Prologue

16 2 1
                                    


"Sounds of a thunder from the firmament creeps the city. Heavy clouds brimming to burst, birds are rushing to the nearest forest, while people are still trying to ignore the phenomena."
-writer

_____

Prologue
_____

"The superior already selected the bests from his inventions."

Napatingin ang lahat na nasa loob ng malawak na silid sa babaeng nakasuot ng itim at hapit na kasuotan. Nakapusod ang kulay mahoganing buhok nito dahilan upang klarong masilayan ang masungit na ekspresiyon ng mukha nito. Nasa 5'4 ang tangkad nito, payat ngunit matambok ang p'wet at dibdib. Ang kaniyang kilay ay nakaarko pataas na mas lalong nakakasindak sa pagmumukha nito, maliit ang mukha, maliit ang matangos na ilong, at makipot ang bibig.

Sandali itong bumuntong-hininga bago muling pinagmasdan ang mga taong nasa silid na pawang nakasuot ng puting kasuotan. Inabot niya ang hawak na papel sa isang lalaki na nasa kaniyang likuran na matipuno ang pangangatawan, manipis ang buhok at maging ang balbas, nakasuot din ito ng itim na kasuotan katulad ng ilan pang kalalakihan na nagbabantay sa buong gusali. May nakasukbit na kalibre 45 sa kani-kanilang tagiliran at halos lahat din ay nakakasindak ang mga mukha na animo'y mga wrestler.

"Nito lang umaga ay inanunsyo ng superior na tapos na umano ang pagpili, ibig sabihin nito'y tapos na rin ang inyong trabaho. Maaari na kayong bumalik sa inyong mga pamilya." Wikang muli ng babae na walang kahit na ano'ng mababakas na reaksyon sa mukha.

Gulat ang mga naroroon sa silid nang marinig ang sinabi nang babae. Nagbulong-bulungan ang ilan ngunit ang iba'y nananatili pa ring nakatitig sa babae, bakas sa mga mukha nito ang pagtutol at dismaya.

"Hindi maaari!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ng isang matandang lalaki na kung tititigan ng mabuti ay nasa animnapung-taong gulang  na. Puti na ang buhok nito, kulubot na ang balat, at medyo hirap na sa paglalakad.

"And?" Nakataas-kilay na sambit nang babae. Ipinagkrus niya ang mga bisig sa may dibdib at saka napangisi.

"Hindi maaari! We gave our time and effort for this job.  Dugo't pawis ang nilaan namin para dito, iniwan namin ang aming mga pamilya para lamang maging matagumpay ang isinagawang eksperimento. You cannot just leave us behind as if we didn't make this happened!" Sagot muli ng matandang lalaki na sinang-ayonan agad ng mga kasamahang syentista.

"Whether you all like it or not, none of you can change what the superior had said, so just keep your mouth shut and leave!"

Agad na tinalikuran ng babae ang mga syentista na bakas pa rin ang gulat at pagkadismaya sa mga mukha dahil sa mga nalaman.

"Hindi kami makakapayag! Ibigay niyo ang nararapat para sa amin! Kami ang nasa likod ng tagumpay ng eksperimento, hindi niyo kami maaaring talikuran lang ng gano'n-gano'n lang!" Sigaw ng isa pang syentista dahilan upang matigil sa balak na paglabas ng silid ang babae.

Imbes na pakinggan ang hinaing ng mga syentista ay inis na binalingan nang babae ang mga guwardiya at sinenyasan sa dapat ng mga itong gawin. Isang senyas na sadyang kakila-kilabot.

Nang muling maglakad ang babae ay agad na humakbang ang isang lalaking syentista palapit dito. Balak sana nitong pigilan ang babae sa pag-alis ngunit agad siyang pinigilan ng mga guwardiyang nagbabantay.

"Tabi!" Sigaw nang lalaking syentista sa guwardiya habang nagpupumilit na makaalis sa pagkakaharang ng mga ito.

"Tigil!" Anang isang matipunong guwardiya habang nakaharang sa daraanan.

The Gifted Unknown Where stories live. Discover now