TEASER

4.9K 160 10
                                    

"I'm happy with her but with you I feel complete."

HINDI niya kilala ang sarili at hindi niya alam kung saan siya nagmula. Basta ang alam niya ay kailangan niyang tumakas at makalayo sa grupo ng kalalakihang gustong pumatay sa kaniya. Sa bunton ng mga dayami sa isang truck siya nagkubli. Hindi siya lumabas doon hanggang sa umusad ang sasakyan. Nakatulog siya sa mahabang biyahe at pagkagising niya, mukha ng isang hindi kilalang lalaki ang nabuglawan. Salubong man ang mga kilay nito at magaspang ang pananalita,
guwapo ito at may matipunong katawan. At hindi niya maikakailang may paghanga na agad na sumibol sa puso niya.

Subalit ang mahulog kay Ryan ay mas malaking panganib kaysa sa buhay na tinakasan niya.

His Aloof HeartWhere stories live. Discover now