09: First Match

14 4 0
                                    

THAMINA
7:23 pm

You are now online!

Napangiti ako ng makita ang unti-unting pag-rami ng mga viewers ng livestream ko. Pinindot ko ang mode icon na nasa lower right side ng screen, lumabas naman agad dito ang apat na modes na pag-pipilian.

The Capture the Flag, The Warfare mode which is the rank mode, the Last Man Standing and the custom. Napanguso ako, ano kaya ang magandang laruin ngayon?

Maybe I should ask the viewers right? para naman may kaunting interaction namang mangyari. Agad akong nag-tipa sa comment section.

Viper
What mode should I play tonight?

Ilang segundo pa ay umani na ito ng iba't-ibang reactions and comments. Isa-isa ko naman itong binasa.

Angel44
Rank mode pleaseeee!

_Killian6
What if Last Man Standing?

Gwenchanateneneng
Wait kinikilig ako pero rank mode sanaa hehehehe...

Serena_98
Rank mode na 'yan!

Gameaddict12
Capture the flag tas i-capture mo na rin heart ko lods

Napa-iling ako sa mga nababasa ko. I continued scrolling, halo-halo ang mga comments pero karamihan ay Rank mode ang pinili. So I guess I have no choice but to play the Rank Mode.

Tumipa ako ulit.

Viper
All right then, we'll play rank mode tonight :)

comments:

"Shet, pogi typings! "

"Crush na crush talaga kita viper huhuhu,"

Natawa ako, pag sila nalaman na babae ako lugmok tong mga 'to.

At dahil rank mode ang napili nila ay pinindot ko na nga ito. Dinala naman ako nito sa lobby at pinindot ko na ang enter. Ilang segundo pa ay nagmatch-making na hanggang sa nakompleto na kami.

The Enemy is banning!

Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng makita ang username ng isa kong kalaban.

OH MY GOSH! TOTOO BA TONG NAKIKITA KO?!

Bahagya ko pang inilapit ang mata sa screen baka nagmamalik-mata lang ako pero shet! totoo talaga! I'm playing against Blaze! as in si Blaze na bwesit sa buhay ko!

Kinagat ko ang dulo ng mga daliri ko, hindi ako sure kung siya nga ba talaga ito pero hindi naman pwedeng mag-duplicate ang username ng bawat players. Sa buong laro, ikaw at ikaw lang talaga ang may username na ganyan. Kumbaga kung ikaw may kaagaw sa crush mo, dito wala! sayong-sayo lang talaga ang username mo.

Napatingin ako sa comments kung napansin rin ba nila ang pangalan ni Blaze, pero mukhang huli na ako sa balita dahil nagkakagulo na silang lahat! Hindi ko na talaga ma-gaslight ang sarili ko na hindi ito si Blaze dahil yung mga nanonood na mismo ang nagsabing siya nga.

It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now