ay 'yan ang naririnig ko. Mukhang tama nga si Serine, Blazing Phoenix is indeed famous.

Pagdating ko ng cafeteria ay agad akong nag-order ng makaka-kain. Simpleng chocolate shake at burger lang ang binili ko. As soon as I received my food ay agad akong naghanap ng table.

Napangiti ako ng makita ang bakanteng table malapit sa crystal wall. Nilapag ko naman ang dala kong chocolate shake at agad na nilantakan ang burger. Napag-isipan ko namang buksan ang cellphone ko at magscroll-scroll muna.

Tumaas ang kilay ko dahil kahit pati dito sa social media ay usap-usapan ang tungkol sa "comeback" daw ng Blazing Phoenix.

Buti pa sila may comeback, ems.

One post caught my attention, it is about my game with the other members of Blazing Phoenix last week.

@Sandra Salvador
Still can't get over about Blazing Phoenix and Viper in one game! What if palitan na nila si Ace at i-recruit si Viper as their new marksman? Imagine? they would be unstoppable!

View 39k comments...

Na-curious naman ako sa mga comments kaya pinindot ko ito.

@Lorraine Vega
Agree so much!

@Castel lion
Sana talaga ialis na nila si Ace wala namang ambag 'yan eh! puro sakit sa ulo.

@Ronna Alisson
Tumpak! Problema lang dala niyan. Hindi deserve ni Blaze my loves at ng ibang members ang nangyari sakanila! #BlazingPhoenixdeservesbetter !

@Klyde Santos
I hope their management hear us #expellAce #BlazingPhoenixdeservesbetter !

@Valeree 56
#expellAce #BlazingPhoenixdeservesbetter !

Halos abutin ko na ang dulo ng comments at puro hate comments at #expellAce, #BlazingPhoenixdeservesbetter ang sinasabi ng lahat. Karamihan din ay mga suggestions nila na ako ang ipalit sa Ace na 'yon.

Napa-iling nalang ako.

Ano kaya ang kwento kung bakit galit na galit ang lahat kay Ace and why is Blazing Phoenix coming back? Ano bang nangyari?

Kahit ako mismo ay nacu-curious na din.

Natigil ang pagmo-monologue ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko naman kung ano ito at tumatawag lang pala ang bruha kong kaibigan.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now