Kabanata 9

0 0 0
                                    


Malaki at maliwanag ang bahay na pinuntahan namin ni Corren, ang babaeng muntikang mabangga ng sasakyan kanina. Dinala niya ako rito sa tinutukoy niyang bahay nila.

Napakaganda ng bahay nila at nakakalula ang mga ilaw at kalakihan nito. Kanina ko pa iginagala ang paningin sa paligid,  maraming nakalagay na kung ano-ano sa bawat sulok nito. May malaki pang litrato ang nakasabit sa dingding. Ang litrato na iyon ay sina Coreen kasama marahil ang mga magulang nito. Mukhang masaya silang pamilya base sa masasayang ekspresiyon ng mga mukha nila sa litrato.

May kung ano ang nagpakirot sa dibdib ko matapos makita ang larawang iyon. Naalala ko si ama, wala kaming larawan nang katulad niyon. Hindi ko rin kailanman nasilayan ang ina ko. Ani ama'y wala siyang naitabing kahit na anong litrato ni ina.

Ano kaya ang pakiramdam na may kinalakihan na isang ina? Ang mayroong buong pamilya?

"Dad she is my savior. She's..." Napatingin ako kay Coreen. Nakatingin siya sa akin na animo'y may iniisip na kung ano. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" aniya.

Napatingin ako sa katabi niyang lalaki. Tingin ko ay nasa edad kuwarenta pa lamang siya, may gamit siyang salamin sa mata. Alam ko ang bagay na iyon sapagkat katulad iyon ng madalas ginagamit ni ama sa tuwing nagbabasa ng mga libro. Matangkad ito na katamtaman lamang ang lusog ng katawan. Wala siyang balbas katulad ng kay ama. Nakasuot siya ng malinis at mukhang mabangong tela na damit. May kung ano rin na nakalagay sa palapulsuhan niya.

"Magandang gabi, hija. Maupo ka." Anang tingin ko'y ama ni Coreen.

Nahihiya man ay sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Naupo ako sa upuang tinutukoy niya. Malambot iyon na katulad ng upuan nina Trina.

"Malaki ang pasasalamat namin sa 'yo dahil sa pagkakaligtas mo sa anak namin." Huminga siya ng malalim habang may magaan na ngiti sa mga labi.

"Walang anuman po iyon. Maaari na po ba akong umalis?" Wika ko at agad na tumayo.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha niya at maging sa mukha ni Coreen. Tila ba hindi nila inaasahan ang sasabihin ko.

"I told you, Dad. She don't want anything. She's not a materialistic person." Ani Coreen na ikinatango-tango ng ama niya.

"Kumain ka na ba ng hapunan, hija? You can join us here. Ipapahatid nalang kita sa driver mamaya." Anang ama ni Coreen na may ngiti pa rin sa mga labi. Mukha siyang mabait na tao katulad ni Coreen. Hindi rin siya masungit katulad ni ama.

"Ayos lang po." Sagot ko saka muling iginala ang tingin sa ayos ng bahay nila. Mangmang na kung mangmang ngunit hindi ko alam kung ano-ano itong mga bagay na nakalagay sa tahanan nila.

"Nga pala, hija. Ako si Mario Reyes, ama ni Coreen. Nasa kusina lang ang aking asawa, makikilala mo siya mamaya. Abala lamang iyon sa paghahanda ng hapunan." Aniya na ikinatango ko naman.

Muli ko sanang igagala ang tingin sa paligid nang muling magtanong si Ginoong Mario.

"Ano ang pangalan mo, hija? Taga-saan ka?" tanong niya.

Nag-aalinlangan ako sa sasabihin. Nakakaramdam ako ng pagkailang.

"Maupo kang muli, hija. 'Wag kang mahihiya." Anang matanda na siya namang sinunod ko.

"A-ako po si Elijeya." Mahinang wika ko ngunit sapat lamang upang marinig nila.

Kita ko ang pagtango ni Ginoong Mario at maging ni Coreen. Parehas silang nakatingin sa akin kung kaya't naiilang ako. Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lamang ako nakikipag-usap sa mga tao, katulad nina Trina.  Hindi ko alam kung papaano makikisama.

"That's a unique name. Sino'ng nagbigay sa 'yo ng pangalan na 'yon?" Tila manghang wika naman ni Coreen. Nakangiti rin siya sa akin.

"Ang ama ko." Maikling sagot ko at pilit na ngumiti upang makiayon sa pakikitungo nila. Nahihiya ako sa pagiging mabait nila.

The Gifted Unknown Where stories live. Discover now